Chapter 30

10 2 0
                                    


“1…2…..3…. HAPPY BIRTHDAY ESTHER!!!!!”

Nagulantang ako sa aking mahimbing na tulog ng marinig ko ang sabay-sabay na boses nila Tita at ni Billie na animoy naka megaphone ang bunganga.

Minulat ko ang aking mga mata at nakitang kong nakangiti sila at nakahawak si Billie ng isang cute cake na kulay pink. Si Tita Linda naman ay hawak ang kanyang malaking ipad kung saan naka video call si mama doon at nakangiti sa akin.

“Thank you po. Ang sweet niyo naman po.” Mangiyak Ngiyak kong sabi. Ito kasi ang unang beses na may nag surprise sakin sa aking kaarawan. Iba talaga ang goodness ni God. Nilalapit niya ko sa mga taong genuine ang puso. Thankful talaga ako sa family ni Billie at of course kay mama na kahit malayo siya, she makes time pa din na I celebrate ang birthday ko.

Time really went fast. Parang kahapon lang nung nag Christmas party kami. Then when I opened my eyes pasko na tapos birthday ko pa!  Di ba ang saya? Speaking of Christmas party, let me tell you some of the highlights during those days. Maliban sa masarap na pagkain ay isa lang naman ang ni lolook forward ko sa Christmas party. Ito ay ang exchange gift. Nakakasaya kasi sa puso na makatanggap ng regalo. Gumamit kami Ng code name para Naman Hindi halata kung sino Ang bibigyan namin Ng regalo after naming magbunot for the exchange gift. Ang nakabunot sa akin ay walang iba kundi si Matthew. Nagulat nga kaming dalawa ng magbigayan na ng regalo. Pero sa totoo lang kinilig ako doon! haha Naisip ko tuloy ang bongga talaga mag-plano ni Lord.

Anyways, back to reality po tayo. Kasalukuyan kaming bumabyahe ngayon papunta sa lugar kung saan I ce-celebrate ang Birthday namin ni Tita Mildred. Mag pi-picnic daw kami.

“Bess, ang cool ng love story niyo ni Kuya Matt ano? Biruin mo magkapareha kayo ng personality ni Tita Mildred, close ka na agad sa mother. ”

“ Bessy, ano bang sinasabi mo Jan? Wala Ako SA kalingkingan ni Tita Mildred ano. Tapos  hindi pa nga kami ni Matt. Anong sinasabi mong mother ka Jan?” Sabi ko SA Kanya pero sa totoo lang sobrang nagustuhan Ng puso ko Ang sinabi niya.

Mother, huh… Mother ko na rin yung mother ni Matt! Ahhhh..

“Oo nga noh, excited lang talaga siguro ako para sa inyo ni Kuya Matt. hahaha”

“Haha salamat. Pero mas maganda na wag nating pangunahan ang will ni Lord. Let’s just wait for His timing. “

“Of course. Yeah, Tama Yan. I’ll pray for the both of you, bes.“

Fast forward……..

Agad akong sinalubong ni Matthew nang makababa ako sa sasakyan ng parents ni Billie. May hawak pa itong bouquet ng Lotus.

Oh gosh, ang sweet!

Wait, lutos? Pano Niya alam na gusto ko Ang lutos? Sa pagkaka-alala ko hindi ko ito nabanggit sa kanya. Mmm, tinanong kaya Niya SI Billie tungkol dito?

“Happy Birthday, my queen. Flowers for you.” He said while smiling at me tapos nilahad Ang bouquet Ng flower.

M-My queen?! Kung makamy queen Ka Naman Matt! Are you trying to kill me on my birthday?!

“I asked Billie about your favorite flower. So here.. I hope you like them."

“ Are you kidding me? I love them! Thank you, Matt." Ani ko nang may malaking ngiti sa labi.

After ng moment namin ni Matthew ay pumunta na kami kina Tita. Sobrang ganda ng place. Napaka peaceful. Rinig na rinig mo pa ang huni ng mga ibon at ang lagaslas ng tubig sa malinaw na batis. May nakalatag na din na picnic mat sa luntiang damuhan at may mga pagkaing naka handa roon.
May dalawang cake na nakapatong sa maliit na mesa na nakalagay ang pangalan namin ni Tita.
May naka set-up din na mga tents dahil dito din kami matutulog. Bale parang birthday camp kumbaga. Ang saya!!

“Happy Birthday po, Tita. Ito po ang regalo ko sa inyo.” Bati ko kay Tita sabay bigay ko sa kanya ng crochet ng medium size na sunflower.

“Woah, I love sunflowers so much dear! Thank you! Happy Birthday as well by the way. My gift for you is in the car. I’ll let Matthew get it for you later after we eat.”

“Oh, ah.. then thank you Po in advance Tita.”

“No worries, dear. Saan ka pala nag paggawa nito? Ang ganda!” Sabi niya habang tinitingnan Ang regalo ko sa kanya.

“I made it myself po.” Nahihiyang sabi ko kay Tita.

Na shock naman si Tita Mildred nang malaman niyang gawa ko iyon. Kinilig tuloy ako kasi sobrang na appreciate niya ang gift ko kahit hindi perfect ang pagkagawa ko.

After ng batian moments namin ay nag pray na kami para sa pagkain. Pastor Vlad led the prayer and he prayed for me and Tita Mildred being the birthday celebrants.

Habang kumakain kami ay napansin kong parang hindi mapakali itong si Billie. Gusto ko sana siyang kausapin nang biglang tumabi naman si Matthew sa akin.

“Kamusta ka pala?” Tanong niya sa akin.

“I’m doing good, Matt.” I miss you. Ang gusto kong idagdag pero nahihiya pa Ako. Besides, parang masyadong intimate Yun para SA infant stage Ng aming relasyon ni Matt. " There are problems and trials, yes. But by God's grace nakakayanan ko naman lahat."

Sumilay naman ang masayang ngiti sa labi niya. "I'm glad to hear that. If there is anything I can help you with sa mga problems mo, please don't hesitate to ask me for help as well, okay? Don't be a stranger."

Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko sa harap ng parents niya at sa parents ni Billie.

“Zane, I don't know if it's still too early for this, but, I felt that this is the right time to ask you this since I have my family with me and yours as well. I also feel the Holy Spirit's approval to do it now since I have been praying for this day to happen."

Suddenly, I felt kinda nervous and looked around the people with us. They have this smile on their faces which made me look back at Matthew. I saw him holding a box and asks..

"Zane, will you be… my girlfriend?” Then he opened the box revealing a beautiful necklace in it.

*Gasp*  Oh, my Lord …







Taming The RainWhere stories live. Discover now