CHAPTER 32

5 0 0
                                    


"Para akong baliw kagabi. Akala ko may nakikinig pa e, tinulugan lang pala ako nito." Sabay nguso sa'kin ni Lily. Humingi na ako ng pasensiya sa kanya.

Dala na rin ng pagod kaya madali akong nakatulog at isa pa hindi rin ako nakapaghapunan.

"Sorry na." Nakanguso kong sambit sa kanya.

"Tsk, pasalamat ka at kaibigan kita." Napangiti naman ako ng dahil don.

Kanina pa kami nakaupo dito pero wala parin si Kieper. Always late talaga ang lalaking yun.

"Baka kasi seryoso si Jav sa sinabi niya." Inirapan lang niya ako. Tingnan mo, seryoso ako dito tapos inirapan lang ako.

"Dash, alam ko na ang ganyang galawan."

"Malay na'tin baka totoo yung sinabi niya. Malakas ang pakiramdam ko na may gusto siya sayo." Dahil sa sinabi ko bigla na lang siyang nabulunan e wala naman kaming kinakain baka nabulunan dahil sa laway? I guess.

"Wag ka ngang magbiro, Dash. Kinikilabutan ako sayo."

"Paano nga kung meron? Anong gagawin mo?" Nakapangalumbaba ako habang hinihintaya ang sagot niya.

"U-Uhmm, k-kung seryoso talaga siya. T-then I give him a chance?"
"Pero..."

"Anong pinag-uusapan niyo?" Naputol ang pag-uusap namin nang umakbay bigla si Kieper kay Lily.

"Huli ka na sa balita." Asik ni Lily sa kanya.

"Hmm, nakita mo ba si Jav?" Pasimpleng tanong ko kay Kieper. Mahinang sipa sa ilalim ng mesa ang natanggap ko mula kay Lily.

"Hindi ko pa siya nakita pero si Den ang nakasalubong ko kanina may kasamang babae. Palagay ko transferee yun, kasi ngayon ko lang siya nakita dito sa university."

"Wait!" Pigil ni Lily at hinawakan ng mahigpit si Kieper sa kwelyo. Minsan talaga may pagiging amazona ang babaeng 'to.
"Si Den? May kasamang babae? Tama ba?" Nanlaki ang mata ni Kieper habang sunod-sunod na tumango.

"Dash!" Napatayo ako dahil sa sigaw ni Lily.

"Bakit ka ba sumisigaw?" Anas ko sa kanya.

"Si Den may kasamang babae!"

"And then?" Tanong ko sa kanya.

"Kailangan na siguro nating bakuran si Den. Lalayag pa ang DenDash hindi sila pwedeng lumubog ng ganon-ganon na lang. Humanda sa'kin ang babaeng yun!"
"Tara!" Sigaw ni Lily at dinampot ang bag niya.

"Saan?"

"Nagtanong ka pa talaga!" Pitik sa noo ang natanggap niya mula kay Kieper.
"Doon sa sinasabi mong babae ni Den!"

Bago pa man namin siya mapigilan nagmartsa na ito palayo. Oh, no!

"Pigilan mo Kieper!" Utos ko kay Kieper habang tinatanaw si Lily.

"Oo!" Nakanganga rin akong nakatingin sa kanya.
"Dapat lumayag ang DenDash! Susugurin na'tin ang babaeng yun!" Oh my g!

Mabilis ko silang sinundan ng sumunod si Kieper kay Lily. This is bad!

Really bad!

••

《《Lily》》

At sinong nagbigay ng permeso sa kanyang sirain ang ship ko!

Mainit na ang ulo ko mas lalo lang pinapainit ng balitang yun!

Binuksan ko kaagad ang pinto ng swimming club pero akala ko maiibsan ang init ng ulo ko.

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon