Chapter 23

6 2 0
                                    

Hindi ako nakapag salita ng ilang segundo dahil sobrang nasorpresa ako sa pagpunta niya rito. Sino ba namang mag-aakala na pupuntahan niya ko diba? Maypa Josh Josh pa siyang nalalaman.

"Ikaw ha, ang hilig mo talagang mang gulat." Mahinang hampas ko sa braso niya kaya napatawa Naman siya sa ginawa ko.

"Well, I wouldn't want to miss that sweet smile you're wearing right now. It's definitely worth it coming here. " Ani Niya na nakangiti.

Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya ron at naramdaman kong uminit ang mukha ko. Ang Gwapo kasi Ng ngiti niya eh. Anebe Kuya Matt! "Wait, why are you here? "

"To visit my queen. Why? Hindi ba pwede?"

Bigla namang kumabog Ang puso ko sa sinabi niyang iyon.

'Q-Queen?!'

Magsasalita na sana ako nang biglang may sumingit.

"Opps! Hindi pwedeng kayo lang ang magda-date! Dapat Kasama ako."

Pagtingin ko Naman, si Billie Pala iyon. Teka, di ba sabi nito nasa klase siya kanina? Babaeng to talaga. Well, that's typical of her I guess.

"Oh ano bessy? Gulat ka noh? Ako pala to si Josh na mahal na mahal ka ey yow" Sabi Naman Niya na parang Ewan lang. Haha Ito talagang babaeng to parang timang minsan. May pa sumbong-sumbong pang nalalaman eh siya din naman pala ang may pakulo ng lahat.

"Alam mo bessy nakakainis ka!
Akala ko ba nasa school ka? Sinama mo pa talaga si Matt dito sa kalokohan mo." kunwaring pagtatampo ko kahit deep inside sobrang saya ko.

"Don't be mad, Esther. It's really my idea." Biglang singit naman ni Matt na may ngiti parin sa labi niya. Ay wala na, tunaw na ang lola niyo.

"Sus bessy! Patampo-tampo pa gusto lang Naman Pala magpalambing kay Kuya Matt eh. Yieeee" Sabi Niya kaya Naman hinampas ko Siya sa braso.

"Hoy babae, anong pinagsasabi mo diyan?" Medyo mahinang sabi ko sabay sulyap naman kay Matt kaya nakita kong nakatingin pa rin ito sa akin.

Eneve! Kuya Matt nemen eh! Kaya para matakpan Ang kilig ko,pinandilatan ko na lamang ng mata si Billie dahilan ng pagtawa lamang Ng babae.

"Wait, saan nga pala kayo nags-stay? Or baka uuwi lang kayo agad?"

"Ayun o! Gusto mo lang ata itanong kung makakasama mo si Kuya Matt sa iisang kwar-"

"Billie!!" Pasigaw na tawag ko Naman sa Bff kong mas lalong natawa.

Narinig kong tumawa ng mahina si kuya Matt at sinabing, "That's quite enough, Bil. Come, Esther. Well show you the hotel where we're staying."

Habang naglalakad kami, nagkuwentohan pa rin kami Hanggang sa marating  namin ang hotel. Malapit lang raw kasi ito sa kung saan ako nagsi-stay. 

Palinga-linga naman ako sa paligid, nagmamasid ng magagandang bulaklak sa paligid. Di ko tuloy napansin na nauntog na ako sa likod ni Matt. Nakasunod kasi ako sa kanya samantalang nasa tabi ko naman si Billie.

"Are you okay?" Sabi niya sa akin.

"Sorry, okay lang ako. Napatingin lang sa mga tanawin. hehe"

"You're really fond of nature huh? We're similar in this aspect, I guess."

"Mm." Ngiti kong tugon sa kanya. Minsan na rin kasi niyang nasabi sakin yun eh. Ang saya ko nga nang malamang mahilig din pala siya sa nature.

Lumakad naman siya para tumabi sa kabilang tabi ko. Bigla kasing nabusy si Billie sa phone niya kaya natigil ang chikahan namin. Mukhang ka chat na naman niya si Kuya Paul. Tahimik nalang akong naglakad habang nagmamasid pa din sa magandang paligid.

Taming The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon