Chapter 27

13 3 0
                                    

Araw ng linggo ngayon at papunta na kami ni Billie sa Church. Maaga kaming pumunta sa church ngayon dahil hindi daw masyadong nakapag practice sina Billie kahapon. Ayaw ko ding kasabay si Matthew maglakad papunta dito, kaya sumama na ako kay Bessy.

Speaking of Matthew okay naman kami. Nang mag-usap kami kahapon, nag sorry  kami sa isa't isa and decided to respect our boundaries with each other. Akala ko nga titigil na siya sa panliligaw sa akin, pero hindi. But sometimes naiisip ko sana tumigil nalang siya kasi parang hindi ko naman siya deserve.

I know it would hurt me big-time kung titigil na siya but I'm not good enough for him. Tsaka ayoko namang saktan siya ng family ko with their harsh words.

Habang nagpapractice pa sina Billie at mga kasamahan niya sa worship team, pumunta ako sa pwesto ko sa production team. Ni review ko nalang ang mga ginawa Kong PowerPoint presentation kung okay na ba, para sa preaching mamaya. Minsan kasi may nakakaligtaan akong mga words na ilagay. Medyo nagiging makakalimutin na ata ako lately. Need ko na bang mag memo plus gold? Haha Buti nalang may nag cocorrect sa akin. Si Aly. Ang kasama ko sa production team. Teka nasaan na kaya ang babaeng yon?

Habang hinahanap ng aking mga mata si Aly, nahagip naman ng paningin ko si Kuya Jacob na nakangiting papunta sa deriksyon ko.

"Good morning, Esther! Naks, aga mo today ah."

"Good morning, Kuya! Feeling ko kasi may nakaligtaan akong gawin sa ppt mamaya. Teka Kuya nasaan si Ate Eli at baby?"

"Kaya pala. That's good. Nasa bahay sila, nagkasakit kasi si Baby. "

Tumango-tango lang ako kay Kuya Jacob. Nagkwento pa si Kuya about sa baby nila na sobrang cute daw nag mana daw sa kanya. Pero gwapo naman talaga si Kuya Jacob. Habang nagsasalita pa siya napa-isip ako. Paano kaya niya nalaman na si ate Eli na ang babaeng para sa kanya? Matanong nga.

"Kuya, pwedeng magtanong?" Napatigil naman si Kuya Jacob sa pagsasalita.

"Sure, sure what is it?"

"Paano mo nalaman na si Ate Eli na ang babaeng para sayo?" Medyo nagulat naman si Kuya sa tanong ko, ngunit binigyan niya ko ng makahulugang ngiti.

"Kuya nagtatanong lang ako. Walang ibang meaning yon." Depensa ko sa kanya.

"Teka, wala naman akong sinabi ah."

Natawa na lang ako bilang tugon at hinintay kong sagutin niya ang tanong ko.

"Eli is the most amazing woman I met. I admire how she loved the Lord so much. Doon ako nahulog sa kanya. Dahil sobrang minahal niya si God. Kaya ng makilala at nagkapalagayan kami ng loob, alam kong siya na ang babaeng para sa akin. Nasa kanya na kasi lahat ng qualities na hinahanap ko. She is humble, kind and most of all she loves to live a simple life. Hindi siya yong babaeng materialistic, demanding, sosyal at gusto ang atensyon ng lahat. It feels like I met the woman in Proverbs 31."

Habang nagsasalita si Kuya, I can see how he love Ate Eli. Ang swerte naman  nila sa isa't isa. Pero isa sa tumatak sa isipan ko sa sagot ni Kuya ay yong sinabi niya na " It feels like I met the woman in Proverbs 31." Parang nag echo ito sa pandinig ko at hindi na maalis sa aking isipan.

" It feels like I met the woman in Proverbs 31.
" It feels like I met the woman in Proverbs 31.
" It feels like I met the woman in Proverbs 31.

"Esther, okay ka lang?" Natigil naman ako sa pag-iisip.

"A-h oo naman kuya. Medyo nadala lang ako sa sagot mo. Ang swerte niyo po sa isa't isa! Parang pinagtapo talaga kayo ni Lord."

"Naku, ikaw talagang bata ka. Hindi naman puro saya lang ang aming relasyon. Tsaka may ups and lows di-" natigil naman sa pagsasalita si Kuya Jacob dahil tinawag ako bigla ni Billie.

Gusto ko pa sanang makipagkwentohan pa Kay Kuya pero, kailangan kong puntahan si Bessy. Nagpa-alam naman ako kay Kuya Jacob bago umalis at pumunta sa kinaroroonan ni Billie na nasa stage ng church kung saan sila kumakanta during worship service.

"Bessy, kanina pa kita tinatawag. Mukhang Hindi mo ata narinig kaya ginamit ko na ang matinis Kong boses." Natawa naman ako kay Billie dahil don.

"Sorry naman, Bes. Nakipagkwentohan lang kay Kuya Jacob."

"Sus, nagtanong ka siguro about Kay Kuya Matthew noh? " Ayan na naman siya sa panunukso niya.

"Hindi noh. Turuan mo nga akong magpiano." Palusot ko kahit ayaw ko namang matuto. Ayoko lang kasing pag-usapan muna si Matt.

Tinuruan naman ako ni Bessy magpiano kahit wala ako sa sarili. Paano ba naman kasi bumabalik na naman sa isip ko ang.
" It feels like I met the woman in Proverbs 31.

Nagulat naman ako ng umalingaw-ngaw ang pangit na tunog na nagmula sa piano. Napindot ko kasi ang maling key. Nagulat din tuloy si Billie kasi memorize ko na ang keys nung Imagine me without you. Pero nagkamali ako bigla. Haysss.. makapag pray nga. Mukhang nabuang na ata ako.

"Bessy, okay ka lang? Lutang ka ata ngayon."

"Oo naman. Nakalimutan ko kasi ang susunod na Key." Palusot ko. Nakita ko naman si Matthew na kakarating lang. Umupo siya sa pwesto namin parati. Ang pinakaunang upuan na malapit sa stage. Bumaba na kami ni Billie dahil magsisimula na ang Sunday service.

Fast forward.....

After the service ay hinanap ng mata ko si Matthew. Bigla kasi siyang nawala after the service. Kanina kasi magkatabi lang kaming apat nila Billie at nasa likurang bahagi naman ang parents ni Billie. Tinulongan ko nalang sina Billie at Kuya Paul magligpit ng mga upuan.

"Bessyy, si Kuya Matthew ba yon?" Napatingin naman ako sa dereksyon na tinuro ni Bessy.

Si Matthew nga at may Kasama siya babae. She has a beautiful and innocent face, naka suot ito ng white floral dress na bagay-na bagay sa kanya. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ng makitang may Kasama siyang iba. Pero ayoko namang mag judge agad. Baka kasi kaibigan o kapamilya niya lang ito.

"Oo, Kilala mo ba ang kasama niya, Bes?" Nagulat naman ako sa sarili kong tanong kay Bessy.

"Si Ate Hannah yan, matagal ng may gusto kay Kuya Matthew. Teka Bessy wag kang mag selos. Faithful si Kuya Matthew sayo." Bigla naman akong nanlumo sa sinabi ni Bessy.

Napa-isip tuloy ako, paano kung siya talaga ang para kay Matthew? She looks more beautiful than me and she looks more dignified than me.

But I hear whispers in my head telling me to read the whole chapter of proverbs 31. Bigla tuloy napanatag ang loob ko dahil doon.

"Ano ka ba hindi noh. Tara na nga punta na tayo sa bahay niyo." Tinawanan naman ako ni Bessy sa inasta ko. Hindi ko kasi kayang itago ang emosyon ko.

"Akala ko ba, like mo palang si Kuya ba't ka nagse-" Tinakpan ko naman ang boses ni Bessy. Napatingin kasi si Matt sa kinaroroonan namin.

Inakay ko naman ng mabilis si Billie palabas ng church. Kung ano-ano kasi ang lumalabas sa bibig at ang lakas pa ng boses! Hayss tong babaeng to talaga…

To be continued...

Taming The RainWhere stories live. Discover now