CHAPTER 43

7 1 0
                                    

Ilang minuto pa bago nagsink-in sa'kin ang gusto niyang iparating.

"What do you mean?" Gustong sa bibig niya mismo manggaling ang ibig sabihin ng salitang sinabi niya.

"Den, hindi pa ba tayo aalis." Lumipat ang tingin ko kay Laurien.

"Mas mabuti pa siguro, bukas na lang natin pag-usapan ang ganitong bagay." Itinaas ko ang aking dalawang kamay sa ere.
"Pagod ako, pagod ka. Let's just take a rest, ok?" Akamng tatalikod na ako nang sabihin niya ang katagang madaling sabihin pero bakit parang ang hirap paniwalaan.

"I like you, Dash."

"Hep, wait lang-"

"Get in the car, Laurien." Sambit ni Den at bumaling kay Laurien ng tingin na kakababa lang ng sasakyan.

Magkasama pala sila?

"Kakababa ko lang e. Pababalikin mo ako agad." Inis na sambit nito kay Den.
"At ikaw Dash." Tinuro ko pa ang sarili ko.
"Yes, you. Den like you very much. Alam mo bang masakit sa'kin na ikaw ang gusto niya." Napairap pa ito sa'kin.
"So please, fix your problem. Bago pa ulit ako umeksina, and I know na ayaw niyo yun. Di ba?" Huling salita niya at bumalik sa sasakyan.

Gusto niya pa talaga niyang umeksina.

"Dash."

"Den, I don't know what to say."
"Si-Siiguro, ihatid mo na si Laurien pauwi. Then let's talk again." Halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"I promise, mag-uusap tayo." Pilit ko sa kanya.

"Dapat lang kundi..." Hindi na niya natukoy ang sasabihin ng sumungit si Laurien.

"Aagawin ko siya sa'yo!" Sigaw nito sa labas ng bintana.

Subukan mo lang. At ng makita mo.

Pinasadaan ko ng tingin ang sasakyang papaalis.

Sa sinabi niyang yun mas lalo lang niyang ginulo ang isipan ko.

••

《《Laurien》》

"Salamat sa paghatid ah." I said with a smile. Oo na, alam kung galit kayo sa'kin dahil sa pangugulo ko sa ship niyo. And it's not my intention ok? Nagkataon lang siguro na gusto ko pa si Den at may gusto na pala siyang iba. At tanggap ko na yun na hindi na talaga mababalik sa dati ang lahat.

Den was my first love.

But nagbago lang yun lahat ng dinala namin si lola sa abroad para sa operation niya. At yun nagkahiwalay kaming dalawa. Sinubukan namin ang LDR relationship but it didn't work out. And it lead us to break up.

Bumalik lang kami dito dahil sa gusto ni lola. At yun na nga akala ko tadhana ang nagdala sa'kin para magkita ulit kami ni Den but I think I was wrong.

"Sana maayos niyo na ang sa inyo ni Dash."
"At kanina pala sa rooftop, I saw her. Baka na misinterpret niya yung mga sinabi ko sayo kanina." Sambit ko habang nasa labas ng sasakyan niya.

"Thank you, Laurien." Ngumiti ako sa kanya.

"Go, puntahan mo na si Dash. Di ba sabi niya mag-uusap pa kayo? Wag mo ng ipagpabukas baka mag-iba na naman ang isip non." Masaya ako ngayon pero bigla na lang nagbago ng pinaharurot ni Den ang sasakyan. Kahit kailang bastos din ang lalaking yun e noh. Hindi pa nga niya ako pinatapos sa speech ko. Tsk, pasalamat ka na lang talaga Den.

"Ouch! Sakit non." Malamang ouch nga di ba?

"Anong ginagawa mo dito? Ha?" Akyat bahay ba'to. At ngayon ko lang nalaman na nandito pala ang hinayupak na'to.

"Ikaw nga nandito? Tinanong ba kita ha?" Kunti na lang at sasapatusin ko na ang lalaking 'to.

"Sarcasm ba yun?"

"Hindi e." Sabi niya at sinubukang akyatin ang pader.

"Baliw ka ba? Magnanakaw ka siguro no?"

"Malay ko. Hindi ko nga tinanong ang sarili ko kung magnanakaw ba'ko." Arghhh! Patience, Laurien. May tupak ba ang lalaking 'to?

"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kieper." Maikling sagot niya at pinipilit inakyat ang pader.

"Ohh, kaibigan ka ni Dash di ba?" I said. As far as I can remember, part siya ng team nila Dean. Oh, magaling din pala siya sa swimming.

"Oo, bakit?"

"Nothing, you look so familiar kasi."

"Wag ka ngang magconyo. Hindi bagay sayo." Ouch! Nakakasakit na ang lalaking to a. Isa na lang talaga at mababato ko na 'to.

"Bakit mo ba pinipilit na akyatin ang pader na yan?! E, bukas naman yung gate!" Sigaw ko habang nakaturo sa gate na bukas na bukas. Parang tanga ang lalaking 'to. Nakalimutan ko ding e lock ang gate.

"Sinusubukan ko lang na maging akyat bahay. Para manakawan ko yang bahay niyo." At dahil sa sinabi niyang yung tumama ang sapatos ko sa pagmumukha niya. Ano namang mananakaw niya sa bahay namin? Hindi pa siya makakapasok kita ko na sa cctv ang pagmumukha niya.

"Ang sakit non ah!" Sabay sapo sa pisngi niya.

"At kailan ka pa nakakita ng taong tinamaan ng sapatos na hindi nasaktan?"

"Tsk, diyan ka na nga! Sadista!" He said.

At siya pa talaga ang may ganang  magwalk out. Napaawang ang labi ko habang nakapamewang. Fine!

Tsk, arghhh! He's getting into my nerves!

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now