MDA-Vlll (Maltreatment)

375 56 25
                                    

Amanda's Pov

Kasalukuyang naglalakad na ako pauwi ng aming bahay at nagmamadali na ako sapagkat mag aalas singko na ng hapon at mayroon pa nga akong trabaho nitong alas sais sa karinderya ni aling bebang.

Nakasalubong ko si Tiyo Armando na nagmamadaling naglalakad habang ako ay naglalakad sa daan na malapit na sa aming tahanan.

"Tiyo Armando? Saan po ang inyong sadya at tila po ay nagmamadali kayo?" Inosenteng tanong ko sa kanya saka lumapit nang bahagya upang magmano bilang pag galang.

"Ah pamangkin ano kasi... Magtutungo ako sa iyong ina nabalitaan ko na may nakaaway siya roon sa sitio pilapil at kasalukuyang nasa baranggay siya ngayon" alalang sabi niya na ikinagulat ko , napahawak ako sa may bandang palapulsuhan niya at tsaka nagsalita.

"Maaari po bang sumama ako sa inyo Tiyo Armando? Gusto ko malaman kung ano nga ba ang kalagayan ni Ina" sabi ko sa kanya ngunit isang pilit na ngiti lamang ang ibinigay niya sa akin.

"Batid kong nag aalala ka din sa iyong ina amanda ngunit hindi maaari baka mapasama ka sa gulo at ayoko nang dagdagan ang sakit sa ulo na nararanasan mo sa ngayon , ang nais kong gawin mo ngayon ay magtungo sa inyong tahanan at magpahinga dahil galing ka sa paaralan? Ako na ang bahala sa iyong ina" wika niya sa akin saka naglakad na papalayo sa akin nais ko mang sundan siya ay hindi ko na ginawa sapagkat may trabaho pa ako na pupuntahan sa ngayon.

Dali dali na akong umuwi ng aming tahanan at inilagay ko na ang aking bag sa may upuan at pagkatapos nun ay hinubad ko na ang aking uniporme upang ihanger iyun at isabit sa aming sampayan.

Nang magawa ko iyun ay kaagad na akong nagbihis ng pambahay at tsaka iniayos ang aking mga dadalhin patungo sa karinderya at iyun nga ang mini apron ko para hindi marumihan ng anumang dumi sa may lamesa ang aking damit.

Nang matapos ako ay kaagad ko nang isinuot ang aking tsinelas at isinarado ang aming bahay.

Nag aalala man ako sa aking ina ngunit kailangan kong i set a side iyun sapagkat baka makaapekto iyun sa aking trabaho.

Maya maya ay nakarating na ako sa may karinderya ni aling bebang at napakadaming tao nga roon kung kaya'y mabilis na akong nagtungo roon.

"Magandang Hapon po aling bebang!" Bati ko sa kanya nung nakapasok na ako sa may karinderya , kasalukuyang may mga hawak siyang mga order ng mga customer.

"Amanda? Bilisan mo na at nakatambak na ang mga hugasin roon sa may kusina!" Singhal niya sa akin napatango na lamang ako at dali daling nagtungo sa may kusina at bumungad nga sa akin ang napakaraming hugasin.

Hindi naman na ako magtataka pa na ganoon kadami ngunit mukhang mas dumami ata ngayon ang huhugasan ko.

Nagsimula na akong kumuha ng palanggana nang sa ganun ay matanggalan ko na ng dumi ang mga plato , kumuha na din ako ng dishwashing at nang baldeng may laman ng tubig.

Bakas man sa aking mukha ang pagod na aking nadarama dahil kakagaling ko lamang sa mahabang lakaran na galing sa terminal ng traysikelan patungong aming tahanan ay aking iniinda iyun.

Nakakapagod mamuhay sa mundong ito ngunit mas nakakapagod kung wala rin akong gagawing paraan para mabuhay at itaguyod ang aking sarili pati ang aking ina.

Nagsimula na akong umupo sa may upuan na gawa sa kahoy na medyo may kaliitan kung kaya'y sakto lamang iyun sa akin , kinuha ko na ang bawat plato at tsaka tinanggalan iyun ng mga pagkain at inilagay sa may plastic na nasa tabi ko.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now