CHAPTER 5

12 3 0
                                    

"Tao po!" Sigaw ko habang nakaharap sa malaking bahay. Ito kasi yung sinabi sa'kin nila Laurie sa'kin na tinitirhan nila Kai. Nilakasan ko na ang loob kong pumunta dito.

"Ano pong kailangan nila?" Lumabas ang isang babae na may kaedaran na.

"May itatanong lang po sana ako."
"Dito po ba nakatira si Kai." Wala sa sariling napakamot ako ng ulo.

Ano ngang apelyido ni Kai? Hays, hindi ko kasi natanong e. Basta si Kai.

"Si Sir Kai po ba?" Tumango na lang ako. Basta Kai ang pangalan niya. Alam kong siya na yun.

"Asan po ba siya?"

"Ikaw ba si Amaica?" Tanong ng lalaking kakalabas lang ng bahay.

"Sir Hwaren." Tumabi ang matandang babae.

"Ako nga po."

"Pasukin mo siya, manang." Saad niya sa lalaki. Pinagbuksan ako ng gate nong babae.

"Manang, sino po yung lalaki?"

"Ah, si Sir Hwaren. Siya ang nakababatang kapatid ni Sir Kai." Napatango na lang ako. May kapatid pala si Kai. Akala ko nag-iisa lang siyang anak. Tsk, hindi ko naman alam ang family background niya.

"Pasok ka na." Sinundan ko lang si manang papasok ng bahay. Sobrang laki pala ng bahay nila Kai. Mayaman pala talaga sila.

"Umupo ka muna." Sinenyasan ako ni manang na umupo katapat ni Hwaren.

"Bakit ka napadalaw dito?" Wala naman akong balak magsinungaling sa kanya.

"Gusto ko lang sanang malaman kung anong nangyari kay Kai. Ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok."

"Ikaw palang ang babaeng naglakas ng loob na pumunta dito." Natatawang sabi niya.
"Nasa itaas si kuya. Nagpapahinga, kagagaling lang niya sa lagnat."

Kaya naman pala hindi siya nakapasok ng ilang araw.

"Pwede ko ba siyang puntahan?"

"Hindi basta-basta nagpapapasok si kuya sa kwarto niya. Subukan mo lang baka papapasukin ka niya."
"Manang, ihatid mo si Amaica sa kwarto ni kuya." Tumayo ako nang pinalapit ako ni manang.

"Magkaibigan ba kayo ni Sir Kai?" Tanong ni manang habang paakyat kami ng hagdan.

"Hindi po." Mabilis na sagot ko.

"E, anong ginagawa mo dito kung ganon?"

"Manliligaw niya po ako." Napatigil si manang sa paglalakad. At hindi makapaniwalang napatingin sa'kin. Ako po ang nanliligaw, manang eh.

"Ano kamo?"
"Manliligaw?" Marahan akong kinurot ni manang sa tagiliran.

"Juskong bata ka, ang lalaki dapat ang nanliligaw hindi ang babaeng katulad mo." Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya.

"Manang, ako lang ang may gusto sa kanya. Kaya ako ang nanliligaw para magustuhan niya ako." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ewan ko sayong bata ka."
"Ito na ang kwarto ni Sir Kai. Humanda ka, hindi mo pa nabubuksan ang pinto mababato ka na ng unan." Iniwan ako ni manang mag-isa sa harap ng pintuan.

"Malambot naman siguro na unan ang ibabato niya sa'kin. Hindi ba?" Bulong ko sa sarili. Pinihit ko ang siradura ng pinto ni Kai. Kakabukas ko pa nga lang unan na agad ang dumapo sa mukha ko.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now