CHAPTER 37

6 0 0
                                    

《《Lily》》

Naloloka na talaga ako sa mga nangyayari ah. Hindi ko alam kung saan patungo si Dash. Pero ganon pa man sinundan ko kaagad siya.

Nong sumigaw siya kanina parang hindi siya si Dash na kilala ko. Para bang sinapian siya nang kung anong espirito.

"Dash?" Kinatok ko ang pintuan ng kwarto nila ni bruhildang si Laurien.

Pumasok na ako ng makitang nakabukas ang pinto. Pero walang tao. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nito pero wala na don ang mga gamit ni Dash.

"Kinakabahan ako dito." Mabilis akong tumakbo papunta kina Den hanggang ngayon nandon parin sila.

"Wala si Dash, pati mga gamit niya wala na rin."
"Ikaw talaga ang may kasalanan nito e." Akamang hihilahin ko sana ang buhok ng Laurien na yun kung hindi lang ako pinigilan ni Kieper.

"What do you mean?" Anong what do you mean? Kanta ni Justin Bieber ganon?

"Ang ibig kong sabihin na umalis na si Dash, Den! Gets mo na?"
"Sa totoo lang ha, matagal ko na talaga 'tong kinikimkim sa loob ko e. At may pagkakataon na akong ilabas 'to. Kasi simula ng dumating ang babaeng 'to." Sabay turo ko kay Laurien.
"Nagkalitse-litse na ang lahat. Honestly, gusto kong lumayag ang ship ko. Di ba Kieper?"

"Oo, kaso hindi pa man nakalayag lumubog na agad." Sagot ni Kieper. Basta sa gamitong bagay nagkakaintindihan talaga kami. Plus points ka, Kieper.

"Den, nagdadalawang isip na ako e. Hindi lang ako ang nakakahalata na iniiwasan mo si Dash. Wala namang ginawang masama ang kaibigan ko pero alam mo yun. Nagpapakita ka ng motibo sa kanya, alam mo bang hulog na sayo si Dash. Para siyang mangga e yung kakahulog lang tapos ikaw naghihintay sa baba para saluhin siya kaso dumating 'to." Hindi ko talagang maiwasang ituro ang higad na'to.
"Kaso ang manggang yun hindi mo namamalayan nahulog na pala at hindi mo man lang naisipang saluhin."
"Hindi naman talaga ako, manghihimasok e. Yung trato mo kay Dash, Den. I can't accept it. Yung nasa clinic siya diba magkasama kayo nito?"
"Sobra na e."
"Sobra na." Saad ko bago sila talikuran.

Pilit kong tinatawagan si Dash pero cannot be reach ang cellphone niya.

Hindi ko maiwasang mag-alala dahil hating gabi na.

Kung ako ang nasa sitwasyon ni Dash ngayon. Lalayo rin ako.

"Lily."

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko kay Jav.

"Hindi ko inaasahan sasabog ka kanina." Tsk, sino ba namang mag-aakala na mangayayari ang lahat ng 'to. Kung hindi dahil sa Laurien na yun. Parang kasing linta kung makakapit.

"Kaibigan ko si Dash at ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan." Hindi siya nakaimik dahil sa sinabi k sa kanya.

Late na akong nakatulog dahil sinusubukan ko paring tawagan si Dash but until now cannot be reach pa rin. Nagdesisyon kami ni Kieper na hindi na tapusin ang outing na'to. Ilang araw na rin lang naman ay matatapos na ang pagstay namin dito.

"Uuwi na talaga kayo?" Tanong ni Alex.

"Magkita na lang tayo sa university." Sambit ko at dinala ang ilan sa mga gamit ko. Sasabay naman kami nila Nico. Dito rin kasi sila nagstay.

"Si Den?"

"Nauna na siyang umuwi. Kasama niya si La-" Tinakpan ko ang bibig ni Alex. Ang aga-aga may nagpasira na naman ng araw ko.

"Wag mong banggitin ang pangalan ng babaeng yun."

"Let's go, guys." Kumaway muna ako sa kanila bago pumasok sa sasakyan ni Nico.

Nasa passenger seat kami ni Kieper. Hindi dito nakasakay yung tatay ni Nico nasa ibang sasakyan yata.

"Ano ba talagang nangyari kahapon?" Tanong ni Nico sa'min.

"Hindi rin namin alam." Wala sa sariling sambit ko. Kahit ako naninibago sa inasta ni Dash kahapon. Parang alam mo yun may mali. Parang hindi siya ang Dash na nakilala ko.

"Anong pinag-usapan niyo ni Jav kanina?" Mahina akong siniko ni Kieper habang tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana.

"Tsk, wala ka na don."

"Kahit kailan talaga, sobrang torpe ng kupal na yun." Hinayaan ko na lang siyang kausapin ang sarili niya. Hindi naman ako interesado sa pinagsasabi ng mokong na'to. Baka kung anong issue pa ang.. alam niyo na.

Ilang oras na biyahe hanggang sa makababa kami sa harap university.

"Nacontact mo na ba si Dash, Nico?" Tanong ko ng ibinaba niya  ang maleta namin ni Kieper.

"Not yet, I'm sure she's safe." Kalmadong sambit niya.
"I have to go, may kailangan pa akong asikasuhin."

Tumango na lang kaming dalawa ni Kieper.

"Ligtas naman siguro si Dash, hindi naman siguro siya gagawa ng ikakapahamak niya."

••

《《Dash》》

"Ma." I said while looking at her. I miss her.

[Anak, tell me. What happened?] Inilayo ko ang screen mula sa' kin.

"Nothing happened." Maikling sambit ko at dumapa sa kama. Hindi ko alam pero hindi ko magawang sabihin kay mama kung ano ang mga nangyari sa'min sa resort na yun.

[Dashne, alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi. Hindi ka magmagpapabook sa'kin ng ticket papunta dito kung walang nangyari.] Bumuga muna ako ng hangin bago ngumuso sa kanya.

"Hindi naman ako tumuloy e." Yeah, you heard me right.

《《FLASHBACK》》

[Dashne, anong nangyari?]
[Umiiyak ka ba,anak?] Huminto ang sinasakyan kung taxi sa harap ng condo building kung saan ako tumutuloy.

[Kung gusto mo talagang tumira na dito kasama kami ni Elvin. Magpapabook na ako ng ticket. Hihintayin ka namin dito.]

"Ma." Pigil ko sa kanya.
"No need, h-hindi na ako tutuloy." Hindi ko pwedeng takbuhan ang problema ko.

[Dashne, kung may problema ka. Sabihin mo sa'kin ok? I'm just here. Makikinig ako.]

"Yes, ma."

Pumasok na ako sa loob nang hindi sinasadyang may makabangga ako.

"I'm sorry."

"No, its ok." Sambit niya at tumitig sa'kin. Nagkita tayo ulit.

"Mauna na po ako." Bago ko pa man siya malagpasan marahan niyang hinablot ang aking braso.

"Y-You?" Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahang tinaggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa aking braso.

"I have to go po." Sabi ko at tuluyan na siyang nilagpasan. Hindi ko inaasahang magkikita kami sa building na'to. Kung saan rin kami nagkita ni Korn.

Mabilis kong tinakbo paakyat ng hagdan habang dala ang gamit. Hindi naman ito kabigatan.

Napahinto ako ng mamalayan kung bukas ang pinto ng condo ko. May nakapasok ba? Imposible. Kasi pagkaalis ko sinigurado kong nakalock ang pinto.

Pinasok ko ang nakabukas na pinto. Wala namang tao sa loob.

"Dash." Lumingon sa'kin ang taong nakaharap sa bintana. Unti-unti itong lumingon sa'kin at ngayon naaninag ko na ang mukha niya.

"What are you doing here?"

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now