Chapter 20

10 3 0
                                    

Ngayon ay araw ng linggo at mukhang bubuhos ang malakas na ulan. Makulimlim kasi ang kalangitan kaya nag ready na ako ng payong sa aking bag para hindi kami mabasa ni Billlie kung sakaling umulan. Magsisimba kasi kami ngayon.

Pagkarating namin sa church si Kuya Matthew agad ang bumungad sa amin. Papunta ito sa amin ni Billie habang may nakasukbit na gitara sa kanya na para bang ready na para tumugtog. Teka, don't tell me isa siya sa mga tutugtog ngayong linggo? 

Hayss.. Heto na naman ang puso ko, nagtatambol na naman eh malayo pa ang pasko! 

"Good morning, ladies! Billie, Dad wants to talk to you by the way. He's waiting for you in his office." 

"Okay kuya."

"Bessy, pwedeng sumama?" Bulong ko naman kay Billie. Medyo ilang pa kasi ako kapag ako lang mag-isa eh. Ang aga kasi namin dumating at wala pa yung mga ka close ko talaga.

"You can come with me, Esther. I actually need you for something."

He n-needs me for something? Uy Esther! Baka iba naman yun! Maghunos dili ka babae!

"Ahm, ano ba yun kuya?"

"There's some changes in the PowerPoint presentation for the sermon later. Can you revise it?"

Ah, yun pala. Belong na kasi ako sa production team ngayon. At ako yung in charge sa pag maneuver ng presentation sa preaching time na. Kaya I have to make sure na ready at tama ang lahat. 


"Sure kuya. No problem."

"Tsk" react naman ni kuya at naunang lumakad. 

Natawa naman ako dun ng pasekreto. Ayaw talaga patawag ng 'kuya'. 

"God bless, gurl! Chicka later." makahulugang bulong sa akin ni Billie. Kaya tiningnan ko siya ng masama. Tumawa naman ang loka sa akin na parang timang lang at umalis na. 


Tahimik naman akong sumunod kay Kuya Matthew. Muntik pa nga akong mauntog sa likod niya. Buti nalang nakapagpreno pa ang aking mga paa. Pero kahit ganun, hindi naman nakaiwas ang aking ilong sa bango niya. Grabe, parang nakaka-adik! Yung hindi matapang na amoy na kagaya ng usual na pabango ng mga lalaki para lang maka-akit ng mga babae.

He smells like flowers na parang pulbo na ewan. Ano kayang pabango gamit niya? Matanong nga mamaya. Kaso baka magalit na naman. Wag na nga. Hays...

Tsaka napansin ko lately parang ang cold ni Kuya Matthew sa akin. Na curious tuloy ako kung galit ba siya sa akin or ano? Ang tahimik niya kasi hanggang ngayon. O baka naman guni-guni ko lang yun...ay ewan!

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko si Aly. Ang naging ka close ko dito sa church. Partner kami sa pag gawa ng mga PowerPoint presentation, banners, and posters para sa church. 

Nag edit at nagrevise lang kami ni Aly hanggang sa bumalik na si Billie na may kasamang gwapong nilalang.

Wait, is that Kuya Paul I'm seeing?! Ay, bongga ang bff kong ito. Mukhang magkaka love life nah! 

Shhhh! Mind, rebuke rebuke! Lord oh, nagjudge agad ang utak ko. 

Tatawagin ko sana si Bessy pero nag ring na ang bell, hudyat na magsisimula na ang service.


Sheems, tama nga ako dahil isa nga si Kuya Matthew sa tutugtog! Umakyat kasi siya sa stage kasama ang ibang member ng worship team. As usual, si Bessy ang worship leader. I focused myself and felt the presence of the Lord as the musical worship started.


Taming The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon