CHAPTER 36

5 0 0
                                    

Anong lalaruin na'tin, Mayor Alex?" Halatang naiinip na si Lily. Iilan na lang kaming nandito sa labas dahil lasing na yung iba. Hindi na nila kinaya.

Sampu na lang kaming nandito. Nakaupo kami palibot sa bonfire.

"Maglalaro tayo ng truth or dare." Nakangising sambit ni Alex habang nakatingin sa'ming lahat.
"Alam niyo naman kung paano 'to laruin di ba?" Nagtanguan naman kami.
"Pero ang lalaruin natin Truth or dare with a twist."

Nagtataka naman kaming napatingin sa kanya.

"Kung hindi mo masasagot o magagawa ang mga ipapagawa at itatanong sayo. Maghuhubad ka ng isa sa suot mo sa katawan but pwede ka ring mamili. Hubad o inom." Saad niya at may nilabas na alak mula sa likuran.

"I like it." Nakangiting sabi ni Laurien. Siya lang yata ang may gusto sa larong 'to. Ngayon ko lang pala napansin na napapagitnaan naming dalawa si Den.

Gusto ko sanang makipagpalit kay Lily pero ayaw ko namang isipan niya na I'm avoiding him. Kahit yun naman talaga ang totoo.

"Let's start." Umalis kami sa pinagkakaupuan namin kanina at gumawa ulit ng bilog sa gilid ng bonfire. Nilagay ni Alex ang bote sa gitna at sinimulan itong paikotin.

"Weew, Gi."
"Truth or Dare?" Tanong ni Alex kay Gi.

"Dare!" Matapang na sambit nito.

"Atapang na tao." Natatawang sambit naman ni Jav. Pansin ko ang paminsa-minsan niyang pagsulyap kay Lily. At sa tuwing mahuhuli ko siya, bigla na lang siyang iiwas ng tingin.

"Ok, sayawan mo kami." Kahit nag-alinlangan ay sumayaw ni Gi sa harapan naming lahat. Ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang sumayaw.

"Laurien."

"Dare." Mabilis na sambit ni Laurien.

"Ok." Nakangising saad ni Jenie. Isa sa kaibigan ni Laurien. Actually, ngayon ko lang din siya nakita dito.
"Kiss the person that you like."

"Pwede ba yun? Hindi pa masyadong malandi. Paano na lang kung ang lalaking hahalikan niya may girlfriend na pala?" Reklamo ni Lily habang nakatingin sa'kin. Basa ko palang sa mata niya alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

Umiling lang ako sa kanya bago ngumiti.

"Don't worry. I'm 100% sure na walang girlfriend ang hahalikan ko." Nakangising saad niya.

"Go."

Nakatitig lang ako kay Lily. Walang balak na mag-iwas ng tingin. Kita ko ang paglaki ng kanyang mata.

"Wow, so you like Den?"

"Hinalikan mo siya sa labi?" Gulat pero nakuha paring magtanong si Lily.

"Yeah, why? May masama ba?"

"Anak ng tipaklong-!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil tinakpan ni Jav ang bibig niya.

"Paikotin na." Saad ko.
Pansin ko ang pagtitig sa'kin ni Lily.

"It's ok." I mouthed.

"It's not." She answered.

Nakailang ikot na kami ng bote pero hanggang ngayon hindi parin tumatapat sa'kin ang bote.

"Dash."

"Pwede ako ang magtanong?" Sambit ni Laurien. May binabalak na naman ang babaeng 'to at kung ano man yun. Hindi ko siya uurungan.

"Truth or-"

"Dare." Putol ko sa sinabi niya.

"Ok, sumulong sa tubig ng dagat."

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now