CHAPTER 12

5 0 0
                                    


"S-Sasabihin ko sayo lahat pero ipangako mo na.." uminga muna siya ng malalim.
"Amaica, ayaw lang kitang masaktan at ayaw ko ring maglihim sayo dahil kaibigan kita." Ilang beses akong napalunok dahil sa kanyang sinabi.

"Sabihin mo na, Korn. A-anong hindi ko nalalaman?" Umaapaw ang kuryusidad sa akin.

"Si Kai-"

"Korn." Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang sumulpot si Laurie.
"Kailangan na'ting mag-usap." Saad niya at hinila si Korn pero bago pa man yun nahawakan ko ang kanang kamay ni Korn. May sasabihin pa siya sa'kin.

"Sandali lang. May sasabihin pa siya sa'kin Laurie." Nilipat ko ang aking paningin kay Korn. Na paramg nagdadalawang-isip.

"Mas mahalaga ang pag-uusapan namin, Amaica." Para nagmamakaawa ang pagkasabi niya.

"Ahm, sige." Kinalas ko ang aking pagkakahawak sa kamay ni Korn. Pinagmasdan ko na lamang silang dalawa papalayo hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Kung hindi masabi sa'kin ni Korn baka si Kai. Baka sakaling may alam siya sa mga nangyayari. Dahil pakiramdam ko iniiwasan niya rin ako.

Sinubukan ko siyang puntahan sa silid niya pero bigo akong makita siya doon. May isa pang lugar na alam kong pinupuntahan niya.

Dumiretso ako sa silid-aklatan.

Pinuntahan ko ang bawat pasilyo na madadaanan ko. Wala rin masyadong tao ang nakatambay dito.

"Kahit anong mangyari wag mong sasabihin kay Amaica ang nalalaman mo." Ang boses na iyon.

"Kung kayo nakakayanan niyong magsekreto kanya. Ibahin niyo ko. Sa tingin niyo ba hindi siya masasaktan sa mga ginagawa niyo?" Ilang hakbang ang ginawa ko para makalapit sa boses na parang nagtatalo.

"Ayaw ko ring magtago ng sekreto pero kailangan na'ting gawin." Humina ang boses ng babae ng sabihin niya ang huling salita.

"Mahal mo ba talaga si Amaica, Kai?" Hindi nga ako nagkakamali kay Korn ang boses na yun. Bakit dito pa nila naisipang mag-usap. Mabuti na lang at walang guro ang nakabantay dito.

"Hindi mo alam kung gaano ko siya kamahal."

"Pero alam mong masasaktan si Amaica dahil sa ginagawa niyong dalawa."

"Korn, alam kong alam mo na mapapahamak si Amaica." Anong ibig nilang sabihin? Ako? Mapapahamak?

Napatakip ako ng aking sariling bibig masiko ko ang libro na siyang dahilan ng pagkakalaglag nito.

••

"Sabihin mo na kasi na may something na kayong dalawa ni Den." Kanina pa nila ako kinukulit ni Lily.

"Wala nga lang yun." Nandito silang dalawa sa condo ko ngayon. I have no problem kung dito sila matutulog na dalawa. They are my friends, after all.

"Weh? Sinong niloko mo?" Sumampa sa kama ko si Lily.

"Kung maka holding hands parang wala ng bukas. Feeling ko talaga lalayag  na ang ship ko #DenDash." Kinikilig na sambit habang niyakap ang unan.

"Pero bagay naman talaga kayo ni Den. Di ba Kieper?" Hindi sumagot si Kieper kaya sabay kaming napalingon sa kanya.

"Sorry, nakita ko lang ang mga chocolate na'to."
"Pwede namang kainin 'to hindi ba?"

"Kainin niyo lang. Hindi ko naman mauubos yan lahat." Pagkasabi ko non. Umalis si Lily sa kama ko at lumapit kay Kieper. Ang ending silang dalawa ang umubos sa chocolate na nasa freezer ko. Minsan sumasakit ang ngipin ko kapag nasobrahan.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now