CHAPTER 25

6 0 0
                                    


"Hays, sa wakas at natapos na rin ang play namin!" Nakangiting saad ni Lily nang makapunta siya sa club namin. Binigay ko na rin sa kanya ang mga iba pang cupcake na nireserve ko para sa kanila ni Kieper, gumawa rin ako ng tuna sandwich para sa kanila. In case na gutumin sila.

"Wala pa ba si Kieper dito?" Umiling ako sa kanya. Kanina pa ako dito pero walang Kieper ang dumaan.

Where is he?

"Wala pa siya."

"Lily." Tawag sa kanya. Isa ito sa member ng awimming club.

"Bakit?"

"Pinapapunta kayo ni Kieper sa club."

"Bakit naman? At bakit kami ang mag-aadjust huh?" Kahit kailan talaga ang babaeng 'to. Bakit naman niya kami ipapatawag?

"Anong meron at pinapatawag kami ng lalaking yun?" Mataray na tanong niya sa lalaki. Para tuloy ayaw ng magsalita ng lalaking 'to dahil kay Lily.

"Sabihin mo susunod kami." Ako na ang nagsalita.

"Sige." Sabi ng lalaki bago umalis.

"Tinakot mo kasi." Saway ko sa kanya.

"Tsk, kasalanan niya yun." Napailing na lang ako sa kanya.
"Mamaya na tayo pupunta don. Ang sakit pa ng paa ko." Sabi niya at hinihilot ang kaliwang paa.

"At isa pa yung Jade na yun, muntik na akong malaglag sa hagdan kanina. Para kasing basura paharang-harang. Sarap ipakain sa buwaya." Umupo lang kami dito parang walang balak tumayo.

Nakakapagod rin kasi.

Ang laki talaga ng galit niya sa Jade na yun. Ano ba kasing meron?

••

Ilang oras na ba ang lumipas hindi pa rin gumagalaw sa aming kinauupuan.

"Anong balak na'tin ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Wala."

"Pinapatawag tayo ni Kieper, hindi ba?"

"Hayaan mo na yun." Sambit niya.

Napangalumbaba ako habang nakatingin kay Lily. Mapanuring tingin ang binigay niya sa'kin.

"Ano na naman?" Tanong ko at umayos ng upo.

"Yung kanina sa drama club?" Tanong niya. Oh, ayaw ko ng pag-usapan.

"Tara na nga." Saad ko at unang naglakad papalayo sa kanya. Alam kong tatanongin niya na na naman ako mas mabuting iwasan siya.

"Hintayin mo'ko." Saad niya at paika-ikang naglakad.

"Bilisan mo." Narinig ko na lang siyang nagmura.

Hinintay ko na lang si Lily, masakit talaga ang paa niya.

"Bakit ka huminto?" Tanong niya.

"Hinintay kita."

"Sana all." Saad niya at nilagpasan na lang ako. Anong trip na naman niya? Minsan talaga may tupak ang babaeng 'to.

Hinintay ko nga siya at ako naman itong iniwan. Napakamot ako ng sariling ulo.

"Hindi ko talaga siya maintindihan." Bulong ko sa sarili bago siya sinundan.

Kahit paika-ika siyang naglakad naunahan niya pa ako sa swimming club huh?

Walang alinlangang binuksan niya ang pintuan ng swimming club.

"Kieper!" Bakit ang hilig nilang sumigaw? Kanina si Kieper? And now?

Napalingon sa'min lahat ng members ng swimming club kahit hindi naman talaga nila pangalan ang tinawag.

"Nandito na pala kayo, kanina ko pa kayo pinatawag ah."

"Tsk, bakit mo ba kami pinatawag ha?"

"Hindi ako ang nagpatawag kundi si Den."

"Bakit raw?" Tanong ni Lily. Hindi ko na nagawa pang magtanong.

"Magcecelebrate ang team dahil sa pagkapanalo. Inimbitahan kayo." Isang batok ang ginawa ni Lily kay Kieper.

