CHAPTER 1

30 6 1
                                    

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng alarm clock na nasa side table. Isa na naman ba yun sa mga panaginip ko? Its always like this. Everytime na matutulog ako at magigising lagi kong napapanaginipan ang mga taong hindi ko naman kilala.

Tumayo ako at inayos ang aking higaan. Pumasok ako sa banyo dala ang tuwalya.

Mag-isa lang ako sa lang ako dito sa condo, regalo sa'kin to ni mama. Para hindi na rin ako mahirapan. Malapit lang din naman dito yung university na pinapasukan ko. Nasa abroad kasi si mama kasama si Elvin na kapatid ko.

It means ako lang mag-isa ang nandito sa Pilipinas. Hindi naman ako malungkot, pero may part sa'kin na namimiss silang dalawa ng kapatid ko. My dad passed away 11 years ago. 7 years old palang ako non.

"Oh gosh!" Natataranta kong sabi. Binilisan ko na lang ang aking kilos. I'm 10 minutes late. Junior high palang ako, ok? Pero kunting kembot na lang at magiging senior na rin ako. Ilang taon rin yun pero handa naman akong makapaghintay basta makatapos lang nf pag-aaral.

Nakasuot na ako ng school uniform namin sa university. Black miniskirt and white long sleeve with black necktie.

Dinampot ko na nag pink bag ko. I like pink, actually. Ang cute kasi. Hindi na ako nagbreakfast may canteen naman don. And I have no time to cook. Nagmamadali na rin ako. Late na nga ako.

Pumara ako ng taxi sa harap ng building na tinutuluyan ko. Hindi na ako mahihirapang pumara dahil hindi naman nauubusan ng taxi dito. Every second may taxi ng nakaparada sa harap ng building.

In case of emergency, hindi na sila mahihirapan pang maghanap.

"Breaxhus High, manong." Ani ko sa driver ng makasakay ako dito.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi naman kalayuan dito ang university. Pwede nga lang akong sumakay sa bike but I have no time to do that. At wala rin naman akong bike.

Mga 15 to 20 minutes lang nandon na ako. Muntik na akong makatulog, Gosh.

"Ito manong." Bigay ko sa kanya ng pamasahe.
"Maam, sobra po ito." Ani niya.

"Sa inyo na po yan." Sabi ko bago sinira ang pinto ng taxi.

Tumakbo kaagad ako ng marinig kong sumigaw na isasara na ang gate. Hindi ako pwedeng maiwan sa labas, first day na first day late ako.

Isinukbit ko ang bag sa aking balikat. Tinakbo ko na ang gate walang pake kahit na magulo na ang aking buhok. Uunahin ko pa ba yun? Late na nga ako e. Sa susunod talaga maaga na akong gigising.

"Good morning po." Bati ko sa guard na nakabantay sa gate.

"Morning." Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa mga estudyanteng nagkukumpulan. Kailangan ko pang magparegister para sa club.

Sana pala madaling araw nagising na ako.

Pumila na ako kasunod ng babaeng nasa aking harapan. Humarap siya sa'kin na parang kilala niya ako.

"Hi." Nakangiting bati niya.

"Hi." Binati ko siya pabalik. Hanggang balikat lang ang haba ng kanyang buhok at may suot rin itong eye glass. Medyo nahihiya pa ako. First time ko lang makakilala ng new friends. I know we're not officially friends yet. But I considered her as a friend already. 

"Bago ka lang ba dito?" Tanong nito.

"Uhm. Yup." Rinig ko ang kanyang  pagbuntong-hininga.

"Thanks, god. May nakilala na rin ako." She said.
"Alam mo ikaw palang ang unang estudyanteng nakausap ko. Ang iba kasi dito masyadong maattitude." She's funny though. 

"Hahaha, ganyan talaga pag bago ka pa." Sabi ko sa kanya.

"Hello." Kumaway siya sa taong nasa likuran ko. Friendly pala ang babaeng ito.  Hindi na ako magtataka kong marami siyang magiging kaibigan. I'm shy to interact with other people. Lalo na pag hindi ko pa masyadong kilala.

