CHAPTER 18

9 1 0
                                    


"How are you feeling?" May gana pa talaga siyang magtanong? It's not his fault, actually. Ako ang nag-aya e.

Hanggang ngayon umiikot parin ang sikmura ko. Lahat yata nang nakain ko kanina nasuka ko na.

"Ayos na ako." Umupo kami sa isang bench na nakaharap sa carousel na pinuntahan namin kanina.

"May gusto ka bang kainin?" Kakasuka ko lang pakakainin niya agad ako.

"Busog pa ako." Napakusot ako ng mata nang may matanaw ako sa di kalayuan. Sana mali ang nakikita ko. Bakit sa lahat ng lugar dito ko pa talaga sila makikita.

"Halika ka na." Saad ko sabay hila sa kanya. Si Kieper at Lily lang naman ang nakita ko. For sure, issue na naman 'to.

"Dash." Napatingin ako sa harapan ko kung sino ang nagsalita.

"Piccolo?' Ano namang ginagawa niya dito?

"Den." Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa'kin at kay Den. Sumilay na lang ang ngisi sa kanyang labi. Alam ko na kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Tara na." Saad ko at hinila ulit si Den.

"Enjoy your date." Piccolo!

Tinapunan ko ng tingin si Den nang mahina itong natawa. What's funny?

"You're blushing, Dash." Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan ang aking magkabilang pisngi.

"H-Hindi ah. Mainit lang talaga." Umiwas ako ng tingin ngunit hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kanya.

"B-Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa'kin.

"G-Gusto mo ng cotton candy?" Mabilis kong iniwas ang aking mukha sa kanya. Tumikhim ako. Cotton candy talaga? Dash naman!

Ang awkward ng atmosphere dito.

••

"Ahm, thank you for today." Saad ko ng makababa sa sasakayan niya. Nakatulala lang itong nakatitig sa'kin.

Hingang malalim.

Hindi ko alam kung sinong nagtulak sa'kin para halikan ko siya sa pisngi.

"Bye." Saad ko bago kumaripas ng takbo papasok ng condo unit. Gosh, I kissed him! For real?!

Napahawak ako sa aking labi. Ako ang humalik sa kanya? Why did I do that?

"Nababaliw ka na, Dash." Bulong ko sa sarili habang nakasandal sa pintuan ng unit ko.

Dumapa ako sa kama habang iniisip parin kong anong nangyari kanina. Ginawa ko ba talaga yun? Anong mabuting espirito ang sumapi sa'kin para gawin yun? I can't believe this!

Kinuha ko ang cellphone na nasa gilid ng kama. Tadtad ng messages ni Lily at Kieper ang cellphone ko. Hindi naman siguro nila kami nakita kanina hindi ba?

'DASH! ANONG IBIG SABIHIN NITO?' Caps lock pa talaga huh?

Pinindot ko ang picture na sinend niya. Wala sa sariling napaupo ako.
Saan? At paano?

'Nagtataka ka siguro kong paano ko nalaman. Hah, I have a source.'
'Pumunta ka sa timeline ni Den! Bilis!'

Para akong uto-uto na sinusod ang sinabi niya.

Mas lalong nanlaki ang mata ko.

Picture ko yun na kausap yung batang binigyan ko ng ticket.

"Bakit niya pinost?" Binasa ko ang comment na nasa baba ng post na yun.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now