MDA-XVI (Unexpected Moments)

316 50 5
                                    

Frances Pov

Mag aalas sais na at patungo ako sa bahay ni Jaydee at may dala dala akong mga pagkain na paborito niya , ipinaluto ko ito sa aming chef na si Manang Kristina.

May dala din akong halaman na galing sa England , dala dala ito ng aking tiyahin na ilang taon ding hindi nakauwi ng pilipinas.

Napakaganda ng halamang ito at nananabik ako na maibigay ito kay jaydee at malaman ang kanyang reaksyon.

Isa itong kakaibang sunflower sabi sa akin ni Tiya Corteza , nag iiba daw ang kulay ng kanyang petals pag malamig ang panahon at nagiging kulay yellow green iyun na kay hirap paniwalaan.

Alam kong galit parin siya sa akin kaya bilang pampalubag loob ko sa kanya ay ibibigay ko ito sa kanya upang makabawi man lang.

Nalulungkot ako kasi this past few days na hindi ko na siya kasabay kumain sa tanghalian, sa pagpunta ng paaralan at sa ibang mga dapat ginagawa namin noon.

Matagal tagal akong hindi nakalapit sa kanya sapagkat napakadami kong gawain sa paaralan at tsaka madami din akong dapat basahin na Law Books.

Sa buong buhay ko ngayon ko lang ninais na sana magkaroon man lang ako ng break sa pag aaral at pagrereview ng mga Batas.

"Miss Therese? Narito na po tayo sa tahanan ni Master J?" Saad ng aking driver , tumango na lamang ako tsaka pinagbuksan niya na ako ng pintuan ng kotse.

"Maraming salamat sa paghatid sa akin Mang Alfred? Maaari na hu kayong umuwi ganung mag gagabi na" wika ko sa kanya , nanlaki naman ang kanyang mga mata dahil sa aking sinabi.

"Paano hu kayo makakauwi Ms. Therese kung iiwan ko po kayo rito? Magagalit ang iyong ama sa akin kapag hindi kita naiuwi sa inyong Mansyon." Nag aalalang tanong niya sa akin , napangiti na lamang ako dahil unang pagplano ko palang sa pagpunta rito ay balak ko na talagang mag sleep over at magagawa ko lamang iyun kung iiwan ako rito ni mang alfred.

"Wag hu kayong mag alala? Ako na hu ang bahalang magsabi kay Daddy na dito ako matutulog kila Jaydee , mag iingat hu kayo Mang alfred!" Huling sabi ko sa kanya , napakamot na lamang siya ng kanyang batok at tsaka nagtungo na sa may sasakyan.

Nagtungo na ako sa may gate at nakita naman ako kaagad ng guwardya roon , napalunok pa siya ng laway dahil siguro hindi niya inakalang dadalaw ako roon ng ganitong oras.

"Magandang Gabi hu Ms. Therese?" Wika niya saka pinagbuksan ako ng gate , halata pa sa mukha niya na nagdadalawang isip siya ngunit binuksan niya pa din iyun.

"Nandyan ba si jaydee?" Tanong ko sa kanya saka napatingin ako sa may taasan, madilim kasi ang kanyang silid.

"Opo nasa loob po siya at nagpapahinga Ms. Therese? Kung ako po ay iyong pahihintulutan ay ako nalang po ang magbibigay ng iyong dala para kay Master J" medyo kabadong sabi niya , sigurado ako na tungkol na naman ito sa sinabi ni Jaydee nakaraan na wag na kami payagang pumasok sa kanyang tahanan.

"Hindi na hu , batid kong napagsabihan kayo dahil sa naging kaganapan nakaraan ngunit hayaan niyo po ako na humingi ng paumanhin sa kanya sa personal, magtiwala po kayo sa akin na hindi kayo matatanggalan ng trabaho dahil dito" pagpapaliwanag ko sa kanya , halata man na hindi siya kumbinsido ngunit pinatuloy niya pa din ako.

Nang makapasok ako sa loob ay bumungad sa akin si Manang Estella na may hawak hawak na bayong ,mukhang magtutungo siya ngayon sa palengke.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now