CHAPTER 44

6 1 0
                                    


"Den?" Gabing-gabi na pero bakit nandito siya?

"I don't like you." Malamig na sambit niya habang nasa harapan ng kama ko.

"H-Ha?"

"I don't like you, Dash. Si Laurien ang mahal ko." Ano bang dapat kong maramdaman?

"O-Oh, yeah."
"I-I know." Bakit ka ba nauutal? Pero bakit ganon? Ang sabi niya kanina gusto niya 'ko. And now? Everything has change.

Siguro nga ginawa lang kaming tulay para magkasama sila Kai at Amaica. Hindi talaga kami ang nakatadhana para sa isa't isa.

"Si Amaica lang ang nakikita ko sa katauhan mo. Nothing more."

"S-Same as well. S-Si Kai lang din ang nakikita ko sayo." Matamis na ngiti ang ginawa niya bago lumabas ng pintuan.

Halos madurog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Si Amaica lang ang nakikita niya at hindi si Dash.

Wala ng mas sasakit pa sa mga binitawan niyang salita.

••

Nagising akong may luha sa aking mga mata. Panaginip lang ba yun? Pero bakit parang totoo?

"Dash?" Nalipat ang tingin ko kay Den nakakapasok lang sa pintuan.

Bakit parang nagdadalawang isip na ako?

"You're here." I said.

"I need to tell you something." Umupo siya sa gilid ng kama ko.

Umayos din akong umupo habang kaharap siya.

"Den." Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Dash, yung sinabi ko kanin-"

"Sasama ako kay mama papuntang states. Pagkatapos ng libing ni lolo sasama na ako sa kanya."

Narinig ko siyang mahinang natawa.

"You're leaving."
"O-Ok." Saad niya at walang pasabing naglakad papalabas ng unit ko.

Gaya ng ginawa niya sa panaginip ko.

Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo yan pag nagkita tayo ulit.

Nakayuko ako habang nasa hita ang aking unan. Kita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mata.

"Bakit parang ang bigat?"
"Gusto ko lang mapatunayan na gusto niya ako dahil ako si Dash hindi bilang Amaica na siyang nag-uugnay lang sa aming dalawa."

Tama naman ang ginawa ko hindi ba?

Ayaw kong magustuhan niya ako dahil ako nasa katauhan ko si Amaica. Hindi ako yun eh. Ako si Dash at hindi si Amaica. Wala na si Amaica.

Si Dash na ang nandito.

••

《《Lily》》

"Tumigil ka na nga diyan, kanina ka pa galaw nang galaw eh." Inis na sabi ko sa kanya. Parang bulate, hindi matigil sa kakagalaw.

"Naglalambing lang naman ako e."

'"Palambing ka don sa kabit mo." Ako pa talaga ang inaabala ng mokong na'to.
"Maglinis ka na nga lang." Tsk, parang tanga kasi 'to.

Panira naman kasi e. Nahuli lang naman kami sa akto ng Dean. Muntik ko na kasing upakan ang hayop na'to.

"Kasalanan mo rin naman kung bakit tayo naglilinis ngayon!"
"Punyemas ka kasi eh!" Binato ko sa kanya ang basahan ng may pumasok na prof. sa canteen.

"Hindi pa ba talaga kayo tapos mag-away?" Tanong niya habang napailing ng ilang beses. Kahit kailan hindi ko makakasundo yang mukhang unggoy na mokong na yan.

"Prof. naman hindi naman kami nag-aaway." Kinuha ko ang basahan at pinunas sa mukha ni Jav.
"Ang dumi-dumi kasi.." Ang dumi ng mukha ng kupal na'to!
"Kasi dito Prof."
"Tapos ang init-init pa." Saad ko habang nakangiti ng abot tainga.

"Idiin mo pa ang basahan sa mukha ko." Nakangiting bulong niya.
"Mamaya ka sa'kin." Mariin kong tinapakan ang paa niya.

"Pinagpapawisan ka na oh." Sambit ko at mas lalong diniin sa mukha niya ang basahan.

Kasalanan naman niya talaga lahat.

Pagkatalikod ng prof. binato ko sa pagmumukha niya ang isa pang basahan na nasa mesa.

"Nang-aabuso ka na ah."

"Talaga ba?"

"Mamaya ka talaga sa'kin." At nanakot pa talaga siya. Tingnan na'tin kung uubra ka sa'kin lalaki ka.

"At ano namang gagawin mo ha?" Nakataas na kilay na sabi ko.

"Secret." Nakuha pa talagang magsekrito. Tsk, I'm waiting for that babe.

••

《《Dash》》

"Insan?"
"Insan."
"Yohoo, insan!" Napatalon ako sa gulat dahil sa paghampas ng mesa sa harapan ko.

"M-May sinasabi ka ba?" Umayos ako ng umupo at nagdadalawang isip na tumingin sa kanya.

"May problema ka ba? Nangingitim na ang ilalim ng mata mo oh." Nag-iwas ako ng tingin.

"May iniisip lang ako."
"Kailan pala dating nina mama? Naputol kasi ang tawag niya kagabi."

"Hindi naman ako tinawagan ni tita e." Nakayuko lang ako habang nakatingin sa kamay na nakasalikop sa ibabaw ng mesa.

Si Tito Hwaren na ang nagpaliwanag sa Dean kung bakit hindi muna ako makakapasok ng ilang araw. Hindi naman patatagalin ni Tito ang burol ni lolo. After makauwi nila mama dito, ililibing na si lolo. Hindi rin kasi magtatagal sila mama.

May importanteng mga bagay din siyang aasikasuhin sa states.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging maayos?" Natatawang tanong ko.

Gusto ko lang pasayahin ang sarili ko.

Ang dami ko ng problema. Ayaw ko munang isipin ang mga yun.

"Pansin ko lang kasi na kanina ka la nakatulala diyan."

Ang daling magpanggap.

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon