CHAPTER 17

9 1 0
                                    


Napabalikwas ako nang bangon mula sa aking kinahihigaan.

Kinuha ko ang cellphone na nasa ibabaw ng mesa nang bigla itong magring.

"Hello?" Hindi ko na tiningnan kung sino yung caller.

[Still awake?] Hala siya?

Nanlaki ang mata kong napatingin sa cellphone. Den?!

Hingang malalim. Ok. Calm yourself, Dashne.

"Oo, ikaw?" Halata naman diba? Makakatawag ba yan kung tulog na? Very slow.

Tumikhim ako para kasing may biglang bumara sa aking lalamunan. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ako sa lakad namin bukas. Kinakabahan ako e.

[Bukas..]

Anong bukas?

"Bukas?"

[I'll be there in seven.] Ang aga naman yata? Eight ang gising ko.

"Tulog pa ako non." Mahina siyang natawa sa kabilang linya.

[Ok, I'll be there in nine.] Nakahinga naman ako ng maluwag. At least hindi niya ako maaabutan na nakadapa pa sa kama. Minsan tumutulo pa ang laway ko.

"Nine."

[Kamusta ka na?] Patagilid akong humiga sa kama habang nakalagay ang cellphone sa kaliwa kong tainga.

"Ayos na naman ako."
"Thank you."

Tumahimik ang nasa kabilang linya.

[Para saan?]

"For saving my life." At kay Alex din.

[Hmm, sleep now.] May utang na loob na ako sa kanya.  Kung hindi nila ako sinagip kanina siguro patay na ako ngayon at pinaglamayan na.

"Ikaw din." Saad ko at hinintay na patayin niya ang tawag pero wala yata siyang plano. Napangiti ako at ako na ang unang nagbaba ng tawag.

Umayos ako ng higa at napatingala  sa kisame.
Sana maging maayos ang lakad namin bukas.

Pinakinggan ko ang bawat pintig ng puso ko. Sobrang bilis nito na para bang kakawala na ito. Akala ko pa naman ganon lang kabilis makatulog.

Madaling araw palang gising na gising parin ako. Kanina pa ako paiba-iba ng pwesto pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Kahit anong pikit ang gawin ko hindi parin ako makatulog.

"What happening to me?" Sa huling pagkakataon pinikit ko ulit ang aking mga mata. Patulugin niyo na ako, please.

••

Nagising na lang ako ng may kumatok sa pintuan. Ang aga pa a. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata. Hindi na ako nagdalawang isip na pagbuksan ang nasa harapan ng pinto.

"Why?" Tanong ko habang nakapikit ang aking dalawang mata. Pakiramdam ko babagsak ang katawan ko sa sahig. Around  two na akong nakatulog. Inaantok pa ako ng sobra. Patulugin niyo muna ako, mga five minutes lang.

Mahina lang itong natawa at hinawakan ako sa balikat. Sino ba'to? Sinubukan kong idilat ang aking mata kahit gusto pa nitong pumikit. Humikab pa ako, kung sana mabilis lang akong nakatulog kagabi.

Idinilat ko muli ang aking mata kahit papikit na ito.

"D-Den?" Oh, gosh! Mabilis akong nagtungo sa banyo at tininingnan ang sarili. Magulong buhok. Ba't ang aga niya? Nine ang napag-usapan namin a. Sira ba ang relo nila? At ganito siya kaagang nagpunta dito?

Kumilos na ako para maghanda sa lakad namin. Nakakahiya 'to. Lumabas ako ulit para kumuha ng susuotin.

"Dito ka muna. Magbibihis lang ako." Ngumiti ako sa kanya bago pumasok ulit sa loob ng banyo. Muntik pa akong madulas dahil sa pagmamadali.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now