CHAPTER 29

7 0 0
                                    

《《Kai》》

"Kai." Tawag miya sa'kin. Pinilit kong walang emosyon ang sumilay sa aking mukha habang kaharap ang babaeng mahal ko.

"Umuwi ka na, Amaica." Sinubukan kong wag mautal. Bumahid ang lungkot sa kanyang mata. Yun ang pinakaayaw ko.

"Bakit?" Sobrang gago ko dahil pinaghintay ko siya dito.

"Umuwi ka na, Amaica." Mariin na sambit ko sa kanya.

Napakagat ako ng aking labi nang talikuran ko siya. Hindi ko kaya. Yumakap sa'kin si Laurie pero lahat ng 'to palabas lang.

"Masasaktan mo si Amaica, Kai." Malungkot na saad ni Laurie ng makapasok kami sa sasakyan. Lahat ng ginawa niya kanina kay Amaica. Yung pagtutok niya ng baril palabas lang lahat ng yun. Kailangan ko yung gawin dahil may mga nakabantay na tauhan ni papa.

"Mas lalo ko siyang masasaktan kapag hindi ko yun ginawa." Saad ko  bago ibinaling ang tingin sa labas.
Kapag hindi ko sinunod si papa lalo lang lalaya ang sitwasyon mawawala kay Amaica lahat. Si Annica na lang ang meron siya.

"Masakit para sa'kin na makita kong nasasaktan si Amaica."

Mas duble ang sakit na nararamdaman ko ngayon kumapara sa nararamdaman mo, Laurie. Dahil alam kung ginusto mo ang mga nangyari.

《《Flashback》》

"Ano yun?" Naningkit ang mata ni papa habang nakatingin sa'kin.

"Pupuntahan ko muna si Amaica." Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko.

"O siya, magpapasama ako ng ilan sa aking mga tauhan at si Laurie. Makipaghiwalay ka na sa babaeng yun Kai, dahil walang patutunguhan ang pagmamahalan niyong dalawa." Saad niya bago iwang nakatayong mag-isa doon.

Lumabas si Kean ng kwarto at niyakap ang ako.

"Kuya, sundin mo na lang si papa para hindi ka na niya saktan."
Ginulo ko ang kanyang buhok.

"Matulog ka na, may pasok ka pa bukas." Nakangiting sambit ko at hinayaan siyang pumasok sa kanyang kwarto. Sumunod si Hwaren at tumabi sa'kin.

"Minsan napapaisip ako kung karapat-dapat pa siyang tawagin na papa." May bahid ng galit sa tono ng kanyang pananalita.

"Hwaren." Mariin na sambit ko sa kanyang pangalan.

"Kung may pera lang ako kuya, matagal na akong lumayas sa pamamahay na'to." Huling salita niya at dumeritso patungo sa kanyang kwarto.

Kahit pagbalik-baliktarin man namin ang mundo ama parin namin siya.

《《End of flashback》》

Ilang sandali pa bago huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

Hinawakan ako sa balikat ni Laurie ngunit mabilis ko itong winaksi.

"Alam kung ikaw ang nagsabi kay papa. Wag ka ng magkunwari, Laurie." Sabi ko sa kanya at pumasok ng bahay nang hindi man lang lumilingon sa kanya. Kahit kailan hindi ko sinabi kay papa na may relasyon kaming dalawa ni Amaica dahil alam kung ganito ang magiging kahinatnan ng lahat.

Padabog kong sinarado ang pintuan ng aking kwarto ng biglang tumunog ang telepono na nasa mesa.

[K-kai.] Nanginginig na boses ni Korn sa kabilang linya.

"Nagkita ba kayo ni Amaica? Kamusta siya?" Sunod-sunod na tanong ko pero ni isa sa mga tanong ko hindi niya nasagot.
"Korn!" Napasigaw na ako dahil sa labis na inis.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now