CHAPTER 14

5 0 0
                                    


"Kamusta kayo ni Kai, Maica?" Tanong ni ate. Wala kaming pasok ngayong araw na'to kaya ako muna ngayon ang magbabantay kay Jamaica na mahimbing na natutulog sa bisig ko.

"Maayos naman po. Pero natatakot parin ako dahil sa banta ng lalaking pumunta dito sa bahay na'tin." Hindi na nagawa pang isumbong ni ate ang nangyari at isa pa makapangyarihan ang mga taong yun. Kahit ganon pa man sana makonsenya sila sa ginawa nila sa magulang ko. Hindi man lang nila nakuha ang hustisya na para sa kanila.

"Maski ako natatakot rin pero kung mahal niyo talaga ang isa't isa walang makakahadlang sa inyong dalawa kahit kamatayan pa man."

"Akin na si Jamaica, dapat nagpapahinga ka ngayon. Nagawa mo na ba ang takdang-aralin mo?"

"Tapos na ako ate, naipasa ko na rin ang mga kailangan kong ipasa sa guro namin." Pinasok niya sa silid niya si Jamaica.
Walang makakahadlang sa pagmamahalan namin kahit kamatayan pa man yan.

"Maica?" Lumabas ako ng bahay nang makita ko si Korn sa harapan nito.

"Korn, anong ginagawa mo dito?"
"Tuloy ka." Turan ko sa kanya.

Pinaupo ko siya sa silya.

"Kukuha muna ako ng maiinom." Sabi ko at dumeritso sa kusina. Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso bago bumalik kay Korn.

"Uminom ka muna. Ano nga palang ginagawa mo dito?"  Hindi ko inaasahan na dadating siya.

"Napadaan lang ako dito." Ganon?
"Kamusta na kayo ni Kai?" Tanong niya habang nilalaro lang ang baso ng tubig.

"Ayos naman kami." Maikling sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganon."

"Korn." Sana sagutin niya ang magiging tanong ko.

"Nong araw na pinuntahan mo ako sa silid-aklatan, narinig ko kayo ni Kai na nag-uusap." Nagbago ang ekspresiyon ng kanyang mukha.

"Anong narinig mo?"

"Yung lihim na sinasabi mo kay Kai. Gusto kong malaman kong ano iyon."

Nilapag niya ang baso na may tubig, hindi pa naman iyon nababawasan.

"Amaica, kung anong lihim man iyon. Nilihim niya yun para hindi ka masaktan." Wala sa sariling nakagat ko ang aking labi. Mas lalo lamang akong kinakabahan kung anong lihim iyon.

••

Kanina pa ako nasa kwartong ito pero hindi parin ako makatulog. Pansin ko ang mga painting na nakasabit sa dingding. May mga frame din dito.

Yung paakyat ako ng hagdan kanina may picture frame na nakaagaw ng atensiyon ko. The girl is so familiar. Hindi ko lang alam kung kailan at saan ko siya nakita.

Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" Mabilis ko itong sinagot dahil ang Nicolo'ng ito maikli lang pasensiya.

Nagagalit kaagad pag hindi sinagot ang tawag dahil nga aksaya lang daw sa load. Tsk, ang sabihin mo kuripot ka lang talaga ang yaman-yaman ng mokong tapos takot maubusan ng load. Sinong niloko niya?

[May sasabihin pa sana ako sayo kanina pero ikaw bigla ka na lang nagwalkout.] Reklamo niya sa kabilang linya.

"Magkita na lang tayo bukas, ok?"

[Fine, naiwan ko pa ang sasakyan ko sa university niyo.] Alam kong naiinis siya sa tono palang ng kanyang panalita.

"Bye." Ako dapat ang papatay ng tawag nang maunahan ako ng mokong.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now