CHAPTER 42

6 1 0
                                    

Ilang minuto pa bago ako makasagot sa tanong niya.

"I-I'm not sure." Saad ko bago nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Ok." Saad niya at tinalikuran ako.

"Den, wait." Mabilis kong nahawakan ang kamay niya.
Paano ba 'to?

"H-Hindi pa ako sigurado kung sasama ako kay mama papuntang states." Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak parin sa kanyang kamay kaya mabilis ko itong tinanggal.

"I understand." Saad niya at dalawang beses na tumango.
"Aalis muna ako." Saad niya at umalis na lang.

May kung anong mabigat sa dibdib ko nang minamasdan ko siya habang papalayo.

Gusto ko man siyang sundan pero hindi ko naman alam kung anong gagawin ko.

Napabuga na lang ako ng hangin.

"Bakit parang naguguilty ako?"

"Dash?"

"Asan si Den?" Tanong ni Nico. Matapos niya akong iwan habang kasama si Den nang mag-isa.

"Bigla na lang umalis e." Simpleng sagot ko.

"Baka inaway mo." Mahina ko siyang sinapak sa balikat.

"Mukha ba akong nang aaway?"

"Malay ko ba." May pang-aasar pa sa tono nito.

"Asan nga pala si Tito Hwaren?" Pag-iiba ko sa tanong.

"Inaasikaso ang mga dapat asikasuhin." Kompara sa'kin mas matagal na nakasama ni Nico si lolo.

Mabigat din sa loob niya ang pagnawala nito.

"Umiyak ka lang."

"Huh?"

"Sabi ko umiyak ka lang." Nakangitang sambit ko sa kanya.

"Hindi ako iiyak." Sambit niya pero hindi napigilan ng mga mata ang kusang pagpatak ng mga luha.
"S-Sabing hindi ako iiyak e." Sabi niya at pinunasan ang mga ito.

Isang yakap ang binigay ko sa kanya.

"Hindi masamang umiiyak, Nico." Namayani ang hikbi niya sa hallway ng hospital.

"I know, ayaw ko lang umiyak!" Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Si Den ang dapat mong i-comfort, Dash." Huminga muna siya ng malalim bago niya tinapik ang magkabila kong pisngi.

"Alam ko kung ano ang nangyayari sa pagitan ninyong dalawa. Noon palang na pinaiimbistigahan niyo sa'kin yung si Amaica at si Kai." Pinatong niya ng kanyang kaliwang kamay sa balikat ko.

"Puntahan mo na siya."

"Tsk, paano ko naman siya pupuntahan. E, hindi ko nga alam kung saan siya nagpunta."

"Tingnan mo sa rooftop."

"Rooftop?"

"Oo, nasa akin ang susi ng kotse niya kaya imposibleng makaalis yun." Sabay taas niya sa susi.

He's right.

"Ok." Saad ko at tinakbo ang hagdan patungo sa rooftop.

••

Ilang hagdan palang ang naakyat ko pero paranf hihimatayin na ako sa pagod. Sino ba namang shunga na gagamit ng hagdan e, may elevator naman. Tanga lang.

"It's ok, Den." Isang hakbang na lang sana. Pero napatigil ako dahil babaeng nagsalita.

May kunting siwang ang pintuan kaya malaya akong nakakasilip. Hindi naman ako nambubuso.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now