CHAPTER 19

9 1 0
                                    

"Maica, sandali!" Mabilis niyang nahawakan ang braso ko kaya naman napatigil ako sa paglalakad.

"Anong kailangan mo? Nagmamadalis kasi ako." Saad ko habang hindi makatingin sa kanya.

"Amaica." Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at tinanggal iyon.

"Anong kailangan mo Kai?" Nilakasan ko na ang sarili kong tumingin sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang." Pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Mag-uusap lang kami.

Dinala niya ako sa itaas ng gusali ng paaralan namin. Sumalubong sa akin ang malakas na simoy ng hangin.

"Anong pag-usapan na'tin?" Humarap siya sa'kin na may lungkot sa kanyang mata. Iniwas ko ang aking paningin mula sa kanya.

"Kung anong gusto mong sabihin kay Kai, sabihin muna."

"Mahal na mahal kita, Amaica." Nakatalikod siya mula sa'kin.
"Ikaw lang ang tanging babaeng minahal ko." Pinakinggan ko na lang ang bawat salitang sasabihin niya.
"Pinagkasundo kami ni Laurie na ipakasal pero hindi ako pumayag sa gusto ni papa. May isa lang akong babaeng papakasalan at ikaw yun." Humarap siya sa'kin kasama nang pagpatak ng kanyang luha.

"Kai, gusto ka ni Laurie." Alam ko ang mga tingin ni Laurie sa kanya. Ganon din ang tingin ko kay Kai nong una kaming magkita. Alam kung may gusto si Laurie kay Kai.

"Hindi siya ang gusto ko Maica, ikaw." Mariing sambit niya at tinakbo ang pagitan naming dalawa at sinalubong ako ng yakap.
"Ilang araw kitang iniiwasan pero akala ko kaya ko, Amaica." Bulong niya habang mahigpit akong niyayakap.
"Mga araw na hindi kita nakikita para na akong namamatay."
Tahimik lang ako. Walang salita ang lumalabas mula sa aking bibig.

Ikaw lang din ang lalaking mamahalin ko, Kai.

••

"Kamusta ang pagsubo mo ng pagkain kay Den?" Ang bilis talagang kumalat ng balita pagdating kay Lily.

I didn't expect na papatulan ni Den ang sinabi ni Kieper. He's not the type of guy na makikipagsabayan. Pero akala ko lang pala yun. Now I know na may side pala siya ng ganon. Tsk, sarap pag-untugin ang mga ulo nila nilang dalawa.

"Bakit hindi mo itanong kay Kieper?" Tutal siya naman ang nagpasimuno non.

"Wala dito si Kieper e. Ikaw na lang ang magkuwento."
"Dali na makikinig ako." Pamimilit niya.

《FLASHBACK》

"Can you feed me?" Laglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Huh?"

"Oy, bumibigay na si president."

"Manahimik ka nga diyan baka marinig tayo niyan. Punishment na naman ang aabutin na'tin." Bulung-bulungan ng mga kasamahan ni Den.

"Nganga." Utos ko kay Den. Sumunod naman ito. Hindi ko inaakala na para lang akong nagpapakain ng bata.

"Picturan mo. Tapos send mo sa'kin yung picture." Hindi nakaligtas sa'kin ang pagsilay ng ngiti niya sa labi.

"Ayos na?" Tanong ko kay Den na puno na ng pagkain ang bibig.

"Hmm." Tumango ito at nag-ok sign pa. Malamang hindi makakapagsalita yan dahil pinuno ko ng pagkain ang bibig niya.

"Yan ikaw ng magpakain sa sarili mo at may gagawin pa ako. At wag mong kakalimutang gamutin yang dito mo." Turo ko sa gilid ng kanyang labi.

"Concern."

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now