MDA- I (Beginning)

1.3K 71 6
                                    

Author's Pov

Kakagising lamang ni amanda dahil sa ingay na nanggagaling sa tren sapagkat malapit lang ang kanilang tahanan sa riles , kung makikita niyo ang paligid ay napupuno iyun ng mga puno at mga poste at tsaka mga bahay na halos dikit dikit na sa isa't isa.

Napahawak na lamang siya sa may bandang bibig niya at kaagad nang bumangon upang ayusin ang kanyang higaan at saka tinupi tupi ang kumot at inilagay sa may bandang itaas ng maliit nilang aparador ang kanyang mga unan.

Napakusot kusot na siya ng kanyang mga mata at tsaka lumabas sa kanyang maliit na kwarto , paglabas niya ay nakita niyang nakaupo lang ang kanyang ina habang umiinom ng mainit nitong kape sapagkat makikita niya pa ang usok nito.

"M-magandang Umaga ho inay? Kanina pa hu ba kayo gising saglit lamang at ako'y magsasaing na" aniya ng dalaga at akmang magtutungo na sa may lababo nang bigla siyang tawagin ng kanyang ina.

"Amanda?! Ipagpaliban mo na muna iyan at mamaya mo na gawin , Sa ngayon ay nais kong ipag igib mo muna ako ng tubig sa may poso nang sa ganun ay makaligo na ako sapagkat aalis ako ngayon at pupuntahan ko si mayor sa kanyang office patungkol dun sa scholarship mo sa kolehiyo balita ko ay magbibigay din siya ng additional allowance para sa kanyang mga iskolar" mahabang sabi ng kanyang ina at tsaka hinigop na ang kapeng hawak hawak niya , nanlaki naman ang mata ng dalaga dahil sa narinig niya sa kanyang ina.

"Talaga po inay? Makakapag aral na din ako sa wakas kung sakaling papalarin ako!" Masigla niyang sabi at napangiti dahil sa magandang balita na sinabi ng kanyang ina , agad na siyang nagtungo sa may cr nila na halos malaglag na ang bubungan ngunit kumakapit pa din naman ito sa may haligi ng kanilang tahanan.

Tinignan niya muna ang drum at wala ngang laman iyun kahit unting tubig man lang kung kaya'y kumuha na siya ng dalawang balde at tsaka nagtungo na sa may poso na naroroon sa may likuran ng bahay nila.

Walang daluyan ng tubig sa kanila kaya ang inaasahan lang nilang makukuhanan ng tubig ay yung poso na ilang dekada nang naroroon sa may likuran ng bahay nila.

Doon na din nila kinukuha yung iinumin nila sa pang araw araw , nilapag na ni amanda yung balde at nagsimula nang kumuha ng tubig.

Pinagpapawisan man siya at makikita na sa kanyang mukha na tila bay nahihirapan siya ay hindi siya nagpatinag.

Nakakuha na siya ng dalawang baldeng tubig at tsaka dahan dahan niya na iyong binuhat at dinala patungong cr nila.

Nang maibuhos niya na ang lahat ay nasa kalahati pa lamang iyun kung kaya't bumalik siyang muli at nag igib muli ng tubig.

"Psst!! Psst!! Amanda ang aga aga at napakasipag mo naman ata? Kailangan mo ba ng tulong? Tulungan na kita?" Tawag ni laney kay amanda saka nagtungo sa tabi nito upang siya na ang kumuha ng tubig kasama niya din ngayon ang tatlo pa nilang matatalik na kaibigan na sila Coleen , Jem at Yzabelle.

"Paano hindi magsisipag yang si amanda eh yung nanay niyan napakatamad , walang ginawa sa buhay kundi magpakasarap lang sa tahanan nila" masungit na tugon ni yzabelle sa sinabi ni laney bahagyang natahimik na lamang si amanda dahil doon at nagpokus sa pagtingin sa may tubig na dumadaloy sa bale habang binobomba ni laney yung poso.

"Kaya nga , si amy nag iigib , naglalaba , nagluluto , naghahanap ng makakain nila sa pang araw araw tapos yung nanay niya feeling reyna sa bahay nila minsan nga nakikita pa naming nagsusugal yan doon sa kabilang bayan" pagbibilang sa kamay pa ni coleen ng mga gawaing bahay na ginagawa ni amanda.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now