"Kami lang dalawa ang inimbitahan?"

"Wag kayong mag-alala maghihiwalay rin naman kami pagkarating sa restaurant kung saan kami kakain. At kasama rin naman na'tin si Diana. Kapatid ni Den."

"Libre ba?" Yan tayo e.

"Oo, naman."
"Ok, madali naman akong kausap e." Sambit ni Lily at walang sabi-sabing pumasok ng swimming club. Basta libre, hindi na yan magdadalawang-isip.

Sumabay na ako kay Kieper papasok.

"Salamat talaga at dumating ka kanina." Mahinang sambit ni Kieper habang naglalakad kami papunta sa kinaroroonan ng team nila.

"Bakit naman?"

"Kasi nong hindi ka pa dumating, parang wala sa sarili si Den. Aligaga siya na para bang may hinahanap pero hindi niya makita. Akala ko talaga matatalo na kami kanina."

Nilapag ko ang bag sa bleacher na malapit lang sa kinaroroonan ng grupo nila Kieper.

Busy ako sa pagtatype dahil bigla lang nagmessage sa'kin si Nico.

'Thank you nga pala kanina.' Type ko bago sinend sa kanya.

'👌'

Tsk, maayos rin kausap ang lalaking 'to. Ako na nga itong nagpasalamat. Hay, minsa talaga may tupak ang Nicolo'ng 'to

Isinuksok ko ang cellphone sa aking bulsa.

"Dash, we need to talk." Bigla na lang niya akong hinila palabas ng club nila.

"Saan tayo pupunta, Den?" Tanong ko habang nagpapatianod sa paghila niya.

"Kailangan na'ting mag-usap." Dinala niya ako sa may garden nang university. Wala na rin kasi masyadong students na nandito. Dahil busy rin sila sa kanilang ginagawa.

"Bakit?" Nilabas niya ang kanyang cellphone. May ilang pinindot pa siya dito bago iniharap sa'kin.

'Kung ano man yang nararamdaman mo para sa'kin pasensiya na pero hindi ganon ang nararamdaman ko para sayo.' Ako yan di ba? Bifal na lang uminit ang pisngi ko. Paano?!

'Paano mo naman nasabi na hindi pa kami?' Laglag panga akong napatingin sa kanya. Literal na nanlaki ang mata ko.

"A-Ako yan di ba?" Gamit ang kanyang kilay sinagot niya ako.
"A-Ako talaga?" Nakakahiya talaga.
"S-Sandali lang ah." Nagtataka siya nang bigla na lang akong tumalikod sa kanya.

Lumayo ako ng kaunti. Para hindi niya makita ang reaksiyon. Napatakip ako ng aking mukha dahil sa kahihiyan parang gusto kong lamunin na ako ng lupa!

"Nakakahiya ka, Dash." Bakit ba kasi sa lahat ng alibi na naisip mo yun pa ang nasabi ng makasalanang bibig mo?
"Alam kong nakakahiya rin yung hinalikan ko siya sa pisngi pero ibang level na'to ng kahihiyan. Oh, gosh. I need to breath." Pinaypayan ko ang aking sarili para magkaroon ng hangin.

"Dash-"

"W-Wait lang." Hindi ko pa kayang harapin siya. It's all your fault, kaya panindigan mo!

Humarap ako sa kanya pero muntik na akong ma-out of balance nang sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Buti na lang at nakawakan niya ako sa bewang.

"You're blushing?" He smirked. Mahina ko siyang tinulak.

"H-Hindi ah." Saad ko at inayos ang aking uniform. Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi. Namumula ba talaga ako?

"I'm happy." Hindi halata.
"Dahil ako ang ginawa mong alibi para tantanan ka na ng Alex na yun."

Natikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Dash." Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Sa halip ay nagtitigan kaming dalawa.

Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Ilang sandali na lang palagay ko sasabog na ito sa sobrang bilis.

Umangat ang kanyang mukha at hinalikan ako sa noo.

"You make me happy." Bulong niya sa tainga ko.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now