MDA-XVII (Love is in the air)

433 61 7
                                    

Author's Pov

Walang pasok sa pang apat na subject sila jaydee kung kaya'y naisipan niyang maglibot libot muna nang mag isa sa Unibersidad nila.

Busy kasi sa paggawa ng plates si Evans sa loob ng classroom nila kung kaya'y iniwan niya na muna ito doon sapagkat tapos naman na siya sa mga schoolworks.

Habang naglalakad si jaydee ay nakita niya si amanda kasama ang kaibigan nitong is yssa na nagkukulitan sa may daan patungong library at sa tuwing napapatingin siya kay amanda ay hindi niya maiwasan ang saya na kanyang nadarama.

Mag isa lamang siya kung kaya'y pinipigilan niya ang sarili na mapangiti habang tinitignan si amanda na abot langit ang ngiti na ibinibigay nito sa kanyang kaibigan.

Parang siyang bata na iginagala ng kanyang magulang sa mga magagandang Lugar.

Unti unti namang ipinasok ni jaydee ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang jogging pants at kinuha ang kanyang cellphone at pasimpleng kinuhanan ng litrato si amanda.

Pagkatapos niyang makuhanan ng litrato si amanda ay itinago niya na kaagad ang cellphone niya at pasimpleng napangiting muli.

Pumasok na sa may library si Amanda At Yssa kung kaya'y napilitan din si Jaydee na pumasok roon, nakasalubong niya naman si Therese nung papasok siya sa loob.

"Oh Jaydee? Magbabasa ka din ba sa library? Ito ang unang beses na nakita kita rito , himala at mag isa ka nasaan ang iyong kaibigan na si Evans?" Sunod sunod na saad ni therese may hawak hawak siyang iilang libro sa kanyang kamay at nasa likuran niya ang kanyang tatlong kaibigan na medyo namumula ang pisnge habang pinagmamasdan si jaydee na naka P.E uniform sa ngayon.

"Ah oo tama ka nga therese , may bakante kasi kaming klase kung kaya'y bumisita ako rito sa library , tungkol kay evans? May ginagawa siya kung kaya'y ako lang mag isa sa ngayon" wika niya saka patingin tingin sa paligid , hinahanap niya kung saan pumwesto sila amanda at yssa.

"May hinahanap ka ba?" Takang tanong naman ni Therese , napatigil naman si jaydee sa pagmamasid sa kanyang paligid.

"Wala naman , tinitignan ko lamang kung may bakanteng upuan na maganda ang view" pagpapalusot niya tumango na lamang si therese bago nagsalita.

"O siya mauna na kami Jaydee? Nais ko man na samahan ka ngunit may klase pa ako ngayong oras" malungkot na sabi ni therese , napakagat na lamang siya ng kanyang ibabang labi sapagkat nais niyang makasama si Jaydee sa library.

"Sige therese , study well sa inyo din Rianna , Miho at Klaryle! Pasok na ako sa loob ah? See you Later!" Mabilis na tugon ni jaydee saka naglakad na papuntang loob.

Tinignan lang naman siya ni Frances habang naghahanap siya ng upuan na mauupuan.

"Let's Go na Therese?" Aya ng kanyang kaibigan kay frances tumango na lamang siya at naglakad na sila palayo.

Habang si Jaydee ay nagmamasid masid pa din sa ngayon kung saan naroon sila Yssa At Amanda.

Nagtungo na muna siya sa may bookshelves baka kasi nandun sila at naghahanap ng libro.

Madami siyang nadaraanan na mga estudyante kung kaya'y napatingin siya sa mga libro na naroon sa shelves upang sa ganun ay hindi mahalata na may hinahanap siya.

Maya maya sa kanyang paglilibot ay sa wakas nakita niya na din sila Amanda at Yssa , madami dami na ang hawak nilang libro kung kaya'y napakuha nalang ng libro si jaydee nang wala sa oras.

Para sa ganun ay kunwari may babasahin siya kahit wala naman talaga , ang sadya niya lamang ay panuorin si amanda at kung anong ginagawa nito.

"Amanda? Doon na lamang tayo maupo oh para malapit" turo ni yssa sa may bakanteng upuan , tumango na lamang si amanda saka nagtitingin tingin pa siya sa paligid ng maaari niya pang basahin na short story.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now