CHAPTER 38

6 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko muli sa kanya. Nakapagtataka lang na ako ang unang umalis pero siya pa ang naunang makarating dito sa condo ko. Iba din ang lalaking 'to. Pero lahat ng nangyari sa resort na yun hindi ko parin nakakalimutan.

Nilapag ko sa gilid ang dala kong gamit, hindi naman yun ganon kabigat pero nangangalay ang balikat ko. Ano ba talagang ginagawa niya dito? Wala na nga di ba? Sa lahat ng actions niya, may pinili na siya. And that's not me.

"What are you doing here?" Tinagalog ko na at inenglish ko na rin. Hindi pa rin niya naintindihan?

"Dash." Napalunok ako dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.
Tsk, bakit ba ako nagpapaapekto?

"What?"

Nanatili lang akong nakatayo sa gilid ng pintuan. Gustuhin ko mang humakbang papalapit sa kanya para bang may barrier sa pagitan naming dalawa.q

"Anong ginagawa mo dito, Den? Di ba dapat nasa resort ka pa? At paano ka nakapasok sa condo ko?"

"Bakit ka umalis?" Nakatitig lang ako sa kanya. Ano naman sa kanya kung umalis ako?

"I just want to go home. There is no valid reason kung bakit ako umalis." Matigad na asik ko sa kanya. Wala naman akong dapat ipaliwanag sa kanya. I don't owe him any explanation.

"Dash, tell me."

"Wala akong sasabihin." Saad ko at kumuha ng tubig sa ref. Hindi ko na alam kung matatapos pa ba 'tong pag-uusap namin. I want to end this conversation. Habang tumatagal mas lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon.

"Dash." Dumiin ang kanyang pagkakasabi sa pangalan ko.

"Ano pa bang kailangan mo Den? I told you na walang ibang dahilan kung bakit ako umalis. Gusto ko lang umuwi. Yun lang." Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya.

"Amaica." Kumurap-kurap akong napatitig sa kanya.

Don't call me by that name.

"D-Den, kung w-wala ka ng sasabihin. Makakalabas ka na."

"You know right?"

"What? Ano pa bang dapat kung malaman?" Isan gv hakbang ang ginawa niya.

"Alam mo na ang lahat na.."

"Na ikaw ang dahilan kung bakit ko tinapos ang buhay ko ganon ba?" 

"Its not what you think."

"Bakit? Alam mo ba kung anong iniisip ko? Tanong ko sa kanya. All this time pilit kong tinatago ang sakit na nararamdaman ko but now I'm done.

"Listen to me." He said.

"Den, please. Pagod ako." Humiga na ako sa kama at tinalikuran siya. Binalot ko ang comforter sa buong katawan ko.

I'm so drained. Ubos na ako, physically and emotionally.

Hindi ko inaasahang may kumawala palang ilang butil ng luha mula sa gilid ng aking mata.

Every time I closed my eyes, naaalala ko parin kung paano ko inulubog ang sarili ko sa malamig na tubig ng karagatan.

Yung habang nakadilat ang dalawang mata hindi mo man lang kayang umahon.

Ramdam ko ang lubog ng kama.

Pinikit ko ang aking mata nagpapanggap na tulog kahit hindi pa naman talaga ako nakakaramdam ng antok.

Gusto ko lang ipikit ang mga mata ko at tuluyang makatulog.

"Nong kaarawan mo na sinabi ko sayo na umuwi ka na. Gusto kong manatili sa tabi mo. Gustong-gusto ko." Kahit nakapikit ang aking mata nakikinig parin ako sa mga sinasabi niya.

"Iniwan kita para sa kaligtasan mo pero hindi ko inaasahang mangyayari lahat ng yun." Tinagilid ko ang aking ulo para makita siya.

Nakayuko ito habang nakatakip sa kanyang mukha ang kanyang palad.

"Kasalanan ko lahat."

Umupo ako sa kama habang nakatalikod sa kanya.
Nakatikom lang ang aking bibig walang isang salita ang lumalabas mula dito.

"D-Den." Tanging pangalan niya lang ang nasambit ko.
"Wala akong ideya kung ano ang buong nangyari sa nakaraan."
"Marami akong hindi alam."

Napailing na lamang ako habang nakatulala sa pintuan ng condo ko.

"Nong araw ding yun. Tinapos ko rin ang aking buhay."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Lumingon ito sa'kin ng may luha na namumuo sa gilid ng kanyang mata.
Ngumiti ito kasama ng pagpatak ng kanyang mga luha.
Hinawakan niya bigla ang mukha ko at inilapit ito sa kanya.

"Gusto lang ni Kai na magpaliwanag kay Amaica, Dash." Hinaplos niya ang pisngi habang patuloy parin sa pagpatak ang kanyang mga luha.
"Please, hayaan mong ipaliwanag ni Kai lahat kay Amaica." Namamakaawang sambit niya. Ayaw ko namang ipagkait sa kanya ang pagkakataong makapagpaliwanag.

"Ok." Ngayon  papakinggan ko muna ang side niya.

••

Ang boring!

[How are you?] Tanong ni mama habang naka video call kaming dalawa.

"I'm fine, ma. Wala naman akong ginagawa ngayon." Saad ko habang nakadapa parin sa kama. Hindi ko naman pwedeng istorbohin sina Lily dahil I'm sure may kanya-kanya yung ginagawa.

"Dash." Napaayos ako ng upo ng bigla na lamang bumukas ang pinto.

"Den? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kanya ng tumabi siya sa'kin ng upo. Akala ko nakaalis na siya?

"Dashne, who is he?" Ohh, nandito pa pala si Mama. I forgot.

"Den, Ma." Maikling sabi ko. Mahabang eksplenasyon ang kailangan nito.

"Boyfriend?"

Maissue si mama.

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon