CHAPTER 15

7 0 0
                                    


"Ba't mo'ko dinala dito?" Tanong ko sa kanya habang tinatanaw ang lawak ng karagatan na pinagdalhan ko sa kanya noon.

"Gusto kong kalimutan mo muna lahat ng problema. Dito payapa at tayong dalawa lang." Tanging malakas na hampas ng alon ang tangi kong naririnig.

Nakakatanggal ng pagod ang tanawin dito.

Umupo ako sa may buhangin na hindi naabot ng alon. Papalubog narin ang araw.

Hindi ko maintindihan hanggang ngayon kung bakit ginawa nila yun kay mama at papa. Wala namang ginawang masama sa kanila si papa.

"Kalimutan mo muna lahat ng problema, Maica." Hinawakan niya ang aking ulo at isinandal iyon sa kanyang dibdib. Nakatitig lang ako sa papalubog na arawa. Ang ganda nito. Sana ganito na lang palagi.

Nandoon kaming dalawa, nakaupo sa may buhangin habang hinihintay ang paglubog ni haring araw.

Ilang oras din ang tinagal naming dalawa doon. Bago namin napagpasyahang umuwi.

Sumalubong kaagad sa'min si Ate Annica na parang hindi mapakali.

"Ate."

"Amaica." Niyakap ako ni ate ng sobrang higpit.
"Kai, umuwi ka na sa inyo. Pumunta rito ang kapatid mo."

"Sinong kapatid, ate?" Tanong ko.

"Hwaren ang pangalan niya." Sinunod naman ni Kai ang sinabi ni ate. Pero bago pa siya umalis mabilis niya akong dinampian ng halik sa aking noo. Uuwi lang naman si Kai pero bakit ako kinakabahan ng ganito.

••

"May  natutulala na naman~" pakantang sabi ni Lily. Katatapos lang ng class namin and now didiretso na ako sa cooking at bigla na lang nagkaroon ng urgent meeting.

"Hays, sasakit na naman ang likod ko sa kakayuko nito." Nakangusong sambit ni Lily habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Nasa second floor kasi ang classroom namin.

"Tsk, buti ka pa nga likod lang ang sasakit sayo. Ako? Buong katawan dahil malapit na ang finals kaya tudo practice ang team."

"By the way, maiba nga tayo." Pinaningkitan ako ng mata ni Lily.

"W-What?"

"Anong pinag-usapan niyo ni Den at namumula ka kanina?" Dumungaw ako kay Kieper na humagikhik nang tawa sa likuran ni Lily.

"W-wala naman."

"Sure ka?" Paninuguradong tanong niya.

"Oo."

"Sige, si Den naman ang tatanongin ko." Napaawang ang labi ko ng lagpasan niya ako. Nauna siyang naglakad at naiwan kaming dalawa ni Kieper.

"Naniniguro lang yun. Baka kasi hindi lumayag ang ship niya." Bulong niya sa'kin bago sinundan si Lily. Ang laki ng hakbang nila a.

Gosh, natampal ko ang aking sariling noo. Are they serious?
Hindi man lang nila ako hinintay!

Kumaripas na ako ng takbo para maabutan silang dalawa. Ang bilis nilang maglakad porke't mahahaba ang mga biyas nilang dalawa.

Naabutan ko naman sila kahit papaano. Una kong naming hinatid si Lily. Madadaan lang kasi namin ang club niya.

"Sure kang hindi ka na magpapahatid?"

"Oo, I can handle myself at tsaka malapit lang din naman ang club ko." Kahit malayo naman talaga.

"Sige, kita na lang tayo mamaya nina Lily." Pinasadaan ki siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa club niya.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now