CHAPTER 30

7 0 0
                                    


"Finally, natapos na rin!" Sigaw sa'kin ni Lily sabay yugyog sa balikat ko. Katatapos lang kasi ng exam namin at hindi pa lumalabas ang result.
"Excited na ako kung sino ang manlilibre!" Sabi niya habang nakataas ang isang kamay habang nakatingala sa kisame. Nyare sa babaeng 'to?

"Saan tayo ngayon?" Tanong ni Kieper habang nakaakbay sa'ming dalawa ni Lily bale siya ang nasa gitna.

"Hindi pa naman ako gutom." Saad ni Lily bumaling naman sa'kin ng tingin si Kieper. Umiling lang ako.

"Argh, gutom na ako." Saad niya at ginulo ang kanyang buhok.

"Edi, kumain ka! Parang sira." Napairap si Lily habang inaalis ang pagkakaakbay sa kanya ni Kieper.

"O siya, magkita na lang tayo mamaya." Saad  niya at iniwan kaming dalawa ni Lily.

"Saan tayo ngayon?" Tanong ko kay Lily. Hindi naman kami sumama kay Kieper.

"Hindi naman tayo magkakasama ngayon dahil may susundo sayo." Ngumuso siya sa harapan namin.
"Sinusundo ka na ng bebe mo." Saad niya at iniwan na lang ako. Ganon na lang yun?

Mahigpit kong hinawakan ang strap ng aking bag.

"Hi?" Spell a-w-k-w-a-r-d

"Let's go?" Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Where are we going?" Tanong ko nang hilahin na lang niya ako bigla.

"Somewhere." Saad niya. Minsan naweweirduhan na ako kay Den. Parang may hindi siya sinasabi sa'kin. Like, i'm not sure kung may nililihim siya sa'kin.

Hinayaan ko na lang siya kung saan niya ako dalhin.

"Den, ayos ka lang ba?" Hinawakan ko siya sa kanyang kamay para pahintuin sa paglalakad. 

Humarap ito sa'kin na may ngiti sa labi.

"May gusto lang akong ipakilala sayo." Nagtataka man ako ay hindi ko mapigilan ang aking kuryusidad. Kung sinong tao ang kanyang ipakilala sa'kin.

"Get in." Sabi niya nang huminto kami sa harap ng kanyang sasakyan.

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto.

"Thank you." I said.

Ngumiti lang siya bago umikot papuntang driver seat.

••

Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe. Bakit parang pamilyar ang daang dinadaanan namin ngayon?

"Saan tayo pupunta?" Nagkibit lang ito ng balikat habang seryoso sa pagmamaneho.

Kailan pa naging sagot ang pagkibit ng balikat?

"Daan di ba 'to patungo sa bahay niyo?" Dumaan kami sa tulay na pamilyar sa'kin. If i'm not mistaken ito talaga ang daan.

"May naghihintay sayo sa bahay." May kinuha siya sa bag.

"Ako na." Presenta ko baka mabangga pa kaming dalawa. 

Kinuha ko ang isang tupperware na may laman pang pagkain.

"Hindi ka kumain?"

"It's for you." Huh? Hindi pa naman ako nagugutom pero mukha namang masarap itong pagkain niya.
"Kumain ka na."

Tinapunan ko muna siya ng tingin bago tahimik na kinakain ang laman ng tupperware.

'Kahit kailan talaga, ang sarap parin ng luto mo. Ate!'

'Sus, nambola ka pa.'
'Ubusin mo muna yan habang mainit pa.' Nakangiting sambit niya habang marahang pinisil ang aking pinsgi.

'Bukas ito ulit ang lutuin mo, ate.'

My Love From The Past (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