Chapter 2

47 10 16
                                    

Hindi ko alam kung paano na ko ngayon. Ni hindi ko alam kung paano ako mabubuhay mag-isa. Halos patayin ako ni Tita sa bugbug ng makita niyang nag impake ako ng mga gamit ko. Hindi niya kasi inaasahang seseryosohin ko ang sinabi ko dahil ni isa di niya ko narinig mag reklamo o sumagot man lang sa kanya tuwing pinapagalitan o sinasaktan niya ko. Tinitiis ko lagi ang lahat ng pananakit niya sakin. Pero nakakapagod na. Sobrang pagod nako to the point na hindi ko na magawang magtiis na lang.

Punong-puno na ko. All I need is a family who will love me and treat me as a human being. Tao din naman ako. Nasasaktan din ako.

Sa loob ng 3 taon ko na pagtira kina Tita, ni minsan hindi niya ko tinuring na pamilya. Masaya lang siya kapag nagpapadala ng pera si Mama dahil siya ang humahawak nito. Never akong nakahawak ng perang padala ni Mama. At kapag naubos na ito ay parati nalang siyang galit.

" Bes, stop crying nah. " Pagpapatahan sakin ni Billie sabay bigay ng pangalawang box ng tissue sakin.

Kanina pa kasi ako iyak ng iyak simula ng dumating ako dito sa condo niya. Sa tuwing naiisip ko kasi ang mga pinagdaanan ko di ko maiwasang di umiyak.

" Last na to promise. " Sabi ko sabay singhot ng sipon ko sa tissue. Ang pangit na siguro ng mukha ko sa kakaiyak. Feeling ko mukha na kong zombie.

" I'm glad na umalis ka na sa puder ng Tita mo. Finally, I can bring you to our Bible study nah! yey! " Hayss. Ayan na naman siya sa Bible study niya.

I know that there's an urge inside me telling me to come with her. Not only now but even before nung nasa kina Tita pa'ko. But I chose to ignore it. Pero ngayon baka okay na. Hindi ko na kailangan i-ignore pa yun. Wala na din naman akong maisip na excuse para di sumama. Baka magtampo pa to si Billie pag umayaw pa'ko. Besides, wala naman sigurong mawawala diba?
Pwede naman akong mag-out if di ko magustuhan dun sa Bible study chuchu na yun.

" Yeah. Me too. Sige. Payag na'ko. I'll come with you. "

" Really? Yay! Finally! Praise God! " Matuwa-tuwang sabi Billie sa sagot ko. Nagtatatalon-talon pa.

" Ay, Bessy here. " Inabot sakin ni Billie ang spare phone niya na pinapahiram niya sakin pag kailangang kailangan ko nito for study purposes.
Hindi na kasi binalik ni Tita ang cellphone ko kaya wala talaga akong magamit. I'm thankful that I have a best friend like Billie. Thank God I have her.

" Thanks Bessy. " sabi ko sabay yakap sa kanya.

Agad kong ni log in ang account ko sa messenger. Kailangan kong ipa-alam kay mama ang nangyari. Pagkabukas ko ng account ko sa messenger ay nakita kong nag chat sakin si mama. Pero ng binasa ko ito, feeling ko gusto na namang kumawala ng mga luha ko.

" Ano na namang kamalditahan ang ginawa mo Esther?! Nagsumbong sakin ang Tita mo! Hindi ka raw ma disiplina at napakatigas ng ulo mo! Hindi kita pinalaking ganyan Esther! Pero bakit puro problema nalang lagi ang dala mo sakin?! Sakit ka ng ulo! Ni hindi mo nga ko magawang kumustahin! Kahit tawag o chat wala! Kung hindi ka babalik sa Tita mo ngayun din ay hindi na ko magpapadala ng pera sayo! Sinasabi ko sayo bata ka!"

Bumagsak ang mga luha ko sa galit matapos kong basahin ang chat ni mama.

Kung alam niya lang ang totoo. Pero wala eh. Mukhang naunahan na ko ni Tita. Naunahang siraan ako sa sarili kong ina. Ngayun baka hindi na ko pakikinggan ni Mama kahit anung gawin kong paliwanag.

Pero kahit ganun, sinubukan ko paring magpaliwanag sa kanya through call. Sinabi ko sa kanyang di ko siya makamusta dahil kinuha ni Tita ang cellphone ko. Sinabi ko sa kanya lahat ng pangyayari. Ang rason kung bakit ako umalis kina Tita. Pero as expected, hindi niya ko pinaniwalaan. Ang sakit lang isipin na kahit sarili mong ina, ayaw kang paniwalaan.

Kung mawala nalang kaya ako sa mundo? Paniniwalaan niya na ba ko? Siguro makikita na nila ang halaga ko pag nawala ako. I really wanna end my life right now.

Gusto ko mang ihagis ang phone na nasa kamay ko ay pinigilan ko ang sarili ko. After all, this isn't my phone. Kinuyom ko nalang ito sa kamay ko nang sobrang higpit while staring at the mirror beside me. May matalim kasi itong mga gilid ngunit napapalibutan ng mga fairy lights na denesign ni Billie. Napasok sa isip ko na baka pwede kong gamitin ito para maglaslas.

Ngunit lahat ng masamang nasa isip ko ay nawala ng magsalita bigla si Billie.

" Bes, I don't know how to comfort you. But can I pray for you? "

Nag-alangan akong tumango sa kanya ng bigla niyang hawakan ang dalawa kong kamay at nagsimulang magdasal na nga.

" Heavenly father, thank You for the life that You have given to us. Especially my best friend Esther. I pray Lord that You will strengthen her for she is weak in spirit right now. She needs You Lord. Touch her heart Lord so that she would feel the comfort of Your love. I pray Lord that You will heal her brokenness. I pray Lord that You will protect her from all the wicked thoughts that's speaking in her mind. Lord may your holy presence embrace her. That you will give her a new life. That she will open her heart to accept You in her heart. I pray Lord that You will strengthen our friendship. I love You Lord always and forever. In Jesus name we pray, Amen."

Pagkatapos niyang magdasal, I feel like I'm feeling better. I can feel comfort out of nowhere. I don't know where it is coming from, but all the pain and burdens that I feel are slowly fading away.

" Bes, I think I'm feeling better. " I cried again as I said that. But this time, it's different.

" That's how powerful our God is. He will give you the comfort and love that you need. " She said smiling at me.

I can see genuine joy in her eyes. Ako kaya? Would I ever experience the joy that she has? Can God really give that kind of feeling?

" I'm amazed. " Tanging sagot ko sa sinabi niya.

" Bessy, before we sleep I feel like God wants me to tell you this verse. Psalm 34:18 'The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit.' This is who we are. The brokenhearted and crushed in spirit."

Tumango ulit ako kay Billie matapos niya sabihin ang verse na iyon. Isang litanyang tumagos sa puso ko. Ang verse na iyon ay parang panang tumama sa aking dibdib. Hindi para saktan ako kundi para pakalmahin ako at mabura sa isip ko ang masamang bulong ng demonyo sa utak ko. Napaka powerful ng panalangin ni Bessy. Napaka thankful ko sa kanya at kay God.

Nagdasal muna ako bago tuluyang pinikit ang aking mga mata para matulog.

This is the time, I will live my life to the fullest. I may not know where to start but, I think I should just start by trusting God this time.

To be continued....

Inspiration verse on this chapter:

"Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you. "

1 Thessalonians 5:16-18.

Taming The RainWhere stories live. Discover now