Chapter 14

13 4 0
                                    

I didn't have enough sleep last night because I prayed to God genuinely about my newfound feelings for Kuya Matthew. I didn't tell Billie about first because I'm not so sure about what I really feel. Baka na overwhelmed lang ako kahapon so it's better na wala na munang makaalam except God.

Anyways, disregard muna natin yong feelings ko sa kanya. Kasi nasa exciting part na ako ng christian life ko! Dahil today is my baptism day!

It's the last day of the camp today at sabi ni Bessy, every end daw ng camp ay may baptism para sa mga bagong christian. Kinakabahan nga ako eh. Never ko kasing na witness ang pagbabaptism.

I was raised as catholic you see and we get baptized when we are month old or a year old. So bago talaga sa akin ang lahat ng ito. Hindi alam ng family ko ang desisyon kong ito except kay mama since supportado niya naman ako at christian din siya.

At kahit malaman pa nila, hindi naman ako nakaramdam ng takot dahil alam kong ito ang gusto ni Lord na mangyari. Napagdesisyunan ko na whatever happens, I'll stand firm on my faith.

Doon sa batis na pinuntahan namin ni Kuya Matthew gaganapin ang baptism. Now I know why that place feels so welcoming and peaceful to me.

Hindi ako mapakali talaga! Hindi ko kasi ma explain ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan talaga ako tsaka si Bessy at Chasty wala pa dito sa cabin. Asan kaya ang mga yon?

Nag pray nalang ako kay Lord na bigyan niya ako ng peace of mind. Effective naman kasi parang naging kalmado na ako. 8 am gaganapin ang baptism and after nun ay magco-closing na ang camp. At finally, makaka-uwi na kami.

Medyo nakaramdam naman ako ng lungkot na last day na namin dito ngayon. Ito kasi ang unang beses na naging masaya ako at nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Pero anyways, I thank God pa rin kasi pinaexperience Niya ako ng ganito kagandang event sa buhay ko!

"Bessy! Look!" Matinis na boses ni Billie ang bumungad bigla sa pinto habang winawagayway ang white dress na hawak niya.

Napakunot naman ang noo ko dun. "Ano yan?"

"Ito ang susuotin mo sa baptism kaya magpalit ka na ngayon din!" Binigay niya sa akin ang white dress at tinulak ako sa papuntang banyo.

The white dress looks amazing. It has long puff sleeves and has big white ribbon on the center of the chest. The dress is hanggang tuhod. So nice and elegant! Pero...

"Bessy, para naman akong ikakasal nito!" Reklamo ko sa kanya sa loob ng banyo.

"Bride of Christ tayo, di ba Bessy? Kaya dalian mo na jan!"

Tama naman siya. Kaya sinuot ko na lang ang damit at rumampa sa harap niya pagkatapos.

"Well, aren't I one of the most beautiful bride of Christ?" ani ko at lumalakad na parang model.

"That's right! I love the confidence gurl! haha"

"Salamat sa dress Bessy ha? Saan mo ba naman nakuha to?" Biglang tanong ko sa kanya. Habang sinusuri ang dress ulit. Ang ganda kasi talaga!

Wala naman kasing dress doon sa dala niyang bagahe. Alam ko yun kasi nakikihiram ako sa kanya ng damit.

"Uh, binigay yan ni Van. Gift niya daw sayo. Napadaan kasi ako doon sa cabin nila kanina."

Ang bait naman ni Van! Kaya pala natagalan si Bessy kanina sa pagbalik niya.

"Magpapasalamat talaga ako Kay Van mamaya. Teka nasaan si Chasty? "

Hindi niya kasi kasama pagbalik niya.

"She's in the boys cabin. Paul is sick kasi so she's currently taking care of him." ani ni Billie. At kahit tinatago niya ito, napapansin ko pa rin naman ang pag-aalala niya kay Paul.

Pero imbes na sabihin ko sa kanya ang napansin ko, hindi nalang ako nagsalita at tumango sa kanya. Malapit na din kasing mag 8.

Naglakad na kami papuntang batis at all the way, kumapit ako ng mahigpit sa braso ni Bessy. Nandyan na naman kasi ang kaba ko na akala ko nawala na kanina.

