CHAPTER 41

6 1 0
                                    


"Dash?" Isang hakbang paatras ang ginawa ko ng lumabas si Nico sa pinto.
"Bakit hindi ka pa pumapasok?" Saad niya ng makasandal sa gilid habang direktang nakatingin sa'kin. Kinakabahan ako.

"Hindi ko alam." Saad ko habang nakayuko. Parang nakadikit na ang paa ko sa sahig na aking kinatatayuan.

"Dash, he wants to talk to you. Wala siyang gagawin."
"Hindi na mauulit ang nangyari dati, trust me." Kahit may pagkasiraulo ang lalaking 'to may mabuti rin naman palang masasabi. Akala ko puro landi lang ang alam.

"I know, pero hindi ko alam. Kinakabahan ako." Ngumiti lang ito at ginulo ang aking buhok.

"Kung ano-ano kasing iniisip mo. Pumasok ka na, kakausapin lang kayo ni lolo. Nandon na rin si Den sa loob." Binuksan na ni Nico ang pinto para sa'kin. Ilang buntong hininga ang ginawa ko.

"Ok." Sobrang lakas nang tibok ng puso ko. Halos hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.

Pagpasok na pagpasok ko sa loob nakaupo si Den sa tabi ng kama ni lolo.

I know na masakit sa kanya ang pangyayari 'to. I mean parte ng katauhan niya si Kai at masakit na makita mo ang papa mo na nasa ganitong kalagayan. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni mama nong makita niya si papa na nandito sa hospital?

Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Dash." Pinigilan ko ang aking paghinga ng bigla niya lang akong tawagin.

"P-Po?" Matagal na rin bago ulit nakita si lolo. Simula ng mamatay si papa hindi ko na siya nakita. Hindi ko alam kung may alitan ba silang dalawa ni papa. Since then, wala man lang kaming pic as a whole family.

"C-Come here, hija."  Ang boses na yun, bumabalik lahat ng alaala mula sa nakaraan.

"Dash?"

"H-Huh?" May halong takot ang namayani sa'kin.

Tumayo si Den at pinaupo ako sa monoblock na inupuan niya kanina.

"H-Hindi ko na u-ulitin yung g-ginawa ko noon."
"M-Matagal ko nang p-pinagsisihan a-ang m-mga nangyari." Nangilid ang luha sa kanyang mata.
"K-Kung h-hindi ko pinilit ang a-anak kong si K-Kai. H-Hindi s-sana m-mangyayari ang p-pangyayari noon." Nakayuko lang ako habang nakapatong ang aking dalawang kamay sa hita ko.

"M-Malaki ang k-kasalanan sa i-nyong d-dalawa. L-Lalong-lalo na sa'yo h-hija." Nagtaas ako ng tingin kay lolo.

"S-Sana m-mapatawad mo ako."
Napatawad mo na ba siya Amaica?

Ipinikit ko ang aking mga mata at sunod-sunod sa pagpata ang mga luha.

"Matagal ko na po kayong napatawad."
"Nong gabing tapusin ko ang buhay ko, alam ko pong ikaw yung nag-ahon sa'kin sa tubig."

《《Flashback》》

《Amaica》

Nang bumagsak na ang katawan ko papailalim sa tubig ng dagat. May isang kamay ang humila sa'kin paahon pero hindi yun sapat para iligtas ang buhay ko. Sa huling pagkakataon nasilayan ko ang mukha niya.

Buong akala ko tanging masasama lang na gawain ang kaya niyang gawin. Pero nagkamali ako.

Bago ko pa man maaninag ang mukha ni Korn mabilis itong nawala sa paningin ko. Guni-guni ko lang ba yun o ano..

"Amaica, gising." Huling salitang narinig ko mula kay Korn. May parte sa'kin na pinagsisihan na tinapos ko ang buhay ko. Pero tapos na ang lahat, hindi ko na maibabalik ang dati sa nakaraan.

Masaya ako na nagkita kaming muli ni Kai hanggang sa kabilang buhay.

《《End of flashback》》

"Pa?"
"Pa?" Nabalik na lang ako sa realidad ng marinig ko ang sigaw ni Den.

Hawak ko parin ang kamay ni lolo na wala ng buhay. Sobrang lamig na nito. Hindi na siya gumagalaw?

Wala na.

"Lolo?" Pumasok rin sina Tito at Nico.

"He's gone."

Hanggang sa makalabas kami ng kwarto, wala parin akong imik.

"Dash, tubig." Sabi ni Nico at inilahad sa'kin ang isang water bottle.

"Atleast ngayon, hindi na mahihirapan si lolo."
"Magkakasama na silang tatlo doon?" Sabay turo niya sa kisame.

"Magkakasama silang tatlo sa kisame?" Alam ko naman kung anong ibig niyang sabihin. Gusto ko lang namang patawanin ang sarili ko. Kahit sa corny na pamamaraan. Ayaw kong malungkot pero hindi naman yun maiiwasan.

"Alam kung alam mo ang ibig kong sabihin." Natatawang sabi niya.

"Bakit ganon Nico? Ngayon ko lang siya ulit nakita at sa ganitong situation pa."

"Ganon talaga e, wala na tayong magagawa. Actually, ito na ang panglima ni lolo na pabalik-balik dito sa hospital."
"Sinabihan na kami ng doktor niya, baka sa susunod na pag-atake ng sakit niya sa puso baka hindi na niya kayanin."
"And nasabihan ko na sina tita, sabi niya uuwi raw sila ni Elvin. Baka chance mo na'tong makasama sa kanila papuntang states." Sabi niya sabay inom ng tubig.
"I know na may deal kayo ni tita pero kung talagang miss muna sila at gusto mo silang makasama pwede ka namang sumama papuntang states." Sambit niya.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga.

"Pag-umalis ako baka mamiss mo'ko." Pabiro kong sabi sa kanya. Hindi pa naman sigurado kong sasama ako kina mama.

"You're leaving?" Nalipat ang tingin namin ni Nico kay Den na nakatayo sa gilid ng pintuan. Kanina pa ba siya diyan.

"K-Kanina ka pa diyan?"

"Its time for me to leave." Sabi ni Nico at walang pasabing umalis.

"Ayos ka lang ba Den?" Namamaga ang ilalim ng mata niya dahil sa pag-iyak.

"Aalis ka ba?"
"Are you leaving me, Dash?" Seryoso itong nakatingin sa'kin.

Tanging lunok lang ang nagawa ko.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now