CHAPTER 40

6 1 0
                                    


"Hindi ako ang makikipag-usap sayo. Inutusan lang niya ako." Sabi niya at binuksan ang pinto para sa'kin.

Walang katao-tao sa loob. Kung pinasama ko na lang kaya si Lily dito.

Tanging kalabog na lang ng pintuan ang narinig ko.

"You're here." Dahan-dahan itong lumingon sa'kin.
"I guess you remember me, right?" Tumango na lang ako.
"You remind me of someone." Isang hakabang ang ginawa niya papalapit sa'kin habang hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Right, Amaica?"

Hindi maalis ang mga titig ko sa kanya. Kusang nag-uunahan sa pagpagpatak ang kanyang mga luha.

"Alam kong ikaw yan." Mabilis niyang nahawakan ang aking mga kamay.
"I-I'm so sorry." Nanginginig ang kanyang mga labi habang nakaluhod sa harapan ko. Para lang akong estatwa. Hindi alam ang gagawin.

"A-Ahm, tumayo po kayo." Inalalayan ko siyang tumayo.

"I know it's my fault. Kasalanan ko lahat. Pero lahat ng yun pinagsisihan ko lahat. Lahat-lahat."
"Ako ang nagsabi sa ama ni Kai na magkikita kayo ng gabing yun. Kasalanan ko lahat, Amaica."
"Please forgive me." Bigla na lang bumukas ang pinto.

"Sabi ko na nga ba hindi magandang makipag-usap sa babaeng yan."
"Lola, are you ok?"
"What did you do?" Galit na tumingin sa'kin si Laurien.

"Laurien, it's not her fault."

"Lola-"

"Dash, right?" Hinawakan niya muli ang kamay ko na parang walang nangyari.
"Sana mapatawad mo ako." Kahit nakangiti pa siya. Kita ko parin ang lungkot sa kanyang mata. Hinawakan siya ni Laurien para alalayan papalabas.

"Kahit papaano naging kaibigan naman tayo." Bigla na lamang iyong kumawala sa aking bibig.
"Matagal na kitang pinatawad, Laurie." Sa mukha palang ni Laurien halatang naguguluhan sa mga nangyayari.

Nagsimula na naman itong umiyak habang papalapit sa'kin.

"Akala ko ba matapang ka bakit naging iyakin ka na?" Sinalubong ko siya ng yakap. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakapagpatawad ka. Hindi maitatagong na miss ko ang babaeng 'to. Sobra.

"Hindi ka parin nagbabago, Amaica." Bulong nito sa akin.

"Lola, what's happening?" Naguguluhang tanong ni Laurien.

"Nothing." Nakangiting saad niya.

"Ok, pero we have to go. Kanina ka pa hinihintay ni mommy may appointment ka pa sa doktor mo."

"Dash, I have to go."

Tumango na lamang ako habang pinagmamasdan sila palabas ng silid. Kahit papaano ay nakita ko muli ang dati kong kaibigan. Si Korn at siya.

Pero si Korn, hindi ko man lang siya nakausap kahit sandali.

Marahan kong pinunasan ang aking luha. Ngayon, kahit kunti  nabawasan ang naramramdaman ko.

"DASH!"
"ANONG NANGYARI? BAKIT KA UMIIYAK?"
"YAN NA NGA BANG SINASABI KO EH! AABANGAN KO TALAGA ANG BABAENG YUN SA CR!"
"TARA KIEPER!" Sigaw ni Lily. Nakalunok ba'to ng speaker? Hays, ito na naman siya.

"Bakit ako kasali?" Takang tanong ni Kieper sa kanya.

"Aabangan ko sa cr, vidoehan mo!"

"Tsk, ano ba kayo?" Natatawang sabi ko habang sumisinghot pa.

"Walang kasalanan si Laurien."

"Eh, bakit ka nga umiiyak?"
"Tinawag ko na si Den baka may gawin sayo ang babaeng yun." Natampal ko na lang ang sarili ko. Bakit pa nila tinawag si Den?

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now