MDA- LII (Bloody Nose)

229 41 0
                                    

Laney's Pov

Habang nagkakasiyahan kami ay bigla na lamang sumigaw ng napakalakas si amanda at dali dali naman akong lumapit sa kanya upang alamin kung ano ang nangyayari.

Halata ang takot sa kanyang mga mata habang diretsong nakatingin lamang sa may tubig ng sapa.

"Anong meron amanda?" Nag aalalang turan ko sa kanya at bigla lang naman ako nitong niyakap at ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan.

"M-may nakita akong b-bangkay laney" naiiyak na wika niya sabay turo doon sa may tubig na umaagos dali dali namang nataranta sila Coleen dahil sa sinabi ni amanda at nagtungo sa may itaas na ng ilog.

Ako naman ay napatingin doon ngunit wala naman akong nakikitang kung ano maliban sa malinaw na tubig , napailing na lamang ako at tsaka tinulungan nang iangat paitaas si amanda.

Naiisip ko na lamang na baka namamalikmata lamang siya sapagkat wala naman akong nakikitang bangkay kagaya ng kanyang tinutukoy.

"Hoy jem? Ano pang ginagawa mo dyan? Umahon kana din at dumidilim na" tawag ko dito pero parang natulala lang siya na parang ewan , kung kaya'y bumaba akong muli para tulungan siyang umakyat na.

Bigla naman akong nakarinig ng isang malakas na sigaw na nanggagaling kay coleen at yzabelle.

"Amanda!" Sigaw nila na nakaagaw ng atensyon ko kung kaya'y dali dali akong umakyat upang tignan ito , nagdurugo na ang kanyang ilong na siyang ikinakaba ko lalo.

At nawalan din siya ng malay kung kaya dali dali ko na siyang binuhat para dalhin sa pinakamalapit na hospital , wala na akong pakialam ngayon kung basang basa ang aming damit basta lamang ay malaman namin ang kondisyon ng aking kaibigan.

Kaibigan nga lang ba? Sabat ng echosera kong utak. Napailing na lamang ako sapagkat kahit mahal na mahal ko siya higit pa sa pagkakaibigan ay wala akong magagawa kundi itago na lamang iyun.

Maya maya ay nakarating kami ng hospital at mabilis namang inassist ng mga nurse si amanda at chineck up din nung doctor.

Nanlalamig na hinintay namin ang sasabihin ng doctor tungkol sa kalagayan ng aming kaibigan.

"Doc ano po kamusta po ang lagay ng aming kaibigan?" Nanginginig na tanong ko at nakatingin lang sa walang malay na si amanda.

Putlang putla siya hindi ko malamang dahilan? Maaari kayang may malubha siyang sakit? Pero wag naman sana.

"Wala naman akong nakitang kakaiba sa kanya based sa chart niya , marahil ay na over fatigue lamang ito" wika naman ng doctor napahinga naman ako ng maluwag dahil sa aking nalaman.

Akmang lalapitan ko na siya para hawakan ang kamay nito nang biglang may pamilyar akong tinig na narinig at ito ay nanggagaling sa kanyang minamahal.

"Kamusta siya? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong nito sa amin , hindi ko naman maiwasang hindi masaktan habang pinagmamasdan kung gaano niya hawakan ng mahigpit ang kamay ni amanda.

Sana ako nalang si jaydee ano? Para sa ganun ay kaya ko din siyang protektahan, kaya ko din ipaglaban si amanda lalo na yung nararamdaman ko sa kanya.

Masakit para akong dinudurog habang pinagmamasdan sila pero wala akong magagawa eh? Ako lang to si Laney Sañosa at isang simpleng mamamayan lang.

"Okay lang naman ang kalagayan niya master j? Need niya lamang ng pahinga" nakangiting wika ni Yzabelle dito sa nag aalalang si jaydee.

Napakagat na lamang ako ng ibabang labi ko nang imulat ni amanda ang kanyang mga mata at unang nakita niya ay si jaydee.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now