MDA-XXIV (Good Times)

321 52 10
                                    

Amanda's Pov

Nag aalmusal na ako ngayon , wala rito si inay mukhang naghanap na naman siya ng trabaho. May nakahain na na mga pagkain , toyo at itlog lang naman ang mga ito pero masaya ako dahil si inay na ang nag iinsist na magluto sa ngayon.

Medyo natanggalan din ako ng unting gawain dahil roon ,busy din kasi ako sa walang sawa na pagawa ng plates ko.

Maya maya ay natapos na akong kumain at inilagay ko na muna yung pinagkainan kong mga plato sa may lababo at kumuha ng balde upang mag igib ng tubig sa may poso.

Habang nag iigib ako ay nakita ko si Jem na mukhang masayang masaya ngayong umaga.

"Kakaiba yang mga ngiti mo jemimah ah? Anong nangyari at mukhang masayang masaya ka?" Nawala naman ang mga ngiti niya nung binati ko siya , lumapit siya sa akin at may hawak hawak siyang dutch milk na kanina niya pa ata iniinom sapagkat yung straw nun ay pirat na pirat na.

"Kakagaling ko lang sa Villa Crisostomo amanda sapagkat sinamahan ko si inay? At nakita ko na naman ang taong aking hinahangaan roon" medyo kinikilig na sabi niya pa sa akin , matagal na siyang may lihim na pag hanga sa anak ng amo ng kanyang ina.

"Ano nga ulit ang pangalan nun jem? Hinay hinay lang sa pagkakagusto sa isang anak ng mayaman sapagkat baka masaktan ka lamang" Tanong ko sa kanya habang patuloy pa din sa pagbomba ng poso , nasa kalahati na yung laman ng aking balde.

"Oo alam ko naman iyun amanda? Uhm Dana ang nais niyang itawag ko sa kanya pero ang totoong pangalan niya ay Evans , siya nga pala sa sabado ay naroon din siya kung kaya'y samahan mo ako mamaya kung wala kang gagawin? Mamimili ako ng bestida na susuotin sa sabado" masayang sabi niya , napatango na lamang ako.

Batid kong nalungkot siya dahil sa sinabi ko ngunit ngayon pa lamang ay nais ko na siyang maghanda sapagkat sa mayayamang tao rito sa aming lungsod ay mayayaman din ang gusto nila para sa kanilang mga anak.

Napaisip din ako na may kaklase akong evans pero baka nagkataon lang na ayun ang pangalan nun.

"Oo sige ba? Sasamahan kita , siya nga pala nag aya si laney kahapon na magtutungo daw tayo ngayon sa sapa? Maliligo daw tayo roon at magliliwaliw" pagkukuwento ko sa kanya , napangiti naman siya sa akin saka muling ininom na yung dutch milk niya.

"Oo patungo na nga ako roon eh upang tulungan siya sa paghahanda , mukhang madami dami ang nahuli nilang isda ni myrna kaninang madaling araw kung kaya'y sagana din ang iihawin natin sa sapa" masayang sabi niya , hindi ko naman namalayan na kanina pa pala puno itong balde ko kung kaya'y nagpaalam na din ako sa kanya.

"O siya magkita na lamang tayo roon mamaya sa sapa jem? Mag iingat ka sa pag uwi" huling sabi ko saka naglakad na patungong loob ng bahay at naghugas na din ako ng pinggan.

Coleen's Pov

May dala dala akong basket ngayon at kasama ko si yzabelle , magtutungo kami sa may kakahuyan upang akyatin yung mga puno na may mga prutas.

At tsaka kumuha na din ng mg kahoy na gagamitin namin mamaya sa sapa , sila laney at myrna pati si jem ay nagriready na ng mga kakainin namin doon sa sapa naman habang kami na ang bahala ni yzabelle sa prutas.

Si amanda naman ang naatasan na mag dala ng kaldero at tsaka uling para sa iihawing isda.

"Coco saglit lang naman? Ang bilis mo maglakad!" Tawag sa akin ni yzabelle hanggang ngayon kasi ay nandun pa din siya sa may hulihan.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now