MDA-Vl (The Girl In The Red Dress)

385 59 8
                                    

Jaydee's Pov

Nakarating na kami sa may harap ng gate ng unibersidad at bumaba na ako ng sasakyan habang si therese ay nasa loob pa ng sasakyan na tila bay may hinihintay pa.

Iniangat ko ang aking ulo at tinignan ko ang aking paligid na punong puno ng mga magagandang bulaklak sa may gilid pa lang at lalo na sa loob ng unibersidad.

Pinagbuksan na ng driver ko si therese na kasalukuyang nakasimangot ngayon sa hindi ko malamang dahilan.

"Bakit ka ganyan makatingin sa akin? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo therese?" Inosenteng tanong ko sa kanya pero inirapan lamang niya ako , ano na naman kaya ang nangyari at tila bay parang galit siya sa akin.

Wala naman akong naiisip na maaaring ikagalit niya? Bumaba lamang ako ng sasakyan at inaantay siya na makalabas roon.

"Ano tatayo ka nalang ba dyan jaydee? Malilate na tayo sa unang araw ng klase!" Singhal niya sa akin nauna na siyang naglakad at ako naman ay napatakbo nalang upang masabayan siya sa paglalakad.

Nang makapasok na kami sa loob ng unibersidad ay samot saring mga mata ang aking nakikita na nakatingin sa aming dalawa ni therese , may bumubulong at yung iba naman ay mga lalaking masama ang tingin sa akin.

"Wag mo silang intindihin at magpokus ka lang sa paglalakad , marahil ay naninibago sila dahil ni minsan ay wala pa akong nakasama na hindi nila kakilala o bago sa kanilang mga mata" pag eeksplinasyon ni therese sa akin tumango na lamang ako , hindi na bago sa akin na sa tuwing makakasama ko si therese ay madaming mga mata ang nakatingin sa amin.

Napakagandang babae ni therese kung kaya'y hindi na ako magtataka kung ayun ang dahilan kung bakit napaka sama ng tingin ng ibang mga lalaki dito sa akin.

"Here we go! Eto ang iyong magiging classroom jaydee , you're in the class A-1 which means na nasa higher section ka pero wag kang mag alala at maging masaya ka lamang sa unang araw mo ng pagbabalik eskwela? O siya maiwan na kita jaydee? Puntahan na lamang kita rito pag tumunog na ang bell para sa ating recess or break time" turan ni therese at napahinto siya sa paglalakad at tsaka itinuro yung malaking classroom na kulay blue ang pader at kulay brown yung pintuan.

"Sige maraming salamat sa iyong tulong therese!" Maikling sagot ko sa kanya at tumango na lamang siya saka naglakad na patungong classroom niya , kinakabahan man ngunit hinawakan ko na ang door knob at dahan dahan itong inikot.

Nang mabuksan ko na ang pintuan ay napatingin na lamang ako sa may baba dahil naroon na pala ang aming guro na nakaupo sa harap.

"Magandang Umaga po!" Nahihiyang bati ko sa kanya , nakita ko namang tumayo ito dahil nakatingin lamang ako sa kanyang mga paa.

"Magandang Umaga rin! maupo kana roon sa may likuran at tahimik na buklatin ang libro na naroon" sa tono ng kanyang pananalita ay mapag aalaman ko na mabuti at mabait siyang guro.

Nagtungo na ako sa may likuran at naupo na roon , inilapag ko na sa may gilid yung bag ko at tsaka unti unting binuklat yung libro na naroon sa may mesa ko.

Phillipine History? Talaga bang ito ang una kong magiging subject sa umaga? Nakakaantok naman kung ganun kaya pala ganun nalang ang tono ng pananalita ng guro.

Kung maihahambing ko ang kanyang kasuotan ay masasabi kong makaluma nga iyun , sa simpleng damit niya pa lang na kulay pula at maong niyang pants na tila bay pang ordinaryong mamamayan lamang.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now