CHAPTER 7

7 1 0
                                    

"Anong na namang problema mo?" Nakasimangot akong napatingin kay Korn na abala sa pagsusulat. Sayo muna ako manggugulo Korn. Pinagtatabuyan na ako ng lalaking nililigawan ko eh.

"Anong gagawin mo pag sinabi ng taong gusto mo na layuan mo na siya?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing malinawan sa lahat.

Hanggang ngayon umiikot parin sa ulo ko kung anong ibig sabihin niya. Wala namang ideya na pumapasok sa isip ko kung bakit niya nasabi ang mga bagay na yun?

"Nasa sayo parin ang desisyon kong isusuko mo ang laban o ipagpapatuloy mo." Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi niya.
"Kung gusto mo talaga siya wag mo siyang sukuan." Yun ang gusto kong marinig.

"Ikaw Korn, may babae ka na bang nagugustuhan?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Ngayon ko lang nakakausap si Korn tungkol sa ganitong usapan.

"Meron." Sabi niya habang serysosong nakatingin sa'kin. Gusto kong tanongin kong sino dahil personal na bagay na yun.

"Ang swerte ng babaeng nagugustuhan mo."
"Kasi bukod sa gwapo ka na, mabait pa." Nakangiti kong sambit sa kanya.

"Mas maswerte ako sa kanya."
"Pero alam kung hindi ako ang lalaking gusto niya." Nasasaktan ako para sa kanya. Matagal na rin kaming magkaibigan ni Korn. Sino naman kasi ang babaeng 'yun?

"Kung sino man yung lalaking nagugustuhan mo ang swerte niya sayo." Nginitian ko na lang siya. Kanina lang nagkita kami ni Kai pero para lang kaming estranghero sa isa't isa. Siya ang may gustong layuan ko siya. Titigil muna ako sa pangungulit ko sa kanya pero hindi ibig sabihin non na susukuan ko na siya.

"Nandito lang pala kayo." Hinihingal na sambit ni Laurie.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Pawisan ito at kunot pa ang suot niyang unipormi.

"May taong nagbababigay sayo." Sabi niya sa'kin at inilagay sa palad ko ang papel na nakatupi.

"Sino naman?"

"Basahin mo para malaman mo kung sino ang nagpapabigay."

••

Kanina pa ako nakatulala sa classroom. I can't believe it! Hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano ang nangyari kagabi.

"Anong nangyari sayong babae ka?" Hindi ko siya sinagot at ibinigay na lang ang chocolate sa kanya.

"Ano 'to?"

Nagulo ko ang sarili kong buhok. Isinubsob ko ang mukha ko sa mesa. Where did he get my number? May isa na akong suspect pero hindi ako pwedeng mambintang. Pero I'm sure na siya talaga ang nagbigay ng number ko kay Den.

"Kieper!"

"Hoy, ayos ka lang ba?" Tinapik ni Lily ang likod ko.
"Kinuwento sa'kin ni Kieper na tinawagan ka daw ng baby Den mo. Anong pinag-usapan niyo?" Sinabutahe ba nila ako? Pinagkakaisahan talaga nila ako.

"Sinong nagbigay ng number ko kay Den?" Imbes na sagutin ako nagpatuloy lang siya sa pagkain. Para akong tanga kagabi kung anong itatanong ni Den sasagutin ko lang. Then tapos.

"Wala namang issue yun. Dapat nga maging masaya ka pa dahil may progress na ang relationship ninyo." Sira na talaga ang ulo nila. Sana ayos lang kayo. Pagkasama ko si Den bumibilis ang tibok ng puso ko. I know it's not normal.

Ano ba'tong nangyayari sa'kin?

Tinawagan lang ako ni Den kagabi tapos ito na ang nangyayari. Ano bang meron kay Den at ganito na lang ang epekto niya sa'kin?

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now