Fast forward...

Finally, I was baptized as a daughter of God! The living God!

It was the best thing that ever happened in my life. The moment I was immersed in the water, it's overwhelming that I think that I can feel the holy presence of God embracing me.

Para akong nasa cloud nine na akala ko mararamdaman ko lang pag magkakaroon ka ng love life gaya sa mga kdrama na pinapanood ko. Pero mali na naman ulit ako dahil God can make you experience that cloud nine feeling to the highest level!

I also realized that bonus point na lang yung ma meet mo ang love of your life while serving God. When I thought of the love of your life, bigla naman sumagi sa isip ko ang mukha ni kuya Matthew.

Gosh! Ano ba Esther!? Tigilan mo yan ha.

"Bessy, are you okay? Masakit ba ang ulo mo?" Nag-aalalang tanong ni Bessy saakin.

Paano ba naman kasi, sinabunutan ng lola niyo ang kanyang sarili.

"Ha? Ah, eh Don't worry. I'm okay."

"I have Advil here. Mabisa to sa headache. Nga pala, Kuya Matthew is on his way here to help us carry our bags. "

Sabi niya sabay abot sa akin ng medicine kit niya.

Grabe. Always ready talaga ang babaeng ito. Teka.. ano nga ulit sabi niya pagkatapos nung advil? Did she just mentioned kuya Matthew?

Hayss.. bahala na nga.

Tapos na kaming mag-ayos ng mga gamit namin at dinoble check ko naman ang buong cabin kasi baka may naiwan ba kaming mga gamit. At nang masiguro kong nadala na namin lahat, binitbit ko na isa-isa ang mga dadalhin ko.

Knock Knock Knock

"Can I come in? "

I know that voice. It's Kuya Matthew!

"Sure kuya. Tapos na din kami eh." Billie replied as she opened the door.

"This place looks cozy. Let me help you with your bags girls." Sabi ni kuya saka kinuha ang backpack na hawak ko.

Nagpasalamat naman ako sa kanya bago ko inabot ang bag ko. He just smiled at me in response.

Binitbit niya din ang luggage ni Billie at ang isa pang bag nito. Madami kasing dala si Billie kasi galing pa siyang tour. Dumiretso lang agad siya sa camp.

"Bessy, hindi ba mahihirapan si Kuya Matthew niyan? Ang dami niyang dala." Bulong ko kay Bessy.

"Ay! Concerned lang gurl?" palokong sabi naman niya. Hinampas ko naman siya sa braso ng mahina.

"Ano ka ba! Wag ka ngang maingay jan. Tsaka, di ba pwedeng maging concerned lang sa tao? Ang dami lang kasi niyang dala eh. Tas may dalawang kamay naman tayo. Kaya bakit kailangang i-asa natin lahat ng bagahe natin sa kanya?" Depensa ko naman.

"Mmm.. Sige na nga. I'll let you off this time. Tama ka naman eh. Pero don't worry Bessy. Okay lang si Kuya Matthew. Magrereklamo naman yan eh kung nahihirapan na siya." aniya at tumawa.

Nagshrug naman ako dun at nagpatuloy nalang sa paglalakad sumusunod kay Kuya Matthew na nauna ng naglakad sa amin papuntang sasakyan niya. Doon kasi uli kami sasakay sa kanya.

Pagdating namin sa sasakyan, bigla namang shumat-up si Bessy sa pagchichika sa akin dahil nakita namin na nakaupo si Paul dude sa front seat.

Wala na din ang mga instruments and other things sa back seat so now, free kaming makakaupo ni Billie nang hindi nasisikipan sa loob ng sasakyan. Saan naman kaya napunta yun? Baka naman siguro iba na ang nagpasyang magdala.

Umupo na kami ni Bessy sa backseat at nag hi naman ako kay Paul bilang pag galang.

Nang papa-alis na ang sasakyan sa Camp Masagana, nakaramdam naman uli ako nang pagkalungkot. Pero may next year pa naman. So now, I'm just glad that I have something to look forward to next year.

I can't wait!

To be continued...

Taming The RainOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz