CHAPTER 22

8 0 0
                                    


"Kaarawan mo ngayon ah, saan ka pupunta?" Tanong ni Ate Annica nang makita niya akong nakabihis.

"Magkikita kami ngayon ni Kai, ate. Wag kang mag-aalala uuwi ako dito bago maghapunan." Nakangiting saad ko bago isinuot ang sapatos sa aking kaliwang paa.

"O sige, basta mag-iingat ka. Magluluto muna ako nang paborito mo." Tumango ako sa kanya saka yumakap.

"Ca, saan ka punta?" Tanong ni Jamaica habang nakayakap sa bewang ni ate. Sobrang lambing ni Jamaica. Kaya kapag malungkot ako isang yakap lang niya wala na ang lahat ng problema ko.

"May pupuntahan lang si Ca." Saad ko sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.

"Babalik ka kaagad?" Tanong niya habang nakanguso.

"Oo, naman. Kakainin pa natin yung niluto ng mama mo." Saad ko at sinuklay ang kanyang buhok. Babalik pa ako dito. Kakain pa tayo ng magkasama.

"Halika ka na, Jamaica." Kumaway ako kay ate at Jamaica nang makalabas ako nang bahay. Kumaway din sila pabalik ang kaninang malungkot na ekspresyon ni Jamaica ay napalitan ng ngiti.

"Bumalik ka, Ca." Sambit niya sa maliit na boses.

"Mag-iingat ka." Huling sambit ni ate.

Ang sabi ni Kai magkikita na lang kami may dalampasigan kung saan ko siya dinala dati. Ilang metro lang naman ang layo non mula dito. Isang sakayan lang at nandon ka na.

Wala akong ideya kung anong pakulo ni Kai. Basta ang sabi niya na magkita na lang kami don.

"Ito na po, manong." Saad ko kay manong nang makababa ako sa sasakyan niya. Sumalubong sa'kin ang malamig na simoy ng hangin. Kitang-kita ko ang paghampas ng alon sa malalaking bato.

"Ang ganda talaga." Mahinang sambit ko sa aking sarili habang nakatingin sa malawak na karagatan.

Naglakad ako sa may buhangin. Hindi naman masyadong mainit dahil papalubog na rin ang araw. Hindi ako magsasawang panoorin ang paglubog ng araw. Dahil sobrang ganda nito. Nakakagaan ng loob. Nakakawala ng problema.

Umupo ako dito habang nakapatong ang aking baba sa aking tuhod.

"Wag mo'kong paghintayin nang matagal dito Kai, dahil sasabunutan talaga kita." Bulong ko habang nakatanaw sa papalubog na araw.

••

"Tomorrow is the event. Hayop talaga na, Jade yun oh!" Matalim na nakatingin sa'min si Lily. Gigil na gigil talaga siya sa Jade. Hindi ko naman yun kilala

"Alam niyo ba kung kailan malapit na ang play doon ba siya nagback out!" Tinakpan ko ang bibig ni Lily. Nandito kami ngayon sa library, isang ingay na lang namin for sure palalabasin na kami dito. Kanina pa kami sinisita ng teacher.

"Lower your voice, please. "

"Nanggigigil na talaga ako sa babaeng yun e. Pag nakita ko yun tatanggalin ko talaga ang makapal na kilay niya. Napilitan pa ni Alex na maghanap ng bagong bida."
"At alam niyo kung anong ikinaiinis ko. Ginawa akong antagonist, masaya na ako sa pagiging bato dahil yuyuko lang ako at walang ginagawa. Ang daming lines nang kontrabida." Mahabang sabi niya. Kanina pa siya may hawak na libro pero hindi naman niya binabasa.

"Tumigil ka nga, tingnan mo ang libro may punit na dahil sa panggigigil mo." Nagpalinga-linga si Lily at mabilis na itiniklop ang libro. Baka masaway pa kami ng librarian ng wala sa oras.

"Nagreklamo naman ako kay Alex kaso ang sabi niya hindi na pwedeng mag-excuse. Main role ang hinahanap namin hindi kontrabida shunga rin ang isang yun. Sarap i-umpog ang ulo sa pader." Inis na inis talaga siya. Mas masaya talaga siya sa role na bato. At wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang yumuko at walang galawan.

"Ayos lang yun, hindi ka naman nila kukuning kontrabida kung hindi bagay sayo ang role na yun, hindi ba?" Kieper is right.

"Oo, nga." Sambit ko naman sa kanya.

"Mas pinapalabas niyo pa naas bagay akong maging masama."

"Wala ka na rin namang magagawa, president niyo na nga ang nagsabi hindi ba?" Napatango na lang ako sa sinabi ni Kieper. Hindi na siya pwedeng umayaw.

"Bukas na bukas, pagnakita ko talaga ang babaeng yun. Hindi ako magdadalawang isip na kutusan yun ng paulit-ulit." Sabay kaming napailing ni Kieper. Gigil na gigil talaga.

••

《《Kai》》

"Kuya, saan ka pupunta?" Tanong ni Kean.
Nasa kama ko silang dalawa ni Hwaren.

"May pupuntahan lang ako." Maikling sagot ko habang inaayos ang aking kwelyo sa harap ng salamin.

"Wag ka nalang kayang tumuloy, kuya. Baka masaktan ka na naman ni papa ulit. Hindi pa nga gumagaling yang pasa mo sa mukha e." Parang nang-aasar na saad ni Kean. Nakababata namin siyang kapatid ni Hwaren.

"Ganon ba?" Wala sa sariling kiniliti ko siya sa tagiliran.

"Hahaha, tama na kuya."
Sumali na rin si Hwaren. Nang-aasar ka pa eh.

"Ayaw ko na." Hinihingal pa itong bumangon. At lumayo sa'min ni Hwaren.
"Kuya, may tanong ako?" Tanong ni Kean. Dumapa ulit ito sa kama ko habang hawak ang lapis.

"Siguraduhin mo lang na matino yang sasabihin mo." Banta ni Hwaren sa kanya. Minsan walang kabuluhan ang mga sinasabi niya.

"Kung magkakaanak ako, anong gusto niyong ipangalan sa magiging anak ko?"

Ginulo ko ang buhok niya.

"Ang bata-bata mo pa para diyan, Kean. Pag-aaral mo muna ang atupagin mo."

"Hindi nga, para pag-nagkaanak na ako hindi ko na kailangang isipin kung anong ipapangalan ko sa kanya. Ang hirap ka yang mag-isip kung anong ipapangalan mo sa anak mo." Napakamot pa siya ng sariling ulo.

"Paano kong lalaki?" Sambit niya. Tiningnan niya si Hwaren at bumalik sa'kin. Naghihintay talaga siya ng sagot.

"Elvin." Sambit ko habang nakatingin sa kawalan bigla na lang kasi yung pumasok sa isipan ko. Yun ang unang lumabas sa bibig ko.

"Boboy, ipangalan pag lalaki." Natawa kaming dalawa ni Hwaren. Nakasimangot naman si Kean. Wala talagang kwenta ang isang 'to. Sa lahat ng pangalang maisip boboy pa.

"Wala ka talagang kwenta, Kuya Hwaren."

"E pagbabae naman Kuya Kai?" Nag-isip ako ng ilang saglit.

"Dashne."

"Mabuti pa'tong si Kuya Kai may matinong masagot. Ikaw wala!" Singhal nito kay Hwaren. Pinapanood ko lang silang magkulitan sa kama ko. Napangiti na lang ako kahit papaano nagkakasundo sila sa ganitong bagay.

"Mas bagay ang boboy, HAHAHAHAHAHA." Tawa ni Hwaren habang kinikiliti sa tagiliran si Kean.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now