MDA-XXVIII (Library)

279 47 8
                                    

Jaydee's Pov

Narito ako ngayon sa library kasama si Evans , inaantay ko ang pagdating nila Yssa at ni Amanda ngayon rito , wala kasi kaming klase sa pangalawang subject kung kaya'y eto ang nagiging tambayan namin sa ngayon.

Kung nagtataka kayo about sa ibinulong ko kay yssa kahapon? Ang sinabi ko lang naman sa kanya ay tulungan niya akong mas mapalapit kay amanda.

Kita ang pagkagulat sa kanyang mga mata nung mga oras na iyun ngunit ngumiti naman siya sa akin at sinabihan ako na maaasahan ko daw siya sa parteng iyun.

Which is ito na nga , nagkausap kami kagabi ay kanina sa g message at papunta na daw sila ngayon sa library at hinihila niya na si amanda papunta rito.

"Mahaba haba pa ang free time natin mamaya bago mag p.e , gusto mo bang mag basketball tayo jaydee? Pampalipas oras lang at tsaka para na din makondisyon ang aking katawan nalalapit na din yung laban naman eh" mahinang saad ni evans , ako kasi ang nagiging kalaro niya sa tuwing need niyang mag ensayo at gumawa ng mga panibagong moves.

Aminado akong magaling siya sa pagbabasketball kagaya ni gabbo , magaling din naman ako roon pero sa ngayon iba na ang priority ko.

Sa pagsusulat na lamang ng libro ang ginagawa ko ngayon ngunit kakaiba na siya kasi yung mga nangyayari sa buhay ko na ang nakasulat doon.

Kung papalarin ay ipa published ko iyun sa tamang panahon kapag natapos na , malaki ang kontribusyon ni amanda roon sapagkat siya ang nilalaman ng aking isinasagawang libro.

"Oo sige ba? Saan tayo sa PNU basketball court ba?" Tanong ko sa kanya habang nakamasid pa din sa paligid , nakita ko na sila amanda at yssa sa may labas at kasalukuyang nakapila na papasok ng library.

"Oo pero sa sabado ay nais ko sanang magtungo sa iyong tahanan muli jaydee? May naiwan kasi akong mahalagang bagay doon kung hindi mo naman mamasamain" turan niya sa akin agad naman akong tumango sa kanya bilang pag sang ayon.

"Oh sige ba btw tara na? Naupo na sila roon sa may upuan" nagmamadaling saad ko , hindi naman na bago na palaging naroon si evans sa aking tahanan.

Naglakad lakad na kami na tila bay naghahanap ng mauupuan , nakita ko naman na papasok si terrence kung kaya'y dali dali na akong nagtungo palapit sa kinaroroonan nila amanda.

"Hi? Pwede ba kaming makiupo ni evans rito? Wala na kasing bakanteng upuan" saad ko napangiti naman si yssa saka dalli daling nagsalita.

"Ikinagagalak po namin na makasabay ka sa pag aaral jaydee" magalang na sabi niya buti naman at hindi niya na ako tinawag na master j.

Naupo naman ako nang mabilis sa tabi ni amanda na ikinagulat niya , tinignan ko nalang siya habang nakangiti pero wala naman siyang inilalabas na kahit anumang emosyon.

Acckk ang cold naman ng baby kong iyan , sayang lang at hindi kita mabakuran dun sa terrence na yun.

Wala pa kasi akong karapatan pero once na magkaroon ako ay hindi ko talaga hahayaang lumapit yung kumag na yun sayo Amanda.

"Hi Amanda? Sinasabi ko na nga ba at narito ka lamang nais ko sanang magpasama sa iyo sa dean's office upang ipasa yung requirements natin sa Pangkahalatang Quiz bee?" Nakangiti niyang saad akmang tatayo na sana si amanda ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay sa may ibaba.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now