CHAPTER 26

5 0 0
                                    

Kusang kumilos ang katawan ko na sumulong sa malamig na tubig ng dagat. Gustuhin ko mang bumalik sa dalampasigan pero hindi gumagalaw ang aking katawan.

"K-Kai." Tumama sa'kin ang liwanag ng buwan.

Isa-isang pumatak ang aking luha sa tubig dagat.

Naglakad ako sa mas malalim pa na parte ng dagat.

Tumingala ako sa kalangitan na punong-puno ng mga nagniningningang mga bituin.

"Sana tuparin mo ang pangako mo Kai. Na kung mabubuhay man tayo sa hinaharap hahanapin mo'ko."

Tanging hikbi ang kumakawala mula sa aking bibig.

"Maligayang kaarawan muli sayo, Amaica. Sana maging masaya ka." Pilit na ngiti ang kumawala mula sa aking bibig. Inilubog ko ang aking sarili sa ilalim ng dagat. Hinintay ang sariling maubusan ng hininga.

'Amaica, bumalik ka kaagad ha?'

'Ca, balik ka ha?' Sinubukan kong umahon para kina ate.
Pero may humihila sa'kin pababa.
'Ca.' Nakikita ko ang mukha ni Jamaica habang unti-unti akong nawawalan ng hininga.

Pinikit ko ang aking mata kasama non ay ang pag-patak ng isang butil ng luha mula sa aking mata.

Hindi na makakauwi si Ca. Hindi na siya babalik.

••

"Ca!" Hinihingal na sigaw ko.

"Dash, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Lily.

"Magbabanyo lang ako." Dumeritso kaagad ako sa restroom ng restuarant na kinakainan namin.

Tinitigan ko ang repleksiyon ko sa salamin.

"J-Jamaica." Napahawak ako sa lababo habang hinahayaan ang sariling umiyak.

Bakit ang bigat-bigat nang pakiramdam ko?
Pakiramdam ko para akong nalulunod sa isang malalim na dagat na hindi na makaahon. Hindi

Sinubukan kong punasan ang aking luha pero may kumakawala parin. Kita ko ang pamumula ng aking mata sa salamin dahil sa kakaiyak.

Huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili bago naisipang lumabas ng banyo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Kieper nasa iisang mesa lang kami nina Diana.

"I'm fine." Sagot ko sa kanila na may pilit na ngiti sa aking labi.

"Change topic na tayo." Sambit ni Diana.
"May alam ba kayong story about reincarnation?" Nagtaas naman ng kamay si Lily. Nasa katabi lang na mesa sina Den kasama ang iba pa niyang kasamahan.

"May alam ako."
"Sa novel ko lang 'to nababasa pero ang tragic ng story nila." Lumungkot ang mukha ni Lily.

"Why?"

"Kasi nong birthday ng girl yun din yung araw na namatay siya. Base sa kwentong yun she committed suicide. Then yung boy ganon din. Namatay silang dalawa sa kaarawan nong girl. Same day pero magkaibang oras."

"Parang totoo, tumindig ang balahibo ko don a." Sabi ni Kieper habang hinihimas ang braso. Kita ko ang pagtayo ng kanyang balahibo sa braso.

"And then, yun nga. Nareincarnate sila sa future."
"Basahin mo, Diana ang ganda."

"Sure, gusto ko din ng ganyang story." Hindi ako naging comfortable sa pinag-uusapan nila.

"Totoo ba ang reincarnation?"

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon