CHAPTER 34

6 0 0
                                    


"Ayos lang ba siya?"
"Magiging ok rin si Dash, ang sabi ng nurse masyado niyang napwersa ang katawan niya."

Dinilat ko ang aking mata at sumalubong kaagad sa'kin ang mukha ni Lily.

"Wag ka munang gumalaw. Sabi ko naman sayo e, hindi ka na lang sana pumasok." Napakamot ng ulo si Kieper habang nakatingin sa'ming dalawa.

"Thursday na ngayon. Next week na ang fieldtrip na'tin."

Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko hindi katulad ng kanina na parang pasan ko ang buong mundo dahil sa bigat ng katawan ko.

"Nga pala, tinawagan ko na si Nico para ihatid ka pauwi." Hindi na ako nagreklamo.

Sabay kaming napalingon na tatlo nang bumukas ang pinto. Tumayo kaagad ako at mabilis ba kinuha ang aking gamit.

"Wag ka ngang magmadali." Saway sa'kin ni Lily.
"Hays, nakapagdrive ako patungon dito ng wala sa oras." Reklamo ni Piccolo.

Tsk, kung kaya ko lang umuwing mag-isa hindi na ako magpapasundo sa kanya.

"Ihatid muna 'to pauwi para makapagpahinga." Natigil sa pagsasalita si Lily nang marinig niya ang boses ni Laurien na kakapasok lang ng clinic.

"Tara na nga, baka ako naman ang mahiga sa kamang 'to." Sambit ni Lily.
"Until now, lampa ka parin."

"Tsk, hindi ko lang nakita ang batong nasa harapan ko, Den." Hinawakan ako ni Nico sa balikat at inalalayan palabas.

"Tanga kasi." Malakas na sambit ni Lily na halatang narinig yun nina Den.

"Alis na tayo, parang uminit sa loob e. Impyerno siguro 'to kasi may nakita akong demonyo e." Mabibigat na hakbang ang ginawa ni Lily palabas ng clinic.

"Sinong demonyong tinutukoy niya?" Nagtatakang saad ni Kieper at sinundan si Lily palabas.

"Weird rin ng mga kaibigan mo no?" Bahagya akong natawa dahil sa sinabi ni Nico.

Sinabi mo pa. Pero sa kabila non, may patalim na sumaksak sa puso ko.

"Tara na." Tumango lang ako. Bago pa kami tuluyang makalabas ng pinto bigla nagsalita si Den sa likuran namin.

"I heard what happen."
"Are you ok?" Minsan hindi ko na rin maiintindihan ang sarili ko pero isa lang ang alam ko.

Unti-unting lumalayo ang loob ko kay Den. I don't know why. Pero yun ang napapansin ko.

"Ayos na ako."
"Hmm, mauna na kami ni Nico." Tinapunan ko ng tingin si Laurien na kanina pa nakatingin sa'min.

"Let's go." Hinawakan ako ni Nico sa palapulsuhan at hinila palabas.

Tsk, kahit kailan talaga ang lalaking 'to. Alam mong may sakit yung tao hila nang hila.
Sa isang sulyap nagtama muli ang tingin naming dalawa ni Den.

I don't know, pero may parte sa'kin na gusto ko na siyang layuan.

••

1 week later

"Yohoooo!" Sigaw ni Lily habang tinakbo ang puting buhangin ng karagatan.

Malakas na hampas ng hangin ang sumalubong sa'kin. Habang nakatanaw sa asul na karagatan bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko.

"Dash, ayos ka lang?" Sabay siko sa'kin ni Kieper.
Inayos ko ang bag na dala ko.

"Hmm." Saad ko sabay tango.

Binaling ko ang aking tingin sa iba ko pang kasamahan. Mabilis kong iniwas ang aking tingin nang magtama ang tingin namin ni Den.

This past few days, parang may kung ano sa'kin na kapag nakikita ko siya kusa kong iniiwas ang sarili ko sa kanya. Kung mag-uusap kami, sobrang ikli lang and then bye.

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon