CHAPTER 2

21 5 0
                                    

Napadaan ako sa hallway na. Sobrang tahimik at walang estudyanteng nandoon maliban sa lalaking seryosong nagbabasa sa kanyang libro. Maistorbo nga. Wala naman akong planong guluhin siya. Gusto ko lang siyang makilala. .

"Hello?" Nakangiting bati ko sa kanya pero hindi ako nito pinansin. Ang sungit naman nito. Nagpapakilala nga ng maayos eh.

"Amaica." Tawag sa'kin ni Laurie at hinila ako don papalayo sa lalaki.

"Bakit?" Takang tamong ko sa kanya. Bigla-bigla ba namang nanghihila.

"Wag kang lumapit sa kanya. Alam mo bang mamatay tao ang tatay niya. At balitang balita na may bago na naman daw pinatay dito at ang tinuturo ay ang tatay niya." Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin. Tsk, mapanghusga masyado. Balita lang naman yun.

"Hindi naman siya siguro katulad ng tatay niya." Sinulyapan ko ulit ang lalaki. Nagbabasa pa rin ito. Kung totoo nga ang balita, wala sa itsura niya ang pumapaslang ng tao.

Lumapit ulit ako sa kanya.

"Hello ulit." Snob. Bakit ang sungit nito? Parang bitbot niya lahat ng problema sa mundo.
"Hi."
"Hello?" Kinaway ko sa harapan niya ang kamay ko.

Inis niyang isinira ang librong binabasa niya.

Nagkasalubong ang kanyang kilay na napatingin sa'kin.

"What?"

"Gusto ko lang makipagkaibigan." Panimula ko. Pero parang balewala lang sa kanya.

"Ako pala si Amaica. Anong pangalan mo?"

"Kai." Maikling sagot niya. At muling ibinalik sa libro ang paningin niya.

Hinarang ko ang aking kamay sa librong kanyang binabasa.

"Last na talaga."

"Ano pang sasabihin mo?"

Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti sa kanya.

"Gusto kita."
"Pwede ba kitang ligawan?" Diretsong sabi ko. Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. Alam kong bago palang kaming magkakakilala pero...

Hindi ko maipaliwanag.

"Baliw ka na." Sabi niya at tumayo. Tinalikuran lang ako.

"Seryoso ako." Sambit ko sa kanya bago siya makalayo.

Hmm, mapapasakin ka rin.

••

"Nakita mo ba yun? Nanalo si Kieper." Masayang sabi ni Lily at niyugyog pa ako sa balikat.

Pumalakpak na rin ako habang nakatinginn kina Kieper na kakaahun lang sa pool.

"Puntahan na'tin siya." Bumaba kami sa bleacher.

Hinawakan ko ang strap ng aking bag habang naglalakad kami papunta kay Kieper.

"Congrats." Sabi ko sa kanya.

Niyakap niya ako. Kaagad ko din siyang tinulak dahil basa na ang suot kong uniform.

"Basa na ako." Reklamo ko pero tumawa lang ito.

Binaling ko ang aking tingin kay Lily na pinasadaan ng tingin si Kieper mula ulo hanggang paa. .

Niyakap ni Kieper ang kanyang katawan. Sa tingin palang kasi ni Lily parang nirerape na niya si Kieper sa isipan niya. Kung nababasa ko lang ang isip ng babaeng 'to.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now