CHAPTER 35

5 0 0
                                    

Wala pang 7:00 pm, nauna na ako sa room namin ni Laurien. Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero nakalock sa loob nito.

"Laurien, nandiyan ka na ba sa loob?" Ilang katok ang ginawa ko para pagbuksan niya ako ng pinto pero wala. Ang ibang kasamahan ko pumasok na sa sari-sarili nilang mga kwarto.

"Dash, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Jav ng mapadaan sa tapat ng room namin ni Laurien.

"Hmm, gusto ko lang magpahangin." Pagsisinungaling ko.

"Sige, mauna na ako." Tumango na lang ako at binalingan ng tingin ang pintuan na nasa aking harapan ngayon. Baka tulog na siya.

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko palabas.

Nagtungo ako sa dalampasigan. Hindi naman ganon ka dilim dahil may mga ilang ilaw ang nilagay nila para mabigyang liwanag ang daan.

Marami pa namang mga tao sa resort na'to. Pero iilan na lang ang nandito ngayon.

Humanap ako ng cottage na walang taong nandoon.

"Pwede naman sigurong matulog dito?" Tanong ko sa sarili.

Pinagpag ko ang upuang kawayan dahil may ilang buhangin ang nandon.

Hihiga na sana ako ng biglang magring ang phone ko.

"Ma." Nakangiting sambit ko sa screen.
"Elvin." Kumaway ako ng makita ko siya sa screen, katabi siya ni mama.

[Hi, ate.]

"Kamusta ka na? Kayo ni mama?" Tanong ko.

[We're ok. Kailan ka pupunta dito?] Nakasimangot na tanong niya. Sa loob ng ilang taon, limitado lang ang pag-uusap naming dalawa ni Elvin.

He's busy with his studies at ako rin.

"Don't worry. Ikaw ang una kong sasabihan kong kailan ako pupunta diyan, ok?" Nakasimangot itong tumango at ibinigay ang phone kay mama.

"Ma."

[How are you?]
[Tinawagan ko si Nico, ang sabi niya nasa fieldtrip ka raw.] Hindi ko pala nasabi kay mama.

"Sorry, ma. I forgot to tell you. Nandito kami sa isang resort ngayon." Saad ko sa kanya. Hindi ko na nagawang ipakita sa kanya ang view dahil madilim na rin dito.

Bahagyang natawa si mama nang makita niya akong paulit-ulit na humikab.

[Matulog ka na, anak. Para hindi ka mapagod sa mga activities niyo bukas.]
[I call you back, later. I love you, Dashne.]

"I love you ma. And Elvin." Kumaway ako sa kanya bago ko pinatay ang tawag.

Ilalagay ko na sana ang cellphone sa aking bulsa ng may maliit na papel ang nalaglag mula sa aking bulsa.

Kinuha ko agad ito at ibinuklat  yung binigay sa'kin ni Klaine kanina.

Sa unang kita ko palang sayo sa gusaling iyon alam kung ikaw si Amaica. Araw-araw kong hinihiling na magkita tayong dalawa sa hinaharap at tinupad niya ng ang hiling ko.  Nakita kitang muli Amaica kahit na hindi tayo nakapag-usap na dalawa.

Sunod-sunod na patak ng aking luha ang pumatak sa papel na hawak ko.

Hindi ko na mabasa ng maayos ang nakasulat dahil nanlalabo na ang paningin ko.

Binaling ko ang aking paningin sa malawak na karagatan.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Until now hindi parin alam kung anong dahilan ng pagkamatay ni Amaica. At aalamin ko yun.

"Dashne, halika." Rinig kong boses mula sa karagatan. Hindi ko alam kung naghahalucinate lang ba ako.

"Amaica?" Kusang gumalaw ang katawan ko para lumusong sa dagat.

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon