CHAPTER 48

19 2 0
                                    

Nakaupo ako habang nakatanaw sa kawalan. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Tanging hampas ng alon sa malalaking bato ang tangi mong naririnig.

Niyakap ko ang aking tuhod at ipinatong ko ang aking baba sa taas nito.

Alam kong kasalanan ko lahat.

"Sabi ko na nga bang nandito ka lang." Inilagay ko sa gilid ng tainga ang buhok na nakaharang sa aking mukha at hinarapa ang taong nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at inilipat muli ang paningin sa karagatan. Ramdam ko ang paglakad niya papalapit sa'kin.

Tumabi ito sa'kin. Direkta lang akong nakatingin sa karagatan habang hindi siya tinatapunan ng tingin.

Katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Wala ni isa sa amin ang balak na magsalita.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan?"

Huminga ako ng malalim.
Hindi ako sumagot sa tanong niya.

Nilipad ng hangin buhok ko dahil sa lakas ng hangin.

"Dash."
"I'm sorry." Sumulyap ako sa kanya.  Natanaw lang din siya sa malayo.

"Para saan?" Tanong ko.

"For everything."
"For hurting you." Bulong niya.

"It's my fault." Sambit ko. May kasalanan rin naman ako sa mga nangyari.
"May kasalanan rin ako. Mas ginusto kong lumayo sayo." Umayos ako ng upo habang nilalaro ang buhangin sa aking kamay.

"Why?"

"Gusto ko lang mapatunayan na kung tayo nga ba para sa isa't isa. Pero sa tingin ko.." Napailing pa ako habang nakatingin sa kanya.
"Sa tingin ko hindi-" bago ko pa man masabi ang gusto kong sabihin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang ginawa.

"Wag mo ng ituloy." Bulong niya habang humiwalay sa akin. He kissed me?!

Umusog ako ng kunti. What the?!

"Dash, I love you."
"Hindi bilang si Amaica kundi bilang si Dash na nakilala ko."

Hinawakan niya ang kamay ko habang nakaharap sa'kin.

Ngumiti ito sa'kin.

"Dash, matagal ko ng napatunayan na tayo talaga para sa isa't isa." Natatawang sabi niya.
"Kahit ilang buwan mo pa akong iwasan hinding-hindi kita susukuan."

"Hays, ano ba yan?!" Tinanggal ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at marahas na pinahid ang aking luha.
"Ang drama mo!" Mahina ko siyang sinuntok sa may bandang dibdib.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.

"I'm sorry, Den." Bulong ko sa kanyang tainga.
"And thank you." Nag-uunahan sa pagpatak ang aking luha.

Sobrang saya ko. Hindi ko inaakalang ito ang mangyayari.

"Love birds, mamaya na yan. Kakain na tayo!" Sigaw ni Lily habang nasa tabi niya si Jav.

"Let's go." Naunang tumayo si Den at inilahad ang kamay sa harapan ko. Tinanggap ko naman ito. Akala ko bibitwan niya ang aking kamay sa halip ay pinagsalikop ang mga ito.

Kami nga talaga para sa isa't isa.

Hindi ko maipaliwanag kung ilang luha ang iniyak ko nong sinusubukan kong layuan siya. Kahit na sa tuwing magkikita kami gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

And know, ito na nga.

Magkasama na sina Amaica at Kai.  Masaya ako dahil sa pamamagitan namin ni Den nahanap nila ang isa't isa.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now