CHAPTER 27

5 1 0
                                    

《《Annica》》

"Ma, kailan po gigising si Ca?" Lumuluhang napatingin ako sa inosenteng si Jamaica. Hindi niya alam na hindi na babalik ang Ca niya.

"A-ahm, matagal pa nak." Hinaplos ko ang kanyang mukha.

"Hindi  po ba natin kakainin yung hinanda natin para kay Ca?"
"Hindi po ba siya magugutom diyan sa loob?" Hindi na ako nakasagot sa halip ay niyakap ko na lang ito. Wala na akong lakas para sagutin ang tanong ng anak ko.

••

《《Dash》》

"Sobrang lapit na ng exam sana lang talaga hindi ko makalimutan ang pag-aaralan na'tin." Problemadong saad ni Lily habang sapo-sapo ang kanyang ulo.

"Memorya mo nga yung line mo bilang kontrabida na mas mahaba pa yun kesa sa pag-aaralan na'tin." Napangiti ako nang sumimangot na lang bigla si Lily dahil sa sinabi ni Kieper.

"Tuloy, tayo bukas. Tomorrow is Saturday. Monday na ang exam!" Napatalon ako sa gulat ng bigla niya na lang hampasin ang mesa. Kaya lahat ng estudyante napatingin sa kanya.

"Kumalma ka nga, lahat tayo problemado ok? Tiwala lang. Let's make a deal." Napatingin silang dalawa sa'kin.

"Ano?"

"Ok, kung may isa sa'tin ang bagsak sa exam manlilibre siya within 1 month." Nakakunot ang noo ni Lily.

"Bakit hindi na'tin gawing tatlong buwan." Tumaas ang kilay ni Kieper at sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

"Deal, sigurado naman akong hindi ako babagsak." Mayabang na sabi niya.

"Lalo na ako. Kung sino man ang babagsak, maghanda na siya ng pera." Umayos ako nang upo habang pinapakinggan sina Lily at Kieper na nag-uusap.

Pinag-usapan lang naman nila kung sino ang babagsak sa aming tatlo, hinayaan ko na lang silang magyabangan kung sino ang babagsak.

"Dash, cellphone mo." Turo ni Lily sa cellphone ko  na kanina pa pala tumutunog.

"Sasagutin ko na lang 'to." Saad ko at lumabas ng classroom.

Lumayo ako ng kunti sa classroom namin habang sinagot ang tawag.

"Hello?"

[Hi.] Paos na anas nito.

"Den? Bakit ka napatawag?" Tanong ko ng makilala ang boses niya.

[Alis muna tayo, may kalandian pa si Pres.] Rinig kong boses mula sa kabilang linya. The heck?!
[Get out.] Mariin na utos ni Den.
[Enjoy, Mr. President.] Asar ng mga kasama niya kung sino man ang mga yun.
[Tsk.]

Naningkit ang mata kong napatingin sa may pintuan ng classroom namin. Nakikinig ang dalawa.
Napailing na lang aki dahil sa dalawa.

[Sorry, about that.] Mahinang boses na sambit nito. Rinig ko pa ang kanyang pagbuntong hininga.

"It's ok. Ano palang dahilan ng pagtawag mo?"

[I miss you.] Kalma lang puso.

Itinapat ko ang aking kamay sa may bandang puso ko. Nagsimula na naman itong bumilis sa pagtibok. Hindi ko alam kung bakit gamito na lang ang epekto sa'kin ni Den.

"A-Ahm." Anong isasagot ko?
Hingang malalim, breathe in ,breathe out.
"K-Kung ganon."
"P-Pwede naman tayong magkita mamaya." Napakagat ako ng aking labi. Tama ba ang ginawa ko?

Mahina siyang natawa sa kabilang linya. Tsk, nilakasan ko pa ang loob ko para sabihin yun. Tapos tatawanan niya lang ako.

[Susunduin kita mamaya, ok?]

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now