CHAPTER 20

9 1 0
                                    

"Kai." Tawag ko sa kanya ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng silid namin.
"Bakit ka nandito?" Inayos niya ang pagkakahawak ng libro sa kanyang kamay. Ganon parin ang librong dala niya, hindi pa siguro niya iyon natatapos na basahin.

"Sabay na tayong kumain." 

"Sige, kukunin ko lang yung mga gamit ko sa loob." Saad ko sa kanya.

Dinampot ko kaagad ang bag ko na nakapatong sa mesa bago umalis.

"Tara na." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"Hindi ka naman kumakain dito?" Tanong ko sa kanya habang binabaybay ang daan papuntang canteen. Hindi niya ako sinagot.

"Malapit na ang birthday mo, hindi ba?" Natigil ako dahil sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman?" Nagkibit lang ito ng balikat bago ako lagpasan.

"Kai, paano mo nalaman? Wala naman akong sinabi sayo ah." Ang haba talaga ng biyas ng lalaking 'to. Ang lalaki ng mga hakbang.

••

"Hays, kaistress. Para tuloy akong lalagnatin dahil sa babaeng yun. Sarap tanggalan ng kilay." Naiinis na saad ni Lily habang tinutusok-tusok ng tinidor ang pagkain niya.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Kieper.

"Alam mo isa ka rin e. Tatlong ulit ko na yung naikuwento sayo, sumasakit na ang lalamunan ko."

Yan kasi, habang nagkukwento kasi si Lily na sa cellphone ang atensiyon ni Kieper. Hindi yata interisado kay Lily.

"Napaaga kasi ang event. Manood kayo ng competition namin ah."

"Pwede naman kaming manood. Ewan ko lang dito kay Lily." Bumaling ako kay Lily pero wala yata sa mood.

"Tsk, sarap din kutusan ng Alex na yun." Bulong niya.

"Afternoon ba ang event? O morning?"

"Afternoon, ang sa amin. Sa inyo ba?" Natigil ako sa pagkain nang lumapit si Jav sa table namin at umupo sa tabi ni Lily.

"Makikiupo ako a." Nakangiting sabi niya.

"Nagpaalam ka pa."

"Anong nangyari dito? Bakit ang sungit?" Tanong sa'min ni Jav habang nakaturo kay Lily.

"Nasaan nga pala si Den?" Oo, nga.

"May pupuntahan lang daw."

Saan naman kaya siya pupunta? I'm not curious ok?
Ahm, I just want to know.

"Babalik rin naman siya kaagad." Biglaang sabi ni Jav habang direktang nakatingin sa'kin.

Anong iniisip ng lalaking 'to? Na namimiss ko si Den?

Nagsikainan na ang tatlo. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko?

Kinakabahan ako.

••

《《Den》》

"Anong gusto mong sabihin, Nico?"  I asked. Nakarating ako sa condo unit niya.

"Tsk, nagmamadali ka ba? Katulad ka rin ng pinsan ko."
"Umupo ka nga muna." Sinipa niya ang upuan na nasa tabi niya.

Nilabas niya ang brown folder at nilapag ito sa mesa.

"Hindi ko kilala kung sino yang Amaica na pinaiimbistigahan mo sa'kin pero may kaugnayan siya sa pamilya mo." Naipatong ko ang aking kamao sa ibabaw ng mesa.

My Love From The Past (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara