PROLOGUE

52 10 1
                                    

Isang hakbang patungo sa malamig na tubig ng karagatan. Bakit ganito kasakit?

Gusto ko lang maging masaya pero talagang maraming hadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Hindi ko kayang masaktan ang pamilya ko at lalong hindi ko kayang mawala siya. Gusto ko ng matapos ang lahat.

Pinagtagpo kami ng tadhana at pilit rin kaming pinaghihiwalay nito. Ano bang kasalanang nagawa ko sa mundo?

Sumulong ako sa tubig, ramdam ko ang paghampas ng bawat alon na tumatama na sa aking mukha. Gusto kong maalis lahat ng sakit.

Nakangiti akong nakatitig sa papalubog na araw. Siguro nga hanggang dito na lang kaming dalawa. Dito na natatapos ang lahat.

Ayaw ko na.

Hindi ko na kaya.

"Hanggang sa kabilang buhay, ikaw parin ang lalaking mamahalin ko, Kai." Kasama non ang pagpatak ng aking luha.

"Mahal na mahal kita." Huling salita ko bago inilubog ang aking sarili sa ilalim na parte ng dagat.

Ito na ang wakas para sa'ting dalawa Kai.

Kung isisilang man akong muli. Ikaw at ikaw parin.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now