CHAPTER 39

6 0 0
                                    


"Kanina ka pa nakatulala diyan?"
"Kung iniisip mo na naman ang nangyari don sa resort. Kalimutan mo na dahil maski ako nanggigil sa..." Halata ngang gigil na gigil dahil lumaki ang butas ng ilong niya eh.

"Kanino?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw ko ng sabihin ang pangalan dahil masisira lang ang araw na'tin." Ani niya habang nakakuyom ang dalawang kamao. Mambubugbog ba'to?

"Hindi naman yun ang iniisip." Humarap ito sa'kin habang nakapatong ang ulo sa ibabaw ng mesa.

"Tell me." She said.

"Nakapag-isip lang ako baka sundan ko na sina mama at Elvin sa states." Naningkit ang mga mata niya at tumingin sa'kin ng seryoso. Well, I'm not really sure kung tutuloy ako. Baka lang naman.

"Aalis ka?"
"Iiwan mo na kami? Kung dahil yun sa resort gugulpihin ko talaga tung higad na yun." Gigil na sambit niya at akmang tatayo mabuti na lang at napigilan ko siya kaagad. Susugod na naman 'to. Baka sa guidance ang punta nito.

Hinila ko siya papaupo.

"Gustuhin ko mang sundan sila, hindi ko parin naman magagawa yun. May deal kami ni mama na kailangan makapagtapos muna ako ng pag-aaral sa university nato before akong sumunod sa kanila sa states."

Nakahinga naman siya ng maluwag. Tsk, at tsaka hindi naman gano'n kadaling sundan sila ni mama sa states. Kailangan ko pang e settle ang lahat ng gagawin ko dito.

"Kinabahan ako do-"

"Anong pinag-uusapan niyo?" Napaayos ako ng upo nang bigla na alng umakbay si Kieper sa'ming dalawa ni Lily.

"Aalis na si Lily." Kapag ito talaga naniwala.

Umupo si Kieper sa gitna naming dalawa ni Lily.

"Seryoso? Bakit?" Malungkot na tanong no Kieper halatang hindi makapaniwala.

"Anong bakit? Sa dami ba namang nangyari sa kanya tinatanong mo pa kung bakit?" Hindi na ako magtataka kung bakit napasama si Lily sa drama club. Ang galing na artista. May plus points ka sa'kin. Trip niya talagang pagtripan itong si Kieper.

"Totoo ba, Dash? Tell me." Grabe kong makayugyog ah.

"Calm down ok? I'm not leaving." Humarap si Kieper kay Lily na may magkasalubong na kilay.

"Quits na tayo." Sambit ni Lily sabay irap kay Kieper.

It's a prank.

"Ikaw talaga." Isang batok ang natanggap ni Lily mula kay Kieper. Yan kasi eh.

"Hayop! Ang sakit non ah!" At yun na nga parang mga aso't pusa ang dalawa.

Ano pa bang magagawa na'tin?

Edi hayaan silang dalawa hanggang sa magsuntukan sila.

••

《《Den》》

"Ayos na ba kayo ni Dash?" Biglaang tanong ni Jav.

"Ayos na ba kayo ni Lily?" Tanong ko pabalik. Umiwas ito ng tingin.

"Ako ang unang nagtanong kaya sagutin mo ang tanong ko." Reklamo niya habang nakasunod sa'kin. It's obvious na may gusto siya kay Lily.

"Ayos na kami."

"Pero si Laurien." Malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Wala akong gusto kay Laurien. We're just friends at hanggang do'n lang yun. At ayaw ko ng siya pa ang maging dahilan sa pag-aaway namin ni Dash.

Nasaktan ko na siya ata ayaw ko ng maulit yun.

"Until know, hindi ko pa nakakausap si Laurien. Pero may usapan kami mamaya." I said.

"Nagtataka talaga ako, nong nasa resort tayo bakit ganon na lang ang iniiutos niya kay Dash nong naglalaro tayo. At ito namang si Dash hindi ko alam kung bakit niya sinunod itong si Laurien." Napakamot na lang ito ng ulo.

Bakit hindi ang problema nila ni Lily ang pagtuunan niya ng pansin?

"Let's go baka naghihintay na sila."

••

《《Lily》》

"At saan ka na naman pupunta Kieper?" Iritadong tanong ko. Ngayon na nga lang kami kakain ng sabay nina Dash tapos aalis na naman. I hate chu!

"May urgent meeting pa kami ng team." Kung kailan kakain na, minsan gusto ko ng sapakin yung si Den eh. Pero wav na lang baka itulak ako sa pool hindi pa naman ako marunong lumangoy.

"Tsk, yan ang problema sayo e." Hays, palaging busy. Parang hindi kami importante? Ang drama ko ba? Totoo naman kasi.

Minsan na nga lang magsabay na kumain.

"Promise babawi ako." Nagmamadaling sabi ni Kieper.

"Ayos lang. Maghahatid na lang kami ng pagkain sayo."

"Thank you, Dash. You're the best!" Sigaw niya sabay takob palayo.

"Naiinis na ako ah. Pagsabihan mo nga yang si Den na wag niyang tawagin si Kieper sa oras ng pagkain natin." Marahan ko siyang tinapik sa balikat. Naiinis na talaga ako.

Ang dami pa namang next time. Next time na lang ulit.

"Hayaan mo na. At isa pa baka importante yung meeting nila." Natigil kami ni Dash sa pag-uusap ng may nakaharang sa view. Kung makaharang wagas ah.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Inirapan lang ako, hayop! Ang ayos ng pagkakatanonv ko at irap lang ang sagot. Umayos ka ah. Baka makahalik ka sa lupa ng wala sa oras.

Baka hindi na kakaintindi ng tagalog. Gusto mo e chinese ko pa? O e korean.  Sige eenglishin ko na lang para makaintindi.

"What are you doing here?" Ako ang nagtatanong tapos kay Dash nakatingin. Bastos ah.

"Hindi ka ba nakakaintindi? Anong ginagawa mo dito? Baka utusan mo naman si Dash na lumusong sa tubig. Nagpapasalamat ako at walang dagat dito.”

"Hindi ako nagpunta dito para sayo, so shut your f*cking mouth!" Ayy! May f*cking!  Gaga to ah. Gusto niya talaga ng away.

Kung makaf*cking ah. Hilahin ko yang buhok mo para makita mo kung sinong kinakalaban mong bruha ka.

"Eh, gaga ka pala e. Ano suntukan na lang?!"

"Lily." Kalma lang.

Ngumiti ako sa kanya.

"Kalma lang ako."

Upo ako ulit at ngumiti sa babaeng hitad.

"Anong kailangan mo, Laurien?" Tanong ni Dash sa kanya.

"I need to talk to you. Gusto ko sana tayong dalawa lang." Aww! iT ReElLY HuTrzzz.

"Fine." Tumingin ako kay Dash. Ang dali namang kausap ng babaeng 'to.

"Seryoso ka? Makikipag-usap sa babaeng higad na yan?" Bulong ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala kung ano mang gawin sa'kin ng babaeng yan, nandiyan ka naman." Ay ginawa pa akong..

"Pag ang babaeng yan mag gagawin sayo. Aabangan ko talaga yan sa cr. Vividoehan ni Kieper. Wala akong paki kung ipa-tulfo pa niya ako."

My Love From The Past (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara