CHAPTER 4

13 2 1
                                    

"Kai." Kanina pa ako nakaabang sa kanya dito sa labas ng silid-aralan niya. Hinintay ko pa kasing makalabas ang guro nila.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya.

"Sabi ko sayo di ba na sabay tanong kakain Nakalimutan muna agad?" Nakataas kilay na sambit ko sa kanya. Ang bilis naman niyang makalimot.

"Hindi ako makakasabay sayo ngayon."

"Ahh, sige." Tinitigan niya muna ako ng ilang minuto.
"Bakit?"

"Wala."

"Sige mauna na ako. Nasa canteen lang ako a." Kumaway ako sa kanya bago pumunta kina Laurie. Matagal ko na ding hindi nakakasama ang mga kaibigan ko. Abala kasi ako sa panliligaw don kay Kai.

"Hindi mo pa rin ba tinitigalan yang panliligaw mo kay Kai?" Tanong ni Korn nang makaupo ako sa tabi niya.

"Ano namang masama don?" Palagi na lang nila akong pinagbabawalan makipagkita kay Kai. Wala namang ginagawang masama yung tao.

"Alam mo naman kung anong klaseng pamilya meron yun si Kai, hindi ba?" Napatango ako sa sinabi ni Korn. Ang sabi-sabi kabilang sa isang mamatay tao ang ama ni Kai. Pero hindi ako naniniwalang katulad siya ng ama niya. Mabait naman si Kai e.

"Hindi ka namin pinagbabawalan, Amaica. Ang saamin lang nag-aalala lang kami para sa'yo." Sumilay ang ngiti sa'aking labi.

"At dahil diyan. Ililibre ko kayo." Mabilis na nagtayuan ang dalawa. Ang bilis talaga nila kapag libre ang pinag-uusapan. Sila pa ang naunang kumuha ng pagkain kesa sa'kin. Akala mo naman sila ang magbabayad.

Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi nila.
Nag-aalala lang sila para sa'kin. At si Kai?

••

"Dash, Dash, Dash!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na yun. Weekend ngayon kaya nandito lang ako sa condo nakatambay. Messy hair!

"Hoy, Dash. Matutulog ka lang ba diyan?" Shit! Oo nga pala. May usapan kaming tatlo na pupunta kami ngayon sa university.

Nakaupo sila sa sofa katapat ng kama ko.

"Kanina pa kayo nandiyan?" Tanong ko sa kanila bago tumayo. Dumeritso na ako sa banyo para maligo.

"Ang ganda mo pala kahit natutulog lang." Sigaw niya mula sa labas. Ba't ang aga ng dalawang yun?

Binilisan ko ang kilos dahil alam ko ako na lang ang hinihintay nilang dalawa. Nakasuot ako ng long sleeve at jeans. Dala ko parin yung bag ko kahit na walang pasok. Ganon ako kabait.

"Tara na." Tinali ko na lang ang buhok ko. Sa restroom na lang ako magsusuklay. Mas lalo lang kaming malelate kapag nag-abala pa akong magsuklay. Sabi nga nila "time is gold."

"Hindi ka ba kakain muna?"

"Sa university na lang. Di ba may makakainan naman don?"
Nagmadali akong iniligpit ang hinigaan ko. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi. There's something bothering me.

"Let's go." Kinuha ko ang susi sa drawer. Kahit papaano magagamit ko ang sasakyang binigay sa'kin ni mommy pero tuwing weekend ko lang ito magagamit.

Dumiretso kami sa parking area ng building doon kasi nakapark ang sasakyan ko. Ilang hakbang lang at tsada! Parking lot na.

"Saan ang sasakyan mo dito?" Tanong ni Lily habang nakatingin sa mga sasakyang nakaparada lahat ng yun mamahalin. Mayayaman nga naman.

"Ito." Turo ko sa puting sasakyan.

My Love From The Past (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin