Chapter 19

11 2 0
                                    

Pagkarating namin sa ospital ay sobrang laki ng pasasalamat namin sa Diyos ng malamang ligtas at maayos na ang kalagayan ng Daddy ni Billie. Yun nga lang medyo matatagalan pa bago sya makakabalik sa paglalakad. Napurohan kasi ang paa niya sa aksidenteng nangyari.

Medyo nakahinga naman ng maluwag si Billie pero ramdam kong sobra-sobra pa din ang pag-aalala niya sa Daddy niya. Ni ayaw nga niyang mahiwalay sa Daddy niya na nakahiga sa hospital bed.

Kaya umuwi nalang ako mag-isa pagkatapos ko ron at sumabay pauwi kay Kuya Matthew. Hindi ko na pinilit si Bessy na sumama kasi alam ko naman kung ano ang isasagot niya. Kaya umuwi nalang ako para madalhan ko din siya ng damit bukas.

Kinabukasan....

Pasado alas dyes na akong nagising dahil late na din ako natulog kagabi. 2:00 am kasi ako naka-uwi sa apartment. Hindi na ako nagising sa alarm clock ko na 5:00 am para mag devotional. Pero kahit ganun, nag pray pa rin ako bago tuluyang maghanda ng aking sarili para puntahan sina Billie sa hospital.

Matapos kong mag-ayos ng lahat ay nagmadali akong bumaba para hindi ako maabutan ng rush hour. Madami na kasi akong kaagaw sa sakayan ng jeep kapag gantong oras. Pero thank God at nakasakay agad ako ng jeep.

Pagkarating ko ron, agad kong tinungo ang entrance ng hospital. Pero bago ako tuluyang makapasok, bigla namang may tumawag sa akin.

"Esther."

Paglingon ko naman, si Kuya Matthew pala. Dali-dali ko namang sinaway ang puso kong nagtatalong bigla sa saya.

"K-Kuya! Pupunta ka rin sa Daddy ni Billie? Sabay na tayo." ani ko at naunang naglakad sa kanya. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko ngayon.

Lord, naman eh! Ano ba tong nangyayari sa puso ko?

"Please Esther, stop calling me Kuya." aniya and before I knew it, nasa tabi ko na siya. Mas domoble tuloy ang lakas ng puso ko.

Lord, help pooo.

"P-Pero kuya, di ba sinabi mong okay lang na tawagin kitang kuya?"

Bigla naman siyang hindi kumibo ron kaya sumulyap ako sa kanya habang naglalakad kami.

"Kuya? Ayaw mo ba nun? May sister in Christ ka? Kumbaga, younger sister mo ko, tas kuya kita! Di ba winwin situation naman yun?"

ANo na namang nasa isip nito? Dati nag-agree naman siyang tawagin ko siyang Kuya. Tapos ngayon, biglang ayaw na naman niya. Lord, may topak po ba tong lalaking ito? Ano bang gusto niyang mangyari? Eh baka naman gusto niyang maging tatay ko siya. hahahahaha.
Natawa naman ako sa naisip kong yon.

"Why are you laughing?" Nagulat naman ako sa biglang pagsalita niya. Change topic ang lolo niyo. hoho

"Ah, wala kuya. Naisip ko lang na baka gusto mong tawagin kitang Papa kesa kuya. hahahaha "

Napakunot naman ang noo niya ron. "Tss."

Pagdating namin sa room, bigla naman akong pinandilatan ng mata ni Billie. Ay alam ko ang tinginang yan! She wants morning tea from me.

Buti naman at bumalik na ang dating sigla ni Bessy. Hindi kagaya kagabi na sobrang down niya talaga. Kinamusta ko din si Tito bago sinamahan si Bessy sa Cr para mag bihis. Okay naman na daw siya, pero kailangan pa niya ng mahaba-habang oras para sa therapy upang makapaglakad siyang muli.

"Ikaw Bessy ha, iba ang tinginan niyong dalawa ni Kuya Matt kanina."

"Wag ka nga. Pero Bessy, nakakapanibago lang. Ayaw kasi niyang tawagin ko siyang kuya kahit noon. Pinilit ko lang siya kaya siya pumayag. Pero ngayon, bigla na naman niya akong sinabihan na wag ko na siya tawaging kuya." Nagulat naman ako nang bigla akong hampasin ni Bessy sa braso tas nagtitili pa ito.

"Ay, nangyare sayo te?"

"Bessy! Why are so manhid? Can't you see? He doesn't want you to call him Kuya because-"

Hindi na natuloy ni Billie ang sasabihin niya dahil may biglang kumatok sa pinto ng Cr. Buti at tapos na nang magbihis si Bessy kaya binuksan ko ang pintoan para tingnan kung sino ang kumatok.

Pero pagbukas namin, wala namang tao. Nagtinginan naman kaming dalawa ni Billie dahil dun at agad na naghawak kamay. Pagkatapos ay kumaripas na kami ng takbo pabalik sa room ng Daddy niya.

Sabay pa kaming sumigaw ng 'Lord have mercy on us! Pareho kasi kaming matatakutin sa multo. Hingal na hingal naman kaming nakarating sa room 143. Ang room ng Daddy ni Billie.

"Are you both okay? Your faces looks like you've seen a ghost." ani ng Dad ni Bessy sa amin.

"Okay lang po kami Tito. Nagpa-unahan lang po kami ni Billie makarating dito. hehehe" I fake laugh.

"A-Ah.. yes Dad. We're fine. Don't worry about us, okay?"

"Sure kayo ha?" Makahulugang tanong naman ng mom ni Bessy.

Sabay naman kaming tumangong dalawa at patagong huminga ng malalim. Teka.. ba't wala si Kuya Matthew dito? Umalis na kaya siya?

Tekaaaaa! Ba't ko ba siya hinahanap?! Self, please stop thinking about him!

”Bes, let's eat outside. Tapos na kasi sina Mom kumain."

"Okay." ani ko at nagpaalam muna kami sa parents niya bago lumabas.

Habang naglalakad kami sa hallway narinig namin ang usapan ng dalawang nurse.

"Oy Mamsh, alam mo ba, may narinig akong tili sa Cr kanina. Kaya kinatok ko ang pintoan. Baka kasi may pasyenting napahamak sa loob. "

"Tapos? Anong nangyari?"

"Hindi ko natulungan eh. Naguilty tuloy ako. Bigla kasi akong tinawag ni Doc. May emergency daw kasi sa isang ward. "

Nagkatinginan tuloy kami ni Bessy sabay napakamot sa aming mga ulo. PAgkatapos ay natawa nalang kami pareho sa nangyari. Kumaripas ba naman kami ng takbo, dahil sa takot? Eh yun pala may kumatok lang talaga na nurse kanina.
Si Billie naman kasi kung makatili parang walang bukas. haha

To be continued....

Taming The RainWhere stories live. Discover now