Chapter 3

44 8 13
                                    



Maaga akong nagising kinabukasan pero pinili kong humiga muna at pinikit muli ang aking mga mata. Maya-maya pa ay kinapa ko ang cellphone na binigay ni Billie sakin upang tingnan ang oras. Alas singko trenta pa pala ng umaga. Gusto kong matulog muli ngunit nabighani ako sa magandang sikat ng araw na bumungad mula sa bintana ng condo. Tumayo ako at binuksan ng bahagya ang kurtina. Sapat lang upang mapagmasdan ko ang magandang kalangitan.

Sobrang ganda ng pagsikat ng araw na para bang kinakausap ako nito.Na para bang sinasabi sakin na marami pang magagandang mangyayari sa mundo. Basta ba manalig ka lang. Ewan ko ba kung nababaliw na ba'ko ngunit, parang nangungusap talaga sakin ang mga ulap.

Sa pakiramdam kong yun ay napalabas na lamang ako sa balkonahe ng condo. Maganda rin ito upang di ko magambala si Billie sa kanyang pagtulog.

Naupo ako sa upuan at malayang pinagmasdan ang kalangitan. Sa pagmamasid kong yun, di ko namalayan na napaluha na pala ako. Mga luhang kumawala hindi dahil sa sakit na dinanas ko kundi dahil sa katahimikang natamasa ko na tanging sa Diyos ko lang nahanap. Na tanging sa Diyos ko lang naramdaman.

Lord, will You still accept someone like me? Salamat nga pala sa mapayapang umaga. Hindi ko alam ba't kinakausap kita kahit di naman Kita nakikita. Pero, I like talking to You. Will You always listen?

"Twitttttt! twittttt!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may dumapong ibon sa mesa. Lalapitan ko na sana ngunit agad naman itong lumipad sa kabilang balkonahe.

God, is it Your way of answering my questions? Is this bird's "twitt" equivalent to your "yes"?

"Twitttt!" ani nanaman ng ibon habang nakadapo ito sa kabilang balkonahe. Napa wow nalang ako sa narinig ko.

Nababaliw na ba ko? But who cares?

"Billieeeee! " Excited na sigaw ko kay Bessy with matching yugyug para magising ang kanyang diwa.

"Ano? Bakit? Susugurin na ba tayo ng Tita mo?! Waaahhhh! "

" Ano ka ba! Chill lang pwede? Hindi ganun! Makinig ka muna sakin " Pagpapakalma ko sa kanya. Na praning ata to.

After that, I shared everything that happened to me sa balkonahe. She giggled in response.

"Bessy! Finally you can relate to me! Welcome to the family of God! " She gave me a big hug which I reciprocated with much enthusiasm.

Matapos ang moment namin ay nag ready na kami para sa pagpasok namin sa school. Pinauna ko siyang maligo habang nagluluto ako ng breakfast namin. Ambag ko sa kanya para makabawi ako sa pag stay ko dito sa condo niya.

After namin mag-ayos, kumain at magpaganda ay ready na kami sa pagpasok sa school. Malapit lang ang University namin sa condo kaya naglakad kami papuntang school.


Habang naglalakad ay patingin-tingin ako sa mga restaurant, cafe, at milk tea shops. Nagbabakasakaling may nagha-hiring na pwede kong ma-aplayan. Di naman pwedeng aasa lang ako kay Billie sa lahat ng pangangailangan ko.

" Bessy, pwede kaya ko diyan? " turo ko sa isang cafe na maganda ang interior design. Napaka cozy tingnan.

"We'll try to ask later, Bessy. After our class. Don't rush anything, okay? We'll get into that. Relax ka muna haha " She patted my back at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa magkahiwalay na kami ng landas. Hindi kasi kami klasmeyts sa first subject ngayong araw nato.

Malapit na ko sa building namin nang makasalubong ko si Veda. Tama ang nabasa niyo. Same school kami ni Veda. Pharmacy ang kursong kinuha niya at matanda siya sakin ng 2 years.

"Oh, look who's here? Hey trash!" Mataray niyang sabi.

But I have no time sa pagmamaldita niya kaya nilagpasan ko lamang siya. Pero bago ko siya tuluyang malagpasan ay hinablot niya ang bag ko sakin na parang bang snatcher na mabilis ang kamay. Gusto kong matawa sa loka-loka kong isip. Pero kailangang magtapang-tapangan mode ako ngayon. Mahirap na. Baka malate ako sa klase ko.

Taming The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon