CHAPTER 46

7 1 0
                                    

Hinanap ng mga mata ko kung nasaang direksyon pumunta si Den. Bakit siya nandito? Alam kong hindi ito coincidence lang. May plano ba sila?

Where the hell he is?

"Lily?" Bakit nandito rin siya? Sa laki ng park na'to dito pa talaga kami nagkita. Wait?

"Si Jav ba yung kasama niya?" Si Jav nga. Sila na ba? Bakit hindi niya sinabi sa'kin?

"Dash?" Nanlaki ang mata niyang makita ako.

Kumaripas pa ito ng takbo papalapit sa'kin ng hindi sinasadyang madapa ito.

"Walang nakakita non!" Sigaw niya at punta sa direksiyon ko. Mabuti na lang hindi masyadong matao dito, at wala ring nakakita sa pagkakadapa niya.

"Akala ko sumama ka sa mama mo sa states?"

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya magpapacheck-up ako."
"Ikaw?" Natawa ako dahil sa sinabi niya.

"Anong ginagawa mo dito? I mean kayo?" I asked. Nandito rin sina Kieper at Laurien. May namamagitan na ba sa kanila ng hindi ko alam?

"Malay ko sa gagong yun." Turo niya kay Jav na walang kamalay-malay.

"Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong niya. Baka may nakikita ka pa na hindi ko nakikita Lily.

"Oo."

"Lily, tara na." Iritadong sambit ni Jav. Kanina pa ata naghihintay sa kanya si Jav.

"Manahimik ka nga diyan!" Sigaw nito sa kanya. Masaya ako para sa kanilang dalawa.

"Puntahan mo na siya." Nagdadalawang-isip pa ito pero sumunod rin.

Kung bibigyan ko man ng pagkakataong makausap si Den. Hinding-hindi ko na papalagpasin ang pagkakataong iyon.

Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon. Ilang araw na rin ang lumipas. Tanging nag-iiwasan na lang kaming dalawa.

Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa kanya. Kung ayaw niya ako kayang  kausapin, kailangang tanggapin.

It's my fault. Ako yung dahilan kong bakit siya nasaktan.

Ilang oras na rin ang tinagal ko sa lugar na'to. I guess I have to go.

"You're leaving again huh?"

"Nag-iimagine ka na naman, Dash." Pinukpok ko pa ang aking ulo. This past few days kasi kung ano-ano na lang ang naririnig ko.

Isang hakbang ang ginawa ko.

"Humakbang ka pa at hindi ako magdadalawang isip na halikan ka."

Pumihit ako paharap sa nagsalita.

Nakangisi itong nakatingin sa'kin habang nilalaro anf susi sa kanyang kamay. Paano napunta sa kanya ang susi ng sasakyan ko?

"I'm tired of avoiding you." Tumingin pa ito sa paligid na parang may tinitingnan.

Nanuyo ang lalamunan ko.

Baway hakbang niya papalapit sa'kin sobrang bilis nang tibok ng puso ko.

"Dash."

"B-bakit?" Bakit ba ako nauutal? Calm down, Dash. Si Den lang yan. Pero bakit ganito ang epekto niya sa'kin?

Ilang hakbang pa ang ginawa niya hanggang sa magkalapit na kaming dalawa.

"You're not leaving me, again." Bulong niya sa kaliwang tainga ko.

My Love From The Past (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang