MDA-XXXIV (The Closet) Part 1

306 50 14
                                    

Frances Pov

Kasalukuyang narito lamang ako sa aking silid na naglalaro video games na super mario sa aking tv nang biglaang may kumatok sa pinto ng aking kwarto.

Napatayo naman ako saka pinause na muna yung laro ko saka binuksan yung pintuan , bumungad naman sa akin ang aking ama na may dala dalang tinapay at juice na nakalagay sa may tray.

"Magandang Hapon Ama? Narito hu pala kayo ngayong araw?" Saad ko sa kanya at pumasok na siya sa loob at inilapag ang dala niya sa may lamesa.

"Wala akong gagawin sa hall anak kung kaya'y naisipan ko na lamang na umuwi ng bahay? Kamusta ka? Balita ko sa iyong ina na labis kang nagsisikap na mag aral ng mabuti para sa darating na Pangkahalatang Quiz Bee sa PNU" tanong niya sa akin at tsaka napaupo sa may upuan , naupo na din naman ako at tsaka tinanggal na yung headset na nakalagay sa may leegan ko.

"Mabuti naman po ama , kada oras ay pinag aaralan ko yung mga maaaring lumabas sa quiz bee" magalang na sabi ko sa kanya , matagal pa naman yung Quiz bee ngunit kailangan kong mag aral pa ng mas mabuti.

Kailangan kong manalo sa Quiz bee na iyun gayung iyun na lamang ang aking tsansa para mas patunayan pa ang aking sarili sa aking ina.

"Nako anak? Kailangan mo na munang magpahinga ngayong week , dalawang linggo ang break niyo sa school kung kaya'y ipahinga mo na muna ang iyong utak kahit nitong linggo lang, baka nakakalimutan mo na nalalapit na din ang iyong kaarawan?" Sabi niya nanlaki naman ang aking mga mata dahil doon at tinignan ang kalendaryo na nakasabit sa may bandang aparador ko.

Ack! Sa sobrang busy ko ay nakalimutan ko na malapit na pala ang ika 19th Birthday ko at sa huwebes na pala ito.

Kasalukuyang lunes na ngayon at tatlong araw na lang pala ay aking kaarawan na , sabagay hindi ko naman na maaatupag iyung ganun na bagay sapagkat sobrang busy ko sa pag gawa ng mga proyekto sa paaralan at idagdag mo pa yung mga extra curricular activities na aking dinadaluhan.

"Nawala na po sa aking isipan ang aking kaarawan ama? Ganuong napakarami kong inaalala nitong buwan" sabi ko sa kanya napangiti naman siya sa akin saka hinawakan ang aking kamay.

"Anak? Nais ko lamang sabihin sa iyo na sana ay enjoyin mo ang mga araw na ikaw ay isang mag aaral , wag kang ma pressure at patuloy na patunayan ang sarili mo sa akin or sa amin?" Nag aalalang sabi niya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon , nais kong umiyak sa harap ng aking ama ngayon sa sobrang pagod.

"Mas mahalaga ang iyong kalusugan anak? Kesa dyan sa mga medalya na iyan , alam ko naman na mahilig kana talagang mag aral mula noon pa pero sana ay bigyan mo din ng oras ang iyong sarili sa ibang bagay" sabi niya sa akin napatango na lamang ako sa kanya sala niyakap ko na siya , maswerte ako na siya ang aking ama sapagkat lagi niyang ipinapaintindi sa akin na magsaya lamang.

"Salamat po ama!" Sabi ko sa kanya nung kumalas na kami sa pagkakayakap sa bawat isa.

"Kainin mo na itong meryenda at tsaka magtutungo tayo mamaya sa JTech Birthday Organizer para sa iyong kaarawan sa huwebes" turan niyang muli sa akin bahagyang napatango na lamang ako saka ininom na yung juice na dala dala niya.

"O siya kumain ka na muna dyan anak? Bababa na muna ako at hihintayin ka namin doon sa baba ng iyong Ina at ng Tiya Corteza mo" huling wika niya saka lumabas na ng aking silid , kumuha na lamang ako ng tinapay at tsaka unti unti ko nang kinain iyun.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now