"Ako ba?" Tinuro pa ng lalaki ang kanyang sarili. Bago rin ba siya dito?

"Hindi, siya." Turo niya sa'kin.
"Joke lang, siyempre ikaw."
"Bye the way hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Lily." She introduced herself.

"Dashne." Sabi ko.

"Keiper." Sabi naman ng lalaking nasa aking likuran.

"Tutal alam na naman natin ang pangalan ng isa't isa. So friends na tayo." Sabi ni Lily. Pumunta siya sa gitna namin ni Kieper at inakbayan kaming pareho.

"Dash, ikaw na." Ow, I forgot. Ako na pala ang susunod. Kaaga-aga lutang ka Dash.

Kinuha ko ang ballpen sa table at isinulat sa ang pangalan ko. Nagregister ako sa cooking club. Aside sa pag-aaral gusto ko rin sanang matutong magluto.

Umalis ako sa pila. Tumabi ako kay Lily ng tayo. Tapos na rin kasi siya.

"Anong sinalihan mo?"

"Cooking club." Simpleng sagot ko habang hawak ang strap ng aking bag.

"Ayos, may taga luto na kami." Ginawa pa akong yaya.
Pero yun naman talaga ang plano ko ang may makakain sa mga niluluto ko. I'm not professional but I'm learning how to cook.

"Ikaw Kieper?"

"Swimming club."

"Maniniwala na sana ako e." Pinasadahan niya ng tingin ni Lily si Kieper mula ulo hanggang paa.

"Maghintay ka lang. Hahanga ka sa kisig ng katawan ko."

"Kahit maghubad ka pa sa harapan ko. Hinding-hindi mangyayari yun." Humalakhak na sabi ni Lily. Nakasimangot lang si Kieper dahil sa pang-aasar ni Lily sa kanya.

"Mamaya try out namin. Pumunta kayo a. E-cheer niyo ko." Sabi ni Kieper.

"Good idea. Makakakita ako ng mga lalaking may abs." Sabay kaming napalingon sa kanya ni Kieper.
"Oo, naman. Walang problema." Pag-iiba niya. Habol mulang mga lalaking malalaki ang katawan e. Alam ko na ang habol mo.

"Ikaw, Dash?"

"Huh? Pwede ba akong mag no?"

"Hindi!" Sabay na sigaw nilang dalawa ni Kieper. Wala na akong magagawa. Wala na rin naman pala akong magagawa.

"Oh my gosh! President ng swimming club!" Tili ni Lily. Napatingin kaming dalawa ni Kieper sa tinuro niya. May dumaang dalawang lalaki sa di kalayuan.

Hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya.

He looks familiar.

Feeling ko nagkakilala na kaming dalawa.

Kilala ko ba siya?

"Dash, are you ok?" Napakurap ako at bumaling kay Lily ng tingin.

"Yeah." Ngumiti ako sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?" Umiiyak? Ano namang iiyakan ko?

Napahawak ako sa aking pisngi, shit!

"Napuwing lang." Bakit naman ako iiyak? Weird.

"Tara na nga, baka malate pa tayo."

***

"Next week pa magsisimula ang drama club pero kinakabahan na ako." Panimula ni Lily habang niyuyugyog ang balikat ko.
"Pero nabalitaan ko ang gwapo daw ng president ng drama club kaya don ako sumali."

Nakaupo kami sa bleacher habang hinihintay ang paglabas ni Keiper kasama ang mga ka-members niya sa swimming club.

"Oh, lala. Ang hot nila!" Tili ni Lily. Ang energetic ng babaeng 'to pagdating sa mga lalaki.
"Oww, maganda pala ang pangangatawan nong Kieper ha. Sayang hindi ako pumapatol sa kaibigan."
Napailing nalang ako.

Ako lang ang nahihiya sa mga pinagsasabi ng babaeng 'to.